Chapter Forty Five

3.5K 55 6
                                    

45

================

Naasar na ako,halos lahat na ng pwede kong tawagang maternity clinic ay hindi nag aabort. Tumingin pa ulit ako at nagpatuloy sa paghahanap sa laptop.

Ito,last na to pag wala pa din titigil na ako at kailangan ko na sigurong harapin na lang ang problema.

***

Gumagayak na ako para sa pagpunta sa abortionist na nakontak ko ng tumawag si Tita.

"Nagpapasundo ka daw kay Mang Kardo? Saan ang lakad mo?" bungad na nya agad sa akin ng sagutin ko ang tawag nya.

"Ah eh Tita maglilibot lang, gusto kong mag unwind para naman mapreskuhan ang pag-iisip ko." pagsisinungaling ko.

Matagal bago sya nakasagot.

"Sige mag-iingat ka ha? On the way na sya dyan." aniya.

"Opo Tita,salamat."

Naputol na ang linya.

Kinabahan naman akong bigla, kaya ko ba to? Handa nga ba akong kitlin ang walang kamalay malay na nasa sinapupunan ko?

Ayoko naman sana talagang gawin ito,kaso kadugo ko ang ama ng dinadala ko. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao?

Ayoko na sanang magpahatid pa kay Mang Kardo kaso napakalayo naman kasi ng lugar kung saan nakatira ang abortionist. Sa labas na ng Maynila yun,at natatakot akong bumyahe ng mag-isa lalo na't hindi ko kabisado ang lugar. Magpapahatid lang naman ako at ako na lang ang uuwing mag-isa, alam ko naman na ang pauwi.

Dumating na si Mang Kardo. Habang daan kami papunta sa lugar ay panay naman ang pagragasa ng tibok nang puso ko, itutuloy ko pa ba ito?

Kaya ko nga ba?

Mahigit dalawang oras din ng marating namin ang lugar. Ok naman ang clinic,nasa tabing kalsada sya. Malinis at maayos ang pasilidad. Pero ewan,I feel something weird ng makapasok ako. Para akong kinilabutan.

Pinauna ko na si Mang Kardo at nagdiretso na ako sa Clinic Assistant.

Kinuha nya ang pangalan ko at pinaupo muna.

Ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko. Ang tahimik ng paligid.

Matapos ang halos kalahating oras ng pag aantay ay tinawag na ang pangalan ko.

Isang may edad ng babae ang nabungaran ko ng makapasok ako sa silid kung saan ang tinuro ng assistant.

"Ionna Patrice Monteverde?" tanong nya sa akin.

"Ako nga po, Good morning po." magalang kong bati sa kanya.

"Alam mo bang ilegal ang nais mo?" tanong nito.

Natigilan naman ako.

"P-pero nagkausap na po tayo sa phone diba? Sumang-ayon naman kayo." naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Naniniguro lang ako na hindi mo kami ipapahamak. Wala ka bang kasama?" titig na titig nyang tanong sa akin.

"W-wala po." nahihintakutan ko ng sagot.

"Good,pero bago tayo magsimula marami muna akong itatanong sayo. Pag pasado ka sa mga tanong tsaka natin uumpisahan ang mga test. Kailangan kasi nating makasiguro muna sa health mo." pagpapaliwanag nya.

Ganito pala ito,ang dami pang paligoy ligoy. Napag alaman kong patago lang pala ang pag aabort nila,kaya naman pala masyado silang nag-iingat.

Andami nyang tanong sa akin. Kung ilang taon na ako. Kung may history ba ako ng sakit sa puso,diabetes,at kung ano ano pa. Andami nya pang tanong sa akin pero hindi ko na halos maalala ang mga iyon. Habang nagtatagal kasi ay mas lalo na akong kinikilabutan.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now