Chapter forty-five

9.4K 166 3
                                    

SERENA's POV

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang naglalakad sa hallway ng ospital habang nakatingin sa ultrasound picture ng baby namin ni Renzo. I just can't contain my happiness knowing that I'm pregnant. Bigla akong napatigil sa paglalakad ng makita ko ang naglalakad pigura ni Nate.

Oo nandito ako ngayon sa ospital na kung saan pagmamay-ari ng pamilya nila Nate. At sinigurado kong magpacheck up dito hindi lang dahil sa nandito ang pinaka magagaling na doctor sa bansa kundi dahil gusto ko ding makausap ng masinsinan si Nate. Gusto kong tuwirin ang mga nangyari sa aming dalawa.

Napag-isip-isip kong hindi naman talaga kasalanan lahat ni Nate, na hindi niya naisip na kahit nagsinungaling sa akin si Nate dati ay tinulungan pa rin niya ako at dapat nga ay sobra akong nagpapasalamat sa kanya dahil hindi ko mababayaran ang ginawa niyang pagligtas sa aking buhay.

Wala akong ginawa kundi magalit lang sa kanya, ni hindi ko nakita kung ano ang mga dapat kong ikinatuwa dahil sa mga ginawa niya para sa akin. Naging kaibigan at sandalan ko siya  ng wala akong kamuwang-muwang sa mundo, na kahit pangalan ko ay 'di ko maalala.

I should have been grateful and thankful to meet him. Kaya naman ay gusto kong makaharap ng maayos si Nate at para naman wala ng masamang mamagitan sa amin tuwing magkikita kami dahil alam kong may future si Nate at Rezzy. I sincerely want to see a happy ever after between the two. Alam kong may namumuo na kina Rezzy at Nate at ayaw ko iyong masira dahil lang sa may nangyari sa amin ni Nate.

"Nate." Tawag ko sa kanya  at agad naman siyang lumingon sa gawi ko.

"Serena." Mababakas sa mukha niya ang pagkabigla ng makita niya ako pero agad din siyang ngumiti. 

"Kumusta ka na? Why are you here by the way? Did something happen to you?" Mababakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya naman ay agad akong ngumiti sa kanya.

"I'm good and don't worry, nagpa check up lang ako rito at nandito rin ako para makausap ka." Diretsahan kong sabi sa kanya at agad siyang tumango sa akin. Niyaya niya ako sa cafeteria ng ospital na hindi mukhang cafeteria dahil sa pagkasosyal at ganda. Mas mukha pang sosyal na coffee shop kesa sa cafeteria.

Nakaupo na kami at nagkatingin lang sa akin si Nate kaya naman ay napatikhim ako bago magsalita para mabasag na ang katahimikan.

"First things first, I want to apologize for what happened last time. Naibuntung ko ang galit ko sayo ng araw na iyon, sa inyo ni Rezzy. I know, dapat matagal na akong humingi ng paumanhin sayo for all the bad things I said to you. And lastly, I want to thank you Nate." Napangiti ako dahil pakiramdam ko ay gumaan ang dibdib ko dahil nasabi ko na ang gusto kong sabihin kay Nate.

"Serena you don't have to apologize because what I did to you was wrong. And I regret lying to you but I don't regret loving you. I thought all along I was the one who saved you but actually you were the one who saved me. The time that I spend with you was like being in heaven, you saved me from my misery, Serena. Can I ask you a question?" Napatango ako habang nakatingin kay Nate. Hindi ko magawang makapagsalita dahil naoverwhelmed ako sa sinabi nito.

"Are you happy with him?" Seryoso niyang sambit habang nakatitig sa akin. Unti-unti akong ngumiti para makita ni Nate sa mukha ko ang saya ko, ang saya na nararamdaman ko ngayon.

"I am." Simple kong sagot sa kanya. At ngumiti rin sa akin si Renzo.

"Then good because if he'll hurt you again, I'll beat him to death." Napa-iling na lang ako sa nasabi ni Nate. Well kung sasaktan akong uli ni Renzo ay ako na mismo ang bubugbog sa kanya at sisiguraduhin ko iyon.

"Nate, I want you to be happy too, with Rezzy. I know you two will have a future together. My friend likes you, you know. O kung hindi man siya ay gusto ko pa ring maging masaya ka." Napailing na lang si Nate sa akin at napansin ko ang pagkawala ng ngiti sa mga labi niya.

