Chapter thirty-five

9.5K 198 4
                                    

SERENA's POV

Napatingin ako sa paligid, no one is around. Napatingin ako sa sala at sa kusina. Pumahik ako sa kwarto at napatingin sa dako ng kwarto ni Renzo na nakasara.

He's not home? Pero andoon ang kotse niya sa garahe. Bakit ko hinahanap ang lalaking iyon? May tuliling ka na talaga Serena. Kastigo ko sa sarili ko. 

Nasaan na na ang galit mo sa lalaking iyon? Ayusin mo sarili mo Serena. Napailing na lang ako sa naiisip ko. Kainis lang.

Napatingin ako sa phone ko na nakaoff pala. Binuksan ko iyon at nakita na may three message unseen, Binuksan ko ang isa at nakita kong nagtext sa akin si Rezzy two times.

From: Rezzy
S naghanda ka na diba? Oyy wala ng urungan ito.

Itong babaeng ito, akala mo naman may magagawa pa ako. Eh kung kulitin niya ako kagabi, grabe lang. Napailing ako ng maalala ko kung gaano niya ako pinaulit-ulit ipaalala sa akin. Tsaka grabe iyong text umagang-umaga, hindi excited ha.

From: Rezzy
Iyong time departure niyo! Wag mo kalimutan, papasundo ba kita?

Aba naninigurado pa, akala mo hindi talaga ako sisipot. Hay, napatingin ako sa plane ticket ko papuntang singapore. Yes, ngayon na ang alis namin. Hindi ko alam ngunit hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko.

Ano bang hinihintay ko rito? Ang pagputi ng uwak? Naman talaga, Serena. Malalate ka na sa flight mo.

Napatingin ako sa isa pang text na hindi ko pa nabubukas sa cellphone ko. Agad kong pinindot ang text para mabasa ng makita kong si Renzo ang sender.

From: Renzo
I'm on a business trip right now. Sorry, di kita agad nasabihan. I'll be away for days. Take care of yourself. I miss you already.

Napatitig lang ako sa text niya dahil naninibago ako. He is not this kind of person. Hindi tipo ng lalaki si Renzo na nagtetext ng katulad nito. Sinapian ata ng masamang hangin kaya nagkakaganito. Biglang sumilay ang isang ngiti sa labi ko.

Urgh, this is frustrating.

Hindi na ako nagreply sa text nito. Don't even dare to reply Serena! Wag kang magtangka kahit dot lang na reply sa text. Hinila ko na ang isang luggage ko at palabas ng bahay. Mabuti na lang at nagpatawag ako sa guard na hanapan ako ng taxi.

Nagreply na din ako kay Rezzy na papunta na ako sa airport  para hintayin na lang niya ako doon. Sumakay na ako sa taxi at nalakbay na ang utak ko sa kung saan.

Nakalipas ang 30 minutes ay nakarating na ako sa airport. Pumasok na ako sa loob, naglakad ng kaunti at hinanaap ang anino ni Rezzy. Nasaan naman kaya ang babaeng iyon?

"Serena..." Napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Tinangal ko ang shades ko at nabigla sa taong nasa harapan ko. Lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Nate, why are you here?" Agad kong tanong sa kanya. Oo, napakadiretso kong magsalita. Anong masama doon? Mas magandang maging straight forward kesa maging plastik. Bakas sa mukha ko ang pagkabigla at siguro disgusto na nandito siya ngayon.

"I am also a part of the fashion show." Simpleng sagot niya, nakikita ko ang lungkot sa mata niya habang nakatingin sa akin.

Hindi na ako nagsalita para hindi na madugtungan ang usapan namin ng bigla na naman siyang nasaglita.

"Hindi sinabi sayo ni Rezzy?" Tanong naman niya. Obviously, magtatanong ba naman ako kung alam ko. Ngunit hindi ko na sinabi kung ano ang nasa utak ko.

"Hindi, nasaan na ba ang babaeng iyon?" sambit ko habang lumingong-lingon. Napatingin ako sa wrist watch ko.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now