Chapter three

19.6K 313 19
                                    

SERENA's POV

Kasintahan pala ha!

May naiisip akong gawin para tignan kung totoo nga ang sinasabi ng lalaking ito na kasintahan niya daw ako, kasi parang hindi naman. Nakatingin ako sa kanya na ngayon ay may kung anong ginagawa ngayon sa isang bagay na hawak-hawak nito.

"Oy," tawag ko sa kanya sabay sundot sa braso niya ng ilang beses. Dahil sa hindi pa din niya ako pinansin ay hindi ko tinigilan ang pagsundot sa kanya gamit ang dalawa kong kamay. Natatawa ako sa pagmumukha niya ng tumingin na siya sa akin.

"Bakit ang kulit mo?" Nakatingin lang uli siya sa akin na para bang may hinihintay siya na sabihin ko. 

"Ano may sasabhin ka ba? Kanina ka pa sundot ng sundot sa akin. Mabuti sana kung braso lang eh nakakaabot iyang daliri mo sa kili-kili ko. Pinagnanasaan mo ba ang kili-kili ko?"

Tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya, aba ang kapal naman ng mukha ng mokong na ito.

"Bakit ang kapal talaga ng mukha mo? Hindi ko talaga mapaniwalaang magkasintahan tayo. Parang may mali e." Sabi ko sa kanya.

"Anong mali iyang sinasabi mo?" Isinantabi niya ang bagay na hawak-hawak niya sa kanyang kamay, iyong bagay na kanina niya pa pinipindot-pindot gamit ang kanyang mga daliri.

"Paano ako nagkagusto sa isang katulad mo? Makapal ang mukha, namboboso, bastos at lalo na manyak pa," napangiwi siya sa boses ko. Tumingin ako sa ibang direksyon, ito ba talaga ang taong mahal ko at gustong-gusto ko?

"Patay na patay ka sa akin dati. Ni hindi mo nga ako maiwang mag-isa dahil natatakot kang maagaw ako ng iba. Gusto kong ibalik iyang memorya mo para maalala mo na ang lahat." Napatingin ako sa kanya ng sinabi niya ang mga salitang iyon. Patay na patay talaga? Well gwapo naman talaga siya kahit ayokong aminin pero parang may mali talaga, hindi ko lang masabi-sabi.

Patay na patay nga ba ako sa kanya? Bakit hindi ko maalala? Bakit hindi agad bumalik ang lahat ng alaala ko? 

Gusto kong makilala ang sarili ko. Bakit ngayon ko nga lang ba naisip na kung kasintahan ko nga siya ay dapat kilalang-kilala niya ako baka pag nasabi niya kung sino ako ay baka magbalik na ang aking mga nawalang alaala.

"Pwede bang tanungin kita tungkol sa sarili ko? Bakit wala akong maalala? Bakit nandito ako? Gusto kong malaman ang buong pangalan ko. Kung anong klae akong babae, kung saan ako nagmula. Gusto kong malaman kung paano tayo unang nagkita, gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sa sarili ko. Pwede mo ba sabihin sa akin ang lahat ng ito?" Mahinahon kong sabi sa kanya habang siya ay nakatingin lang sa akin na parang hindi makapagsalita ngunit maya-maya ay tumango siya.

Lumipat siya ng upuan at tumabi sa akin sa may higaan habang ako ay nakadantay lang sa higaan ko. Pinigil ko siya ng magsimula siyang magsalita. 

"Teka lang, diba magkasintahan tayo? Gusto kong ipagbalat mo ako ng mansanas, manggang hilaw at dalandan habang nagkwekwento ka sa sarili ko." Tinuro ko ang prutas na parehong katabi namin, narinig ko ang pagbuntong hininga niya. Gusto kong matawa sa busangot niyang pagmumukha ng mapatingin ako sa kanya.

"Nandito ka dahil naaksidente ka isang buwan at dalawang linggo na ang nakakalipas. Isa itong ospital, napunta ka dito upang magpagaling. Dahil na aksidenteng nangyari sayo, sa sobrang pagkabagok ng ulo mo ay nawala lahat ng memorya mo tungkol sa sarili mo. Hindi mo magagawang maalala ang lahat ngunit babalik din ang lahat ng ito sa tamang oras. Wag kang magpagod sa sarili sa pag-iisip dahil mas lalong hindi makakatulong sa estado mo ngayon. Magpahinga ka hangga't maaari hanggang sa pwede ka ng makaalis dito." Hindi ako makaimik sa narinig ko. Kaya pala wala akong maalala kahit isang impormasyon sa sarili ko.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now