Chapter eight

13.2K 244 7
                                    


POV- DEVON

"Make sure to buy it. Wag kang uuwi dito sa Pilipinas ng hindi nabibili ang gusto ng baby ko." Napabuntong hininga na lang ako.

Ano pa nga ba ang magagawa ko?

"Where is that damn toy store?" walang pasensyang sambit ko. Siguro kung nasa harapan ko si George kanina pa ako sinuntok non pero wala akong pakialam mainit ang ulo ko. Lumingon-lingon ako sa paligid hindi ko pa din nakikita ang sinasabi nitong toy store. Sa sobrang laki ba naman kasi ng mall na ito, saang lupalop ba dito?

Dammit! Where the fuck is this damn toy store?!

"No swearing young man! Sino bang nagsabing mangako ka sa baby ko na bibilhan mo siya ng gusto niyang toy na dyan lang nabibili sa New York. Ayan tuloy!" Napabuntong hininga na lang ako. "Devon, your not the same when you're not with her. Naging mas bugnutin ka na at mas lalong mainitin ang ulo!"

"Dammit Georgina don't mention anything about her!" bigla akong napasigaw sa phone sa gitna ng mall. I heard her gasp.

"I'm sorry George, I didn't mean to shout at you. It's just I'm at the edge right now." Mabuti na lang at pinatawad niya agad ako at nag-usap pa kami ng ilang minuto. Hindi na rin nito dinagdagan pa ang sinabi nito sa akin kanina.

I clearly don't know what's happening to me.

Napatingin ako sa sa aking relo, its past 6 pm and I can't still find this damned toy store. Napapansin ko ding mabilis ng mag-init ng ulo ko, paano ba naman sa trabaho hindi agad-agad na kukuha ng mga tauhan ko ang gusto kong mangyari kailangang isigaw muna bago maging klaro ang lahat.

Una sa lahat ayoko talaga ng mahihinang tao dahil mainitin nga ang ulo ko. Earlier, the thing that I did to George. I know its a foul, dapat hindi ko siya sinigawan dahil lang dito. Its a good thing she understands me.

I know that Serena's presence can light me up. Now its almost one year, its a good thing I survived without her. I can tell that she's somewhere far away from me where she is happy. Living her own life without me attached to her.

Araw-araw sinasabi ko sa sarili kong tama ang naging desisyon ko. Ako na lang ang maging miserable ang buhay, wag lang siya. Inilabas ko ang nakatagong necklace nasuot-suot ko. Ito ang huling binigay niya sa aking regalo, my wedding ring.

Inaamin ko noong nawala siya, hindi ko din napigilan ang sarili kong hanapin siya but then sinabi nga nila pag hindi ka gustong makita ng taong nagtatago sayo ay hindi mo talaga mahahagilap. Pinahanap ko siya kung saan-saan ng isang buwan hindi ko alam kung nalibot ko na ang buong mundo para hanapin lang siya.

I know, hindi ko dapat iyon ginawa dahil kagustuhan ko namang lumayo siya sa akin at iwan ako. I keep telling myself that it was the right thing to do, letting her find her happiness.

Her love? Nah, hindi ako ang nababagay niyang mahalin. A bastard like me should end up with no one. She's too good for me and I am not suitable for a good woman like her.

My marriage with Serena?  it won't work because I know I'll be just like my father.

I don't even know if I'm capable of loving someone.

Naglalakad-lakad na lang ako at tumitingin sa paligid. This is hopeless, this toy store is nowhere. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinawagan ang isa sa mga tauhan ko.

"Buy their latest robot toy in this toy store. Immediately send it to my office----" napatigil ako sa pagsasalita at paglalakad ng may dumaan sa harapan ko. Naestatwa ako sa kinakatayuan ko.

Impossible! How come she's here?

"Sir? Hello sir?" Nanatiling nasa tenga ko ang cell phone parang nagising ako bigla. Mabilis akong lumingon sa likuran ko at tumingin sa paligid. Wala na siya.

Guni-guni ko lang ba iyon? Sa sobrang pag-iisip ko sa kanya, gumagawa na ang utak ko ng halusinasyon?

But its feels so true, those beautiful smiling face. Nakatatak pa din sa utak ko hanggang ngayon ang mukha niya. It was her genuine smile na abot hanggang tenga. Ngayon parang mas lalo siyang gumanda with her cute outfit. Guni-guni ko lang lang ba iyong nakita ko kanina?

Ah ayoko ng mag-isip pa.

"Yes hello, just find that damned store then buy it." I turned the phone off. Napabuntong hininga ako, I just told my assistant to buy a whole damn store.

Natampal ko ang mukha ko. Whatever,  at least mas matutuwa si Georgiane na hindi lang isang toy ang regalo ko dito kundi isang buong mismong tindahan.


"I WILL always love you. Remember it always and don't forget Renzo...."

Tinitigan ko ang mga mata niyang nagmimistulamg nakangiting nakatingin sa akin. Ngayon ay nakahiga ako sa kandungan niya habang nahuhulog sa amin ang mga dahong ninilipad ng hangin.

Ngumiti ako sa kanya, napakasaya namin sa oras na ito. Umupo ako sa pagkakahiga at tinitigan siyang maigi sa mga mata. Hinawakan niya ang makapabila kong mukha gamit ang kanyang mga kamay.

"Sabihin mong mahal mo ako Renzo.."

"Maha...."

Napamulat ako mula sa panaginip na iyon. Isang panaginip, isa na namang panaginip, ngunit ang pinagkaiba nito sa mga panaginip ko ay ang sinabi sa akin ni Serena at ang masaya kong mukha doon sa panaginip. Ang parati ko kasing napapanaginipan ay ang mga alaala namin ni Serena.

Its quite an unusual dream, napailing na lang ako at naghanda para sa pagpasok. I should not think of her anymore since its almost one year now that she's gone.

Naghanda na ako sa sarili ko, pinilit kong tanggalin si Serena sa isipan ko. Mabilis ang bawat galaw ko, pagkatapo kong magahnda ay tinignan ko agad ang schedule ko for today. I need a distraction.

Nakaupo ako ngayon sa swivel chair ko habang nakatingin sa malayo. Nakaharap ako ngayon sa magandang view ng New York, nasa opisina ako ngayon habang may tinatapos pang trabaho. Mas gusto ko ng ganito na okyupado lang ng trabaho ang lahat ng araw ko. I'll be here in New York for the mean time.

I'm currently reading a proposal from some company ng marinig ko ang sigawan sa labas ng opisna ko. Sa lahat pa naman ng ayaw ko ang maingay na kapaligiran. Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng opisina ko. Hindi na ako lumingon pa dahil alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Damn you bastard! Wala ka ba talagang planong hanapin si Serena?! Wala ka na ba talang puso ha? O naging bato na iyan?!" Lumingon ako sa nagsalita. And I was right, its the famous best friend of my ex wife. Boses pa lang nito kilalang-kilala ko na.

"You know I can sue you for barging in here. Your trespassing, lady." Tumingin ako sa kanya sandali at binalik ang tingin sa proposal.

"You can sue me for all you want! You bastard!" At sumigaw na naman siya ng pagkalakas-lakas sabay ang pagdambol ng mesa ko. "Remember this Devon, sa oras na mahanap ko si Serena sisiguraduhin kong hindi siya babalik sa iyo!" Naglakad na ito palayo sa akin at binalibag na isinara ang pintuan ng opisina ko.

Anong sinasabi nito? Mahanap? And I thought all along Serena is communicating with Rezzy. Napailing na lang ako, I should not concern myself with this.

Napahawak ako sa sintido ko at napabuntong hininga. Kinuha ko ang phone kong nagriring kanina pa pala at sinagot ang tumatawag.

"Yes, grandma?"

Wild Chase - BOOK 2 ✔Onde histórias criam vida. Descubra agora