Chapter forty

10.2K 177 6
                                    


Minulat ko ang mga mata ko at walang Renzo ang nasa tabi ko. Hindi ko alam kung umuwi ba siya kagabi o saan siya natulog. Bumuntong hininga ako at bumangon na. Pumasok ako sa banyo para maghilamos at ayusin ang sarili bago bumaba para magluto ng breakfast dahil maaga pa naman 6 am pa kasi ng umaga at 8:30 pa ang pasok ko.

Nabigla ako ng maamoy ko ang mabangong amoy ng sinangag ng pumasok ako sa kusina. Lalo kong kinabigla na makita ang naka-apron na si Renzo na topless. Bumaba ang tingin ko sa likuran niya pababa pero nadismaya ako ng makiatng nakaboxer shorts pala siya. Nadismaya? Saan galing iyan Serena?

"Gising na pala ang asawa kong maganda. Good morning, Baby." Nakatingin lang ako sa mukha niyang nakangiting nakatingin sa akin at agad din niyang binalik ang tingin sa sinasangang niyang kanin. Bagong gising ba ang lalaking ito? Kung ano anong pinagsasabi. Pero teka ano sabi niya? Kinusot-kusot ko ang mata ko, tulog pa ata ako dahil hanggang ngayon nasa panaginip pa din ako.

"Awww," napadaing ako at agad naman lumapit siya sa akin at tinignan niya ako at nahahalatang nag-alala siya sa akin dahil sa pagdaing ko ngayon lang. Kinurot ko kasi ang darili ko baka na nanaginip ako para naman magising na ako.

"What happened? Bakit namumula iyang braso mo?" Tanong niya sa akin habang pinapaupo niya ako sa mesa na puno ng mga pagkain na niluto niya. Marunong na pala siyang magluto hindi na sunog ang sunny side up egg at ang hotdog na niluto niya. Napatingin pa ako sa ibang nakahanda sa mesa.

"Kinurot ko lang ang sarili ko. Kala ko nananaginip ako ng gising." Simpleng sagot ko sa kanya. Pero hindi ganoon kalakas ang pagkakasabi ko sa huli kong sinabi dahil ayaw kong marinig iyon ni Renzo.

"This is not a dream. If I have to be your slave for the rest of my life then I'll gladly do it just to have you again because I love you. So much." Bigla akong nasamid sa sarili kong laway sa sinabi niya kaya naman ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin para hagurin ang likod ko. Ano pinagsasabi ng lalaking ito?

"What?" Tanong ko sa kanya na pasigaw. "Could you please go back to your seat." Mahina kong sabi. Binaba ko ang tingin ko sa pagkain dahil bumibilis ang tibok ng puso ko. Juslo naman.

"Ayoko nga." Sabi naman niya na nakangisi at kinuha talaga niya ang isang upuan at tinabi sa upuan ko. Kaya ngayon magkatabi na kami at alam kong nangangamatis na ang mukha ko sa sobrang pula dahil kung makatitig si Renzo sa mukha ko ay wagas.

"Stop staring at me and get back to your seat." Sabi ko uli sa kanya. Naiilang na talaga ako sa ginagawa niya, kailan man ay hindi ko siyang nakita na umakto ng ganito. First time itong naging ganito sa akin, he is acting like a love sick husband and she is loving it. Iyon ang ayaw niya iyong inaakto nito. At ngayon, ito ang ayoko, ang nagiging reaksyon ko. Mabilis akong bumigay pagdating sa kanya.

"I love staring at your beautiful face, anong masama doon?" Natameme uli ako sa sinabi niya. Urgh, this is frustrating. Nakangisi lang ako habang siya ay minimurder ang hotdog na nasa tinidor ko ngayon. Kawawang hotdog nadamay pa.

"Kumain ka na, balik ka na sa pwesto mo. Naiilang na ako, Renzo." Sabi ko sa kanya habang nginunguya ko ang ulam na naman bibig ko.

"Ano? Di kita marinig puno kasi ang bibig mo. Hinay-hinay lang kasi ng pagkain mahal." Nasamid uli ako kaya naman ay napatitig ako sa kanya habang iling-iling. Mahal? Seriously. Saan niya iyan napulot?

"Ano ba iyang mga pinagsasabi mo? Kumain ka na dyan dahil gutom lang iyan." Hindi ko kayang maniwala sa lahat ng pinagsasabi niya, gutom lang iyan panigurado. Pinilit kong tinuon ang mga mata sa pagkain na nasa harapan ko ngunit nilalaro na lang ng tinidor ko ang hotdog na nasa plato ko.

Narinig ko ang pag bumuntong hininga niya at unti-unti niya akong pinaharap sa kanya hanggang sa nagkatitigan kami pareho. Hindi na siya nakangiti sa akin kundi seryosong-seryoso na ang mukha niya. But she can see admiration and love in the way he looked at me.

