Chapter Thirty

4.6K 67 1
                                    

30

================

Nagreply ako kay Marco at sinabi kung asan kami.

Nangingiti naman ako,kahit kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Casey pag nalaman nya ang relasyon namin ni Marco.

Kahit madilim sa loob ng sinehan ay napansin parin ni Casey ang pagngiti ngiti ko.

"Hindi naman nakakatawa yung eksena nangingiti ka dyan." aniya na nakataas pa ang kilay.

Hindi naman ako nagsalita at sa halip mas lalo ko pang niluwagan ang ngiti ko.

"Tss.." iiling iling na sabi nya habang ibinalik ang atensyon sa malaking screen.

"Sino ba yang katext mo?" tanong nya habang nasa screen parin nakatutok.

"Just wait,makilala mo din sya." sabi ko sa kanya sa mahinang tinig.

Napansin ko namam na muli syang napalingon sa akin.

"Pupunta sya dito?" tanong nya na nanlalaki pa ang mga mata.

"Yeah. Paparating na sya actually." sabi ko sa kanya.

Sa totoo lang nininerbyos talaga ko.

This is it.

This is it.

Kaya ko to.

"Aba matindi,at magiging chaperone pa pala ang peg ko dito?" aniya na ikinatawa ko naman.

Bigla naman kaming inilawan ni manong. Ang ingay kasi nya. Natahimik naman kami bigla.

"Andyan naman si Andrew,ayaw mo nun double date tayo?" bulong ko sa kanya na nakangisi.

"That jerk. Wag na wag syang makalapit lapit sakin." galit na aniya,ngunit mahina naman.

Nasa may likuran lang kasi namin si Andrew isang halera lang ang pagitan sa kinauupuan namin. Nakasunod pala ito. Napansin ko kasing may binasa si Casey sa phone nya kanina at napalingon sya sa may bandang likuran,at yun nga nakita kong andun sya at malamang sya ang nagtxt kay Casey at sinabi ngang andun sya.

Maya maya ay may tumatawag na sa phone ko. Si Marco, sinagot ko naman ito at sinabi kung asaang banda kami.

Naramdaman ko na may umupo na sa tabi ko. Sakto din kasing bakante ang katabing upuan ko.

"I've missed you babe!" bulong nya sa akin at hinalikan naman ako sa aking pisngi sabay akbay.

Napatingin ako sa kanya at ewan ba, para kong teenager na halos kinikilig pa. Sa simpleng sinabi nya lang at halik ay pakiramdam ko ay matutunaw na ako.

Love na love ko talaga itong lalaking to.

Naramdaman ko na dumukwang si Casey sa harap ko at tinignan ang katabi ko.

"Marco???" gulat nyang tanong.

Narinig ko namang nagbulungan ang mga tao na nanonood din ng sumigaw sya.

Pinaglipat lipat nya ang tingin nya sa amin ni Marco. Si Marco ay komportable lang na nakaupo samantalang ako ay hindi malaman ang gagawin ko.

Nilapitan naman kami ni manong bantay sa sinehan at pinagsabihan kaming bawal mag-ingay. Minsan pa daw ulit at palalabasin na kami.

Ngunit sadya sigurong hindi na makapag-antay itong aking pinsan at nag-aya ng lumabas kahit hindi pa tapos ang aming pinapanuod.

Ang kinahantungan,andito kami ngayon sa food court ng mall. Pagkaupong pagkaupo namin sa isang lamesa doon ay kaagad na naman kaming tinitigan ng may pagtatanong ni Casey.

The Step Sibling's RomanceWhere stories live. Discover now