Chapter thirty-eight

9.5K 186 4
                                    

SERENA's POV

Inabot ko ang mga dress na napili ko sa sales lady, tuwang tuwa siguro ang sales lady na ito kasi sobrang rami kong pinagdadampot. Inisa-isa kong  sinubukan ang mga damit.

"Does this look good on me?" Tanong ko sa sales lady, tumingin ito sa akin sabay tango ng tango kaya naman ay napangiti ako.

"Opo Maam, napaka ganda po ninyo, bagay sa inyo ang lahat ng damit na sinukat niyo." Nakangiti sa akin ang sales lady at ganoon din ang ibang sales lady na nakatingin na sa akin.

Ngumiti na rin ako at binigay na ang credit card ko sa sales lady para mabayaran na kaagad ang lahat ng pinamili ko. Nandito kasi ako ngayon sa isang boutique sa isang mall, I'm actually changing my wardrobe. Hindi kasi nababagay ang mga damit ko sa planong isasagawa ko. Opposite ang kalalabasan no'n pag ganoon pa ding mga damit ang gagamitin ko.

Iyong mga damit kasi na meron ako dati ay masyadong pa inosente ang dating na iyong nagmumukha akong probinsyana at walang kadating-dating. Ayaw kong ganoon ako haharap kay Renzo, I want to look hot as hell para naman mapapadali ang lahat.

Dinampot ko ang phone ko at sinagot ang tawag si Rezzy.

"Pumunta ka na rito, namili na muna ako ng damit kasi alam ko namang late ka na naman." Pinaikot ko ang aking mga nata. As usual late na naman siya pero expected na ito though sanay na naman na ako kay Rezzy. Nagpasama rin kasi ako sa kanya para magshopping, tsaka mas magaling si Rezzy pagdating sa fashion since iyon talaga ang linya n'ya.

"I'll be there in ten minutes sadyang matraffic lang talaga." Her usual reasons. Napailing na lang ako sa kanya, may narinig pa akong boses ng lalaki sa kabilang linya. May kasama si Rezzy?

"I thought your driving? Nagtaxi ka ba?" Tanong ko naman sa kanya.

"Nope, I am with Nate. Sinama ko siya sa atin para may tagabibit tayo ng mga shopping bags at pumayag naman siya." Sabay hagikhik nito. Napa-oh na lang ako, oh well pansin talaga sa bestfriend ko ang kilig. Good for her, atleast naman sa aming dalawa kahit si Rezzy na lang ang magkaroon ng masaya at magandang love life.

Sana lang talaga mag-ayos na si Nate at wag sabihin kung anong meron sa amin dati para hindi masaktan si Rezzy.

Binaba ko na ang tawag at inabot na sa akin ng sales lady ang ilang mga shopping bags at nag-antay sandali sa dalawa dahil paparating na nga daw sila.

Napatingin ako sa harapan at sumalubong sa akin ang malaking salamin. Napatitig ako sa mukha ko sa salamin. Ngayon alam ko na sa sarili kong maganda ako dahil nakikita ko na sa salamin. Nagkakaroon na din ako ng kompiyansa sa sarili kahit na malala at masalimot ang napagdaanan ko dati.

Siguro kung dati ay parati akong nakatingin sa baba na dahil sa nahihiya siyang humarap sa mga tao, ngayon ay itataas ko na ang aking tingin at mas nagtitiwala sa sarili ko. Natutuhan ko ngayong wag dumipende sa mga lalaki except sa Dad ko syempre, natutunan kong walang tutulong sa akin kundi ang sarili ko lang na kailangang tumayo sa sarili niyang mga paa.

Napangiti ako, sabi ng mga tao sa paligid ko na maganda daw ako. Natutuwa naman ako sa mga naririnig ko sa paligid dahil dati walang nakakaappreciate sa akin kundi ang parents ko lang. Pero bakit ganoon, kahit pinapaliguan na ako ng komplimento ay hindi ako masaya, hindi totoo iyong saya ko.

Iyong puso ko na puno lang ng pait at sakit. Iyong utak ko na muling naaalala lang ang mga masakit na nagyari sa buhay ko. Wala ng kinang sa mga mata ko, ngumingiti ako pero alam ko sa sarili kong ngiting plastik lang iyon. 

Napangiti ako, napakamiserable ako. Pero wag ipag-alala iyan dahil hindi ako mag-iisa sa buhay kong ito. Gagawin ko ding mesirable ang buhay ni Renzo para pantay naman kaming dalawa dahil ginawa din niyang mesirable ang buhay ko.

"S?" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Oh nandito na pala kayo, thank God for that." Ngumiti ako ngunit nabigla ako ng tignan akong mabuti ni Rezzy.

"You look amazing?" Patanong ang sabi niya dahil nabigla siya sa suot ko siguro. I'm wearing a halter top backless mini sheath dress medyo hapit iyon sa katawan ko kaya nakikita ang hubog ng katawan ko ngayon. Nagugustuhan ko naman ang resulta ng damit sa akin.

"Is that a question or a compliment?" Natatawang tanong ko sa kanya. Nakatingin lang din sa akin si Nate, ngumiti ako sa kanya at napansin ko ang pagkabigla sa mukha niya.

"Of course, it is a compliment. I was just shocked na nagsusuot ka na ng ganito kasexy na damit." Sabi ni Rezzy sa akin sabay ngiti.

"Well masanay ka na, I'm changing my wardrobe and you will help me. Kaya tara na at simulan na natin ito." Binigay ko ang mga shopping bags kay Nate sabay kindat rito.

"Thanks, Handsome." Hinila na ko na si Rezzy at lumabas na kami sa boutique. Pansin talaga kay Rezzy na nabigla sa mga inaakto ko at alam kong kating-kati na siya tanungin ako kung anong nangyayari sa akin.

Naslibot kami sa iba't ibang boutique, marami rin kaming nabili na mga damit, kumain na kami at shopping uli. Hindi namin napansin ang oras at maggagabi na pala. Ngayon ay nandito na kami sa isang kilalang coffee shop, noong naglilibot kami ay panay tingin ang mga tao sa amin at iyong iba pa ay sadyang nilapitan talaga si Nate para lang magpa-autograph.

"Salamat Rezzy and Nate sa pagsama sa akin rito." Ngumiti ako sa kanila. "Rezzy freelance model ka diba? Pag may alam kang nangangailangan pa ng model para sa isang fashion show ay isama mo uli ako."

"You want to be a model?" Sa unang pagkakataon ay kinausap na ako ni Nate na mas nabigla sa sinabi ko dahil alam niyang hindi ko talaga gustong maging model.

"Yeah," baliwala kong sagot at ngumiti.

"Pero sabi mo ayaw mo sa mga camera, sa maraming tao. Bakit?" Tanong niyang uli kaya naman ay napakunot ang noo ko. Nakatingin lang sa amin si Rezzy.

"People change." Simpleng sagot ko sa kanya. Ang ayoko sa lahat ay iyong pinapakialaman ako katulad ngayon lang.

"Hindi nagbabago ang isang tao kung walang nagtulak rito. So why Serena?" Seryoso niyang tanong sa akin. Tumingin lang ako sa kanya na parang sinasabihan kong tumigil na siya at itikom ang bibig niya lalo na't nandito si Rezzy.

"Drop it, Nate." Seryoso ko ring sambit rito.

"No, bakit ka nagkakaganito Serena? Answer me." Ginagamitan pa niya ako ng ma-awtoridad niyang boses na parang kailangan kong sagutin ang tanong niya.

"No." Sagot ko namn rito.

"Answer me. Damn it." Nabigla ako sa sinabi niya.

"Why do I have to answer your damn question? Just shut the hell up. Wag kang magtanong na parang concern ka sa akin dahil kahit anong mukhang anghel iyang mukha mo ay parereho lang kayong mga lalaki sa mga mata ko. Lahat kayo ay manggagamit at mga sinungaling."

Hindi ko alam pero bigla na lang akong sumabog sa harapan nila Nate at Rezzy. Si Rezzy na nakatingin lang sa aming dalawa at mababasa sa mukha niya ang sobrang pagkabigla. Huminga ako ng malalim at nagsimulang magsalita.

"I'm sorry for ruining our day Rezzy. Thank you uli sa pagsama. Mauna na ako." Mabilis akong lumabas sa coffee shop dala dala ang mga pinamili kong mga damit at kung ano ano pa.

Lalong nag-init ang ulo ko pero alam kong hindi ko dapat iyon ginawa sa harapan ni Rezzy. Kaya lang kasi sumusobra na si Nate, akala mo kung sino malinis at mabait.

Huminga ako ng malalim. If I want to succeed in my revenge ay dapat hindi nawawala ang composture ko.

Tatlong araw na ang lumipas mula ng may mangyari sa amin ni Renzo. Tatlong araw ng wala akong narinig sa kanya, siguro mas mabuti na lang ang ganoon para mapaghandaan ko ang lahat.

Bigla kong naring ang cellphone ko at hindi na ako nabigla ng makita ang name ni Renzo sa screen ng cellphone ko. Nakailang ring muna bago ko sinagot ang cellphone ko.

"Serena..." Sambit niya sa pangalan ko.

"Yeah." Malumanay kong sagot sa kanya. Gumuhit sa mukha ko ang isang ngiti. I'll make sure that everything I planned will be perfect. Being a bitch is not so hard afterall.

I'll have Renzo for sure.

And soon Renzo, you will be at my mercy, in your most miserable state.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon