Chapter Fourteen

7.5K 77 1
                                    

14

==================

Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking silid ay pabagsak akong humiga sa aking higaan. Pagod na pagod hindi lang ang katawan ko maging ang aking isipan.

I know Marco was so upset again. Nahihirapan din ako na alam kong masama ang loob nya, ngunit anong magagawa ko, kahit ako ay hindi malaman kung ano nga bang dapat gawin. Hindi madali ang sitwasyong kinasusuungan namin ngayon.

Nasa ganoong pag-iisip ako ng maya maya ay makarinig ako ng mahihinang katok sa pinto.

"Come in, bukas yan." sigaw ko.

Pagkabukas ng pinto ay bumungad si mommy.

"Sweetie, can I talk to you?" tanong nya.

"Sure mom, tungkol ba saan?" tanong ko sa kanya at mula sa pagkakahiga ay agad akong umupo.

Lumapit naman sya sa akin at umupo din sa aking tabi.

"Dumaan si Casey dito kaninang hapon, tinatanong ka. Umuwi na sya ng Maynila. Hindi mo daw sinasagot mga text at tawag nya sayo." mahabang saad ni mommy.

"Mommy I forgot to bring my phone." sabi ko.

Totoo naman kasi naiwan ko ang phone ko at hanggang ngayon nga ay hindi ko pa nakikita kung sino sino na ang mga nagtxt at tumawag.

"And your tita Paloma was also asking you." sa halip ay patuloy nya.

"I will call her later mommy." nakangiti kong sabi sa kanya.

"About last night Janna, may hindi ka ba sinasabi sa akin? " tanong nya habang matiim na nakatitig sa akin.

Bigla naman ang pagkabog ng aking dibdib.

"Mom?" wala akong ibang masabi. Nagkunwari akong hindi ko sya naintindihan.

"Anong ginawa sayo ng Miguel na yon, bakit hindi ka man lang nagsasabi sakin?" tanong nya na mababakas ang lungkot at pagtatampo sa mukha nya.

Yeah, she knows about Miguel.

Flashback

"Hey Ionna diba si Miguel yon?" tanong ng classmate at friend kong si Lei ann.

Sinundan ko naman ng tingin ang tinuturo nya.

Dala ng pagtataka ko bigla ko na lang syang iniwan at unti unting sinundan ko sila.

Si Miguel almost one year ng nanliligaw sa akin.. Bukod tanging manliligaw ko at open naman sa aming tahanan. You read it right "bukod tanging manliligaw ko' masisisi nyo ba ako, ang lola ko at ang tita kong tumandang dalaga ang nagpalaki sa akin. So, dahil masyado silang conservative lumaki narin ako sa ganoong style. Kaya walang magkagusto sa akin dahil sa aking makalumang pananamit at ayos.Pero iba si Miguel nakita ko sa kanya na seryoso at totoo sya sa pagpapakita ng interes sa akin. Unti unti ko na syang nagugustuhan pero sa totoo lang hindi ko alam kung papaano kong sasabihin sa kanya yoon. Wala pa akong alam sa mga ganyang bagay.

Ngunit ano to?

Sa pagtataka ko sinundan ko sila.

Oo sila.

Nauunang maglakad si Aubrey at nakasunod naman si Miguel. Lingid sa kaalaman nila na nakasunod ako sa kanila.

Nagpunta sila sa may isang abandonado at tagong classroom na ngayon ay pinag iimbakan na ng kung ano anong bagay.

"What's this Aubrey?" narinig kong tanong ni Miguel ng makarating sila sa loob.

"Migz I just want to tell you na hindi mo na kailangang ituloy ang panliligaw mo sa kanya. Alam ko nahihirapan ka na.. Its almost a year!" narinig kong sabi ni aubrey ngunit hindi ko alam kung sinong tinutukoy nya.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now