"I don't know how to make you believe that I regret giving you endless pain in the past. Sobrang pinagsisisihan ko na tinapon ko lang ang pagmamahal mo noon. Sobrang gago at bobo ko noon para saktan ka ng paulit-ulit. Hindi ko naisip kung anong hirap mo noon para lang sa akin pero anong ginawa ko? Pinagtulakan lang kita palayo. Dati pakiramdam ko nakakulong ako sa isang madilim na lugar at nasa hawla ako na hindi na makakalaya pa. Pero dumating ka, ikaw iyong nagpalaya sa akin sa madilim na lugar na iyon. I was too dumbed to realize and now its too late, unti-unti ka ng nawawala sa akin." Huminga si Renzo ng malalim at hinawakan ang dalawa kong kamay. Bigla siyang may inilabas ng pumasok sa utak ko kung ano iyon.

Its my wedding ring. Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay at sinuot niya sa ring finger ko ang singsing. Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay niya habang sinusot iyon sa daliri ko. Napatingin ako sa kaliwa niyang kamay at nakita kong suot-suot din niya ang wedding ring. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko sa oras na ito. Tuwa? Saya? Na sa wakas ay pareho na din sila ng nararamdaman?

"I will not give up without a fight Serena. I want to fight for what I feel for you, I want your love back. Gusto kong ipaglaban kung ano pang meron tayo, gusto kitang ipaglaban kahit na mawala na sa akin ang lahat. So give me a chance Serena, just one chance for me to show you how much I love you. Give me one chance na sabihin sayo ang lahat ng kailangan mong malaman, na nakasira sa atin dati. Please lets start a new, one chance Serena. This is all I need. Please." Pagsusumamo niya sa akin. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil pakiramdam ko maiiyak na ako dahil sa mga sinasabi niya. Napatitig ako sa kanya at napansin kong namumungay na ang mga mata niya.

"Renzo..." Iyan lang ang nasabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung papayag ba ako o magmamatigas uli ako. Natatakot akong bumigay, natatakot ako dahil baka mas masaktan ako ngayon, paano na lang kung isang kasinungalingan uli ito? Paano kung hindi? Paano kung totoo ang lahat Serena?

"Please, Love... One chance is all I am asking for." Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Binibingi ako sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at nalulunod ako sa titig niya. I want to say yes, I really do pero may pumipigil sa akin na wag sabihin ang salitang 'yes'.

"Natatakot ako Renzo baka masaktan mo lang ako uli..." Mahina kong sambit habang kinakagat ang ibabang labi. Kinakain ako ng takot ngayon, bumalik sa akin  ang lahat ng sakit na binigay niya sa akin.

"Alam ko, ako rin. Natatakot ako dahil baka masaktan kita uli ng hindi ko sinasadya pero mas natatakot akong mawala ka. Mas natatakot akong may mahalin kang iba. Mas natatakot akong lumalayo ka sa akin. Iniisip ko palang na nangyari ang lahat ng sinasabi ko ay pakiramdam ko pinapatay na ako. Ikakamatay ko pag nangyari ang ganoon Serena." Nag-iba ang boses niya na parang nahihirapan na siyang magsalita pero ang kinabigla ko ang sunod na sunod na pagtulo ng luha sa mga mata niya.

This was the very first time I saw Renzo cry in front of me. Seeing him like this pains me, seeing him like this because of  me is enough reason for me to give him another chance. Binaba niya na ang pride niya para lang sa akin. Kahit may pagdududa pa rin sa aking puso ay ibibigay ko ang hinihingi niya, sana lang sa pagkakataong ito ay tama ang desisyong piliin si Renzo.

Niyakap ko si Renzo at naramdaman ko ang pagkabigla niya dahil naging stiff ang katawan niya. Napangiti ako dahil sa inaakto niya, hindi ito ang dating Renzo na kilala ko. This is the side of Renzo that is vulnerable, loving, and caring. No mask, no nothing, this is just him.

"Serena.." Mas niyakap niya ako ng mahigpit at doon niya lang naramdaman ang pagganti ng yakap niya sa kanya.

"Okay.." Mahinang sambit ko sa kanya

"Huh?" si Renzo. Nakayakap pa rin ako sa kanya.

"I'll give you another chance..." Bulong ko at alam kong narinig niya dahil napasinghap siya. Natawa naman ako sa reaksyon niya ng humarap siya sa akin..

"Teka, tama ba ang narinig ko? Pakiulit nga." Sabi pa niya habang ako naman ay natatawa habang nakatingin sa mukha niiya.

"Aba wala na nasabi ko na. Ayoko pa naman sa lahat iyong bingi." Nagbelat ako sa kanya sabay nakaw ng halik sa tungki ng matangos niyang ilong.

"You thief! You'll pay for this." Nakangisi na siya ngayon at hinawakan ang magkabila kong mukha gamit ang dalawa niyang kamay. Ngumiti siya sa akin, I just can't believe this is actually happening right now.

"Singilin mo nga ako---" hindi na niya ako pinatapos magsalita dahil siniil na niya ako ng halik sa labi. Ah, bliss.


Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now