Chapter twenty-two

12.9K 223 4
                                    

SERENA's POV

"Hmm," kinuskos ko ng kaunti ang aking mga mata. "Hmm, ang bango naman ng unang ito katulad ng amoy ni Devon." Devon? Katulad sa amoy ni Devon?

Napalunok ako at napasara ang aking mga mata. Nandito ba ako sa kwarto ni Devon? Muli kong inamoy ang kumot at ang unan na yakap-yakap ko sa isang kamay. 100% na ito nga ang natural na amoy ni Devon. Hindi ko maintindihan kung bakit alam ko na ganito ang amoy niya. Siguro ang malanding side ko ang may alam?

Deny effect ba, Serena?

Mabilis akong napatayo at napatingin sa paligid. Tama nga ako, nandito nga ako sa kwarto niya na kwarto dapat namin. Oo hiwalay kami ng kwarto dahil na rin sa pareho naming kagustuhan ni Devon. Alam niyang hindi pa ako handa na kasama ko siya sa isang kwarto kaya pinayagan niya kaming magkahiwalay ng kwarto hanggang sa maaalala ko na ang lahat ng nawawala kong alaala.

Ngunit ngayon bakit humantong ang ganitong pangyayari? Nasarapan pa ako sa mahabang tulog ko at may pailing-iling pa akong nalalaman ng malaman kong mag-asawa nga pala kami at iisang kwarto ang gagamitin namin. Naisip ko pa dati na hindi ko kayang may ibang katabing hindi ko kilala ngunit ngayon ganito ang sitwasyon ko.

Nasaan ang kahihiyan mo sa katawan Serena? Bakit ka nakitulog sa kwarto ng iba?

Napahiga uli ako sa kama at nilubog ang ulo ko sa malambot na unan. Bakit ang bango ng mga unan na ito? Pakiramdam ko tuloy inaamoy ko si Devon.

Shit! Namamanyak na ata ako.

"Ganito din ba ako noon? Manyak?" napaisip ako bigla. Pinagnanasaan ko din ba ng ganito si Devon? Biglang kumunot ang noo ko, sinong pinagnanasaan ko? Si Devon? Ngayon?

"Urgh. Adik ata ako?!" napasabunot ang sa buhok kong kulot na ngayon ay sabog-sabog na sa mukha ko.

"Sinong adik?" Bigla akong napalingon at nakita ko ang nakangiting mukha ni Devon sa may pintuan. Nakapamulsa siya at pansin na pansin kong ayos na ayos din ang damit niya ngayon na ragged style. Nakasuot siya ng light wash blue jeans kapares plain shirt na nakarolyo ang sleeves.

"Huh? Adik? Sinong adik? Hehe.," lumunok ako habang nakatingin pa din ako sa kanya at ngumiti ng pilit. Ganito ba parati ang makikita ko sa umaga? Hindi pwede! Hindi dapat dahil baka tuluyan na nga akong maging manyak dahil kay Devon.

Unti-unti itong lumapit papunta sa akin at napalunok uli ako dahil sa temtasyon na nasa harapan ko. Habang papalapit siya sa akin ay nasipat ko na ang kabuan niya, jusko bakat ang muscles niya.

"Devon bakit nga pala ako dito natulog sa kama mo?" Napaatras ako ng upo sa kama dahil unti-unting nagkakalapit ang mukha naming dalawa. Napatitig ako sa mukha niyang makasalanan, napunta ang tingin ko sa mga mata niiyang nagmimistulang hinihipnotismo ako sa bawat tingin.

Napaatras pa ako ng kaunti ngunit nasa sukduan na pala kami dahil nakasandal na ako sa head rest ng kama.

"Hindi mo ba naaalala ang nangyari kagabi?" naningkit ang aking mga mata sa sinabi niya. Nakatawa naman ang mga mata niya at halatang pinipigilan niyang ngumiti.

"Nangyari kagabi?" nanlaki ang mga mata ko. Anong ginawa ko kagabi?

"Hindi mo ba naalalang uminom ka ng alak kagabi?" Sinasabi niya ang mga katagang iyon habang nakatitig sa labi ko. Napalunok ako at naramdaman ko ang namumuong pawis sa noo ko.

"Uminom ako kagabi? Eh diba pinagbawalan mo ako?" tanong ko sa kanya.

"Nagpumilit ka kagabi kaya pinayagan na lang kita," mahina niyang turan habang tinititigan ako.

Uminom ako kagabi? Bakit hindi ko man lang maalala? Bigla akong napatingin sa kamay nito na gumagapang sa ilalim ng kumot.

"Anong ginagawa mo?" napatingin ako sa mukha niyang nakangiti habang nakatitig pa din sa akin.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now