TWCIASA #39: Mr. Knight in Shining Armor

678 36 16
                                    

TWCIASA #39: Mr. Knight in Shining Armor

"Andrei."

Hindi ko na magawang tumingin kung sino iyon dahil sobrang pagod na pagod na ang katawan ko at ang mga mata ko. Nakalambitin lang ako sa taling ito.

"W-What are you doing here?!" Nararamdaman ko ang takot sa boses ni Yna. Hindi man ako makakilos dahil sobrang bigat ng katawan ko. Parang naging manhid sa sobrang sakit.

"WHAT DID YOU DO TO HER?!!" Tanging umaalingaw na boses ang naririnig kong nahihilo na ako. Gusto kong ipikit ang mga mata ko pero may nagpupumilit na gumising ako.

"Mr. Knight in Shining Armor, huh? Why are you protecting that bitch?" Mariin na sabi ni Yna.

"You're crazy. Stop this shit. De Guzman." Cold na sabi nito. Pamilyar ang boses niya sakin pero hindi ko matantsa kung sino ito.

"Do you think I will just stop matapos ang ginawa ng babaeng ito at mukhang kayo ay itinutuhog nito?! And I think you have fallen to her..." Ngising sabi nito. Naramdaman ko ang mga yabag ng kanyang mga paa papunta sa akin hinigit niya ang buhok ko.

"Ugh!" Napapikit ako sa sakit.

"Ano bang meron sa babaeng ito at ang daming nagkakagusto dito?" May naramdaman ako matulis na bagay na pumahid sa balat ko. "She's not even beautiful!" Dumadaan iyon sa leeg ko. "She's ordinary, a commoner. Loser." Dumiin iyon sa may bandang baba ng tenga ko. "Oopps. Don't try to come or else I'll kill her in front of you." Wala akong naririnig na ingay kung hindi ang mga yapak lang ni Yna papunta sa akin.

"Is this true? Marunong pa lang sumunod ang isang Jawrence Livingston?" Masayang tonong sabi nito.

"You know what I can do to you De Guzman. So, let her go." Calm na sabi nito. Ang tanging nasa isip ko lang ay sana nga iligtas ako ng lalaking ito.

"And you know what I can do, too! Alam mo kung paano ako gumanti! Hinding hindi ako tumitigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko. AT ANG KAPATID MO ANG GUSTO KO. At itong babaeng ito ang lumalandi sa kanya!" Sigaw niya. Masyado na akong nanghihina at wala na akong panahon para makinig pa sa sinasabi ng isang ito. "At gusto kong patayin siya!" Sigaw niya sa sa gilid ko bigla niyang hinila ang buhok ko. Napapikit ako sa sakit na dulot nito.

"I'll fucking give him to you. Just let her go." Sabi naman nito.

"Are you kidding me? What if you can't?! Ayaw na sakin ni Kiano dahil sa babaeng ito! Nagkakandarapa siya sa walang hiyang babaeng to! Papatayin ko na lang siya para hindi na nakakalandi ng iba." Bigla niyang sinuntok ang tiyan ko. Napaigtad ako. Nararamdaman ko pagdaloy ng dugo sa gilid ng labi ko. Napaubo ubo na ako.

"Yna!" Naramdaman kong napabulagta si Yna sa sahig. Hindi ko alam kung anong ginawa ng estrangherong lalaking ito.

"Kasalanan mo yan, ayokong patulan ka pero sinagad mo ang pasensya ko." Nakikita ko sa sahig ang paghawak ng kamay niya sa kanyang batok na sa palagay ko ay pinalo ito dito.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora