Chapter ten

14.2K 260 10
                                    




A|N: inlab telege ako kay Daw Ming Zoooo at Go Jun Peooo ❤️❤️❤️ ang aking mga pinaghuhugutan




POV- NATE





"Hintayin mo na lang ako sa labas, sandali lang ito at kakausapin ko lang si Zayne" Ngumiti siya sa akin at lumabas na ng opisina ni Zayne. Hinintay ko munang makalabas si Solemn bago humarap ulet kay Zayne.


"Its been one year since the accident. How come she still can't remember anything?" Naupo ako at napatingin kay Zayne na ngayon ay binabasa ang resulta ng ginawang pag-check up kanina kay Solemn.


"Well as I can see, the blood clot in her head is now reducing. Alam mo na ang ibig sabihin non." Tumingin siya sa akin at binaba ang nasabing papers,


"Alam ko, anytime soon ay maaalala na niya ang lahat kung hindi man ang lahat ay unti-unting babalik sa kanya ang mga alaala niya." Napabuntong hininga ako.


"Whats the big deal of it?" Tanong ni Zayne. Nagkatinginan lang kaming dalawa. "Ayaw mong makaalala siya?"


"I'm going back to the Philippines. I'm going back with her." Yes, I'm going back to the Philippines with Solemn. "She must not remember yet! My plans can't be jeopardized." At ayokong mawala siya sa akin.

Natampal ko ang ulo ko sa gusto kong idugtong sa sasabihin ko. God! Whats happening to me!

"What was that for?" Tatawa-tawa nitong sabi. Napatingin ako kay Zayne habang umiling-iling ito. "Its good to have you back Nathaniel but you've gone crazy though." Natawa na lang din ako at tumayo na.


"See you when I see you cousin."


Lumabas na ako ng opsina nito at lumingon lingon para hanapin si Solemn. Lumapit ako rito habang tinitignan ito at ang batang kinakausap nito ngayon.



"I want to give you this." Sabi ng batang lalaking naka wheel chair na nag-abot ng isang rose kay Solemn. Unit-unting kinuha ni solemn ang rosas at tinitigan iyon. Ngumiti si Solemn sa bata.


"Thank you cute little boy." Hinalikan nito sa noo ang bata na ngayon ay nakangiti na din ng malapad. Ang swerteng bata. "Get well soon okay? Then lets play again." Ginulo nito ang buhok ng bata at tumayo na ito dahil napansin ata nito ang presensya ko. Kinuha na din ng nurse ang bata at umalis na ang mga ito.



"Tara na." Hinawakan ko ang kamay at hinila siya papalapit sa akin.


"Oh bigla ka atang nangyayakap sa akin ngayon." Sabi nito sa akin na niyapos na din ako ng yakap.


"Ako lang ba o nararamdamam ko din ang kamay mo sa likuran ko." Binaon lang nito ang mukha sa dibdib ko at tumawa.


"Ahh bitawan mo na nga ako. Masaya pa naman ako ngayon." Binitawan ko na siya ngayon ngunit hinawakan ko ang kaliwa niyang kamay habnag naglalakad na kami. Ito pala iyong tinatawag na HHWW, ahh corny ko.


"Ohh hindi ka masaya para sa akin?" Patanong akong tumingin sa kanya. Ano bang sinabi niya kanina pansin na pansin talagang hindi ako nakikinig sa kanya.


"May naaalala na ako Renzo!" Masaya itong humarap sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya. "Pilit na pilit ata iyang ngiti mo mister?"


"I'm happy, I'll gonna miss you." Bumutong hininga ako at kinuha ang isang rosas na hawak-hawak nito at nilagay iyon sa kanang tenga nito.


"Why would you miss me if I'm in front of you." Napangiti ako sa kanya, ngayon nakakapagsalita at nakakaintindi na siya ng english. Kung alam mo lang Solemn, iiwan mo ako pagdating ng panahon.


"You'll gonna leave me." Mahina kong sabi ngunit hindi hindi pala iyon nakalusot sa tenga nito.


"I'll never do that, hindi kita iiwan Renzo." Hinawakan niya gamit ang dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ko. Sana nga. I'm gonna hold onto that.





"Let's go."













----------------------





Tawa ito ng tawa sa akin habang naglalaka kami sa loob ng mall. Paano ba naman nakasuot kasi ako ng wig at naka shades na hindi bagay sa akin.


"Tigilan mo nga iyang pagtawa mo." Hindi pa rin ito tumitigil kaya napapatingin rito ang ibang tao lalo na ang mga lalaki. Maganda ba naman kasi ang kasama ko, nakakainis lang dahil sa suot ko hindi ko sila mabigyan ng tinging 'back off'



"Kasi naman bakit nandito tayo kung ayaw mong mukhang ganyan?!" Naka-pameywang siya sa akin. She looks so adorable trying to be fierce.


"Nandito tayo para mag-shopping ng mga gamit mo." Sabi ko rito at hinila ko na ito papasok sa isang botique.


"Bakit? May pupuntahan ba tayo?" Tanong nito kaya tumango ako rito. She's really sharp. Isa sa mga gusto ko sa kanya.



"We're going to the Philippines." Kumuha ako ng damit at inabot rito. Agad ko siyang pinapasok siya dressing room.


Ilang oras din kaming nag-ikot sa ilang mga boutique para bumili ng mga damit niya at ilang mga pangangailangan niya. Nakakatuwa lang tignan ang mukha ni Solemn pag hindi niya gusto ang napili kong damit. Adorable? Nope she's beautiful.






----------------------






"Thank you Renzo." Inamoy nito ang kakabigay ko lang na isang bouquet ng red roses. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi na kinabigla ko.

"I know you'll like it." Tumingin siya sa akin at pinanliitan ako ng mga mata. "What! This is your favorite flowers right?" Yes, roses is her favorite flower.


"Alam mo din?" Ngumiti na lang ako sa kanya. Of course hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo. I can't lose her and I will not lose her.


"Of course, I know everything about you." Naglalakad-lakad pa kami at tumitingin sa pwede pang pasokang boutique. Tumakbo ito sa isang accessory store. Napatigil ako sa paglalakad ng may namukhaan akong lalaki na nadaanan ni Solemn na napatigil din at napatingin lang din kay Solemn.




"What the... Devon Lorenzo Yan." Pagkakataon nga naman.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now