Chapter Fifty One

3.8K 67 5
                                    

51

===========

Nang makarating kami sa bahay ay samo't sari naman ang nararamdaman ko. Excited ako sa magiging reaksyon nina mom and dad lalo na si Michico kapag nakita nila ako. At...

Excited din ako makita si Marco, pero bilang nakatatandang kapatid na lang. Pero kahit magkaganon may kaba pa din akong nararamdaman sa magiging pagkikita namin.

"Hey.." Si Jake, na napagbuksan na pala ako ng pinto ng kotse ng diko namamalayan.

Bumaba na ako ng kotse at humawak sa kamay nyang nakalahad sa akin.

"Relax ok? Akala ko pa naman naka move on ka na." aniya sabay tawa.

Sinuntok ko sya ng mahina sa braso habang nangingiti.

Nagdiretso na kami sa loob ng kabahayan. Sa parteng likod nang bahay ginaganap ang party pero sa loob muna kami nagtuloy. Sinusundan kami ng tingin ng mga abalang kasambahay, maging sila ay nasorpresa siguro pagkakita sakin.

Papalabas na kami sa patio ng bigla akong napalingon sa tumawag sa akin.

"Sweetie?"

Si mommy na pababa ng hagdan habang masayang masayang nakangiti sa akin ngayon. Nang makababa ay tinakbo na nya ako at niyakap.

"My God, mabuti naman at umuwi ka. Akala ko talagang hindi mo kami pagbibigyan ng daddy mo." sunod sunod na aniya habang nakahawak sa dalawang kamay ko.

"Mommy balak ko talagang sorpresahin kau. Did I surprised you?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Masayang masaya ako sweetie." sa halip ay naiiyak na aniya habang niyakap akong muli.

Napalingon ako kay Jake na prenteng nakasandal ng patagilid lang sa may glass door habang nakapamulsang nakatingin lang sa amin.

"Halika puntahan natin ang daddy mo.Tiyak matutuwa din yun."

Kumalas na si mommy sa pagkakayakap sa akin habang pinupunasan ang mga nangingilid na luha sa mga mata nya.

Lumabas na kami ng tuluyan kasama si Jake. Madami ang tao, may mga negosyante din.

Sumenyas sa akin si Jake na may pupuntahan. Tinanguan ko naman sya.

Hawak hawak ni mommy ang kamay ko habang panay ang daldal ng kung ano ano, pero hindi ko naman sya maintindihan dahil maging ang sarili ko ay hindi ko maintindihan. Bakit panay ang pintig ng malakas ng puso ko?

"Ate Janna!"

Nadinig ko ang matinis na boses na yon. Hindi pa man kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari non.

"Ate I've missed you so much." aniya habang mahigpit akong niyakap.

"Kamusta ka na?"

"Kamusta ka na?"

Sabay pa naming tanong sa isa't isa ng maghiwalay kami sa pagkakayakap.

"Ako ate eto, still pretty pa din." maarteng sabi nito.

"Halata nga. By the way Congrats ha. And goodluck for your new beginning." sabi ko sa kanya.

"Thanks ate. Pero dahil ngayon ka lang umuwi ng Pilipinas kailangan mong bumawi sakin. Yun na lang ang gift mo sakin." aniya sabay kindat pa.

"At ano naman yon?" tanong ko sa kanya.

"Mamaya sasabihin ko sayo-- ayan na pala sila Dad." aniya na nakatingin ngayon sa likuran ko.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now