Chapter one

28.1K 364 13
                                    

POV- Lorenzo Nathaniel Villaforte

I need a drink. 

Pumasok ako sa isang grocery store na nadaan ko pauwi sa apartment ko. Dumiretso akong pumasok at lumingon lingon kung nasaan ang beverage section. I am not really lucky though dahil nagsi-tinginan ang lahat ng babae sa akin. At kinakabahan ako dahil baka nakilala nila ang mukha ko. Nagsisisi na ako kung bakit ito lang ang sinuot ko ngayon. Dapat nagsuot at nagdiguise pa ako ng mas malala dito para wala talagang makahalata.

Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso akong kumuha ng isang can beer ng maramdaman ko ang pagsanggi sa akin ng isang malambot na katawan.

"I'm sorry I didn't mean to bump you. Oh! I know you, that face. Your Nate, right?" Napakunot ako ng ulo dahil sa mga style ng pagsasalita na ginagamit ng babaeng nasa harap ko para makausap ako. I really hate this kind of girl.

"No, I'm not that guy. I'm sorry." Ngumiti na lang ako sa babae na ngayon ay titig na titig sa mukha ko katulad ng mga babaeng nakapaligid sa akin. Tumalikod ako at hinanap ang nahulog na can beer. Siguro nagpagulong-gulong iyon.

"Is this the one your looking for?" Inabot sa akin ng babaeng naka-eyeglass ang hawak-hawak niyang can beer. Habang tinitignan ko ang mukha niya, she actually has a beautiful face kahit na magulo ang buhok niya. "This is yours right?"

Habang tinititigan ko ang mukha niya ay wala akong mabasa na kahit na anong reaksyon sa mukha niya. I mean there is no admiration or anything at all, hindi katulad sa mga babaeng nagpapapansin pa din sa likuran ko. Kinuha ko sa kamay niya ang can beer pagkatapos ay tumalikod agad siya sa akin.

Maybe she don't know me? Sinundan ko ng tingin kung saan papunta ang babaeng nag-abot sa akin ng can beer. Nagpunta ang babae sa magazine section, may kinuha itong isang magazine at tinitigan ang harapan ng magazine then her expression changed. Kung kanina habang tinititigan niya ako ni isang ekspresyon wala akong mabasa ngayon ay nakikita ko lang ay kalungkutan.

Binitawan niya ang magazine, binalik sa kung saan nito kinuha at naglakad papunta sa fruit section. She's strange, nagkibit balikat na lang ako at nagbayad habang nagmamadali dahil may sumusunod sa aking mga babae. Lumabas na ako ng grocery store ng magring ang phone ko.

"What the?.. No, tell them that Vanessa.. I'm not really interested in doing anything right now, you know that right?... Yes, just reject every work, I don't care what you do but please don't accept anything... Okay bye.."

Iyong tumawag ngayon lang sa akin ay ang manager ko. She really wanted me to take the job, kahit isang oras lang daw ang kukunin sa akin for the photoshoot pero sinabi ko sa kanyang pagod ako kaya nga nilinis ko ang schedule ng isang buwan para makapag-pahinga sa lahat ng ito but then she is still bugging me.

Sumasakit na naman ang ulo ko ng mag-ring ang phone ko. I turned it off immediately ng makita ko kung sino ang lumabas sa screen, the name of the photographer. How many times do I have to tell them na ayokong magkaroon ng trabaho ngayong  buwan na ito. I just wanted to relax and get away from all the things that stresses me out.

Tinago ko na sa bulsa ko ang cellphone,  inayos ang fake eyeglass ko at ang sumbrero. Ito kasi ang nagsisilbing disguise ko pag lumalabas ako at maglakad-lakad para hindi ako makilala ng mga tao. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng mapansin ko ang isang babaeng naglalakad na may dala-dalang paper bag. Siya iyong babae kanina sa sa grocery store.

Her clothes is not revealing or anything, hindi ko din naman makita ng mabuti ang mukha niya. But then kahit normal na normal ang suot niya ay napapansin pa din ang hubog ng katawan niya at isa din siyang matangkad na babae. Hindi naman ako manyak o ano pa man, I just appreciate women who wear simple clothes but still look stunning like a model.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now