"She likes me? Naah that is not possible Serena. She hates me more now after what I told her about the thing that happened between us and this past few days hindi na kami nagkikita kaya yeah wala kaming future." Napaisip akong bigla sa sinabi ni Nate, Rezzy hates Nate? No, iyan ata ang impossible dahil alam kong may feelings ang kaibigan ko sa kanya

"You know it's not like we're still together at matalinong babae si Rezzy alam niya iyon. What happened between us is history. Past is past. Kaya naman suyuin mo kasi and before you know it she'll come around. " Ngumiti ako dahil biglang may pumasok sa utak ko na ideya. Kinuha ko ang phone ko at mabilis na nag-dial ng phone number ni Rezzy. Ilang ring lang ay agad din naman nitong sinagot ang tawag ko.

"Hi Rez! Do you have time today?.. Oh okay lunch break?... Sige sabay na tayong lunch at susunduin na lang kita dyan sa shooting place mo.. Okay bye.." Agad kong binaba ang phone at ngumiti ng napakatamis kay Nate.

"What was that?" Tanong naman nito.

"Hmm I called her for you dahil hindi ko naman alam na totorpe-torpe ka pala. I was actually planning to talk to her about what happened between us at pinaplano ko ding pataasin ang worth mo sa kanya. But then mas effective na magdate na lang kayo at mag-usap." I winked and laughed at the same time.

Bago pa ako umalis ay sinabi ko na rin ang time and place kung nasaan si Rezzy mamaya. She's feeling good about it, being a matchmaker feels good. I'm happy, way too happy and that's why I also want to share my happiness with these people.

Bago pa ako sumakay sa kotse ay nagtext muna ako kay Renzo na may sasabihin ako sa kanyang importante. Tnahak ko ang direksyon papunta sa office ni Renzo, Nakaleave talaga ako ngayon at alam iyon ni Renzo pero hindi ko sinabi sa kanya kung bakit ako nagleave. 

I can't wait to tell him about our baby. Alam kong nasa office ang asawa ko ngayon dahil alam ko ang schedule niya salamat sa sekretary niya. 

Nakarating na ako sa kompanya, marami ang bumati sa akin at binabalik niya naman ang mga bati sa akin  ng may ngiti sa labi. Ang saya lang ng araw na ito para sa akin. I want to invite Renzo for lunch dahil nagugutom na rin ako. Kaya pala napapansin kong ang lakas ko ding kumain at kung ano-ano ang  cravings ko.

"Good Morning Maam." Bati sa kanya ng sekretarya ni Renzo sa hallway. Ngumiti siya rito at binati naman ito pabalik. Napansin siyang medyo pilit ang ngiti na binigay nito bago sumakay sa elevator. Hindi na lamang niya iyon binigyan ng pansin at naglakad papunta sa opisina ni Renzo.

Malapit na siya sa pintuan ng opisina ni Renzo ng may lumabas na babae, napatigil ako sa laglalakad ng mapatingin sa akin ang babae, maganda rin siya at matangkad. Naglakad na siya palayo habang ako ay napadta lang ng biglang pumasok sa utak ko kung saan ko siya nakita. Ito ang babaeng nakita ko sa coffee shop with Renzo.

Parang biglang nagbago ang mood ko at nawala na ang pagkagutom ko . I feel like going home instead of getting inside the office of Renzo. Naiisip ko kasi ang nakangiting mukha ni Renzo noong kasama niya ang babaeng iyon sa coffee shop.

Alam kong na dapat kong pagkatiwalaan si Renzo pero hindi ko mapigilan ang magselos, Ganito ba talaga ka bilis magselos kapag buntis?

Naglakad na ako palayo ng bigla kong marinig ang boses ni Renzo na tinatawag ang pangalan ko. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang mapalingon sa gawi niya.

"Hey, where are you going? I was waiting for you inside the office buti na lang pala lumabas ako kundi di kita maabutan." Lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. She feels the warmth of Renzo's hug.

"I miss you, Mahal." Sambit niya sa akin. I know this jealousy is ridiculous, masyado akong nag-iisip ng masama dahil lang sa nakita ko ang babaeng iyon twice.

"Parang hindi tayo magkasama kanina ah." Mahina kong sabi sa kanya, naamoy ko ang mabango niyang pabango.  Ah, there comes the good smell of this guy.

"I know, you missed me too, Mahal. Ano nga pala ang sasabihin mo? But first lets get inside." Pinagsalikop niya ang isang kamay niya sa isang kamay ko habang papasok sa office.

"Ahm, nothing really. I just missed you too." Ngumiti ako at naupo sa isang couch. Umupo rin siya sa tabi ko habang magkahawak pa rin kaming dalawa ng kamay.

I should tell him that I'm is pregnant right? Pero bakit hindi ako masabi-sabi sa kanya? Kanina lang ay excited akong sabihin sa kanya pero ba't ngayon parang gusto ko munang itago sa sarili ko?

Dahil ba baka iba sa inaasahan ko ang magiging reaksyon niya pag sinabi kong buntis ako?

Wild Chase - BOOK 2 ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora