Chapter twenty-six

12.2K 232 5
                                    


SERENA's POV

"Nandito ka lang pala."

Agad kong sinara ang librong binabasa ko at lumingon ako kay Devon na nakapamulsa mula sa pintuan ng library dito sa mansyon. As usual, he is still looking good like yesterday or the other day or all the days na nakikita ko siya. Like the images flashing in my mind that time, walang pinagbago ang features niya.

Minuwestra ko sa kanya ang space na pwede pa niyang upuan sa tabi ko.

Huling araw na namin dito sa hacienda at sobra akong nasiyahan sa lahat ng pinuntahan at pinanggagawa naming dalawa ni Devon. Napagpasyahan kong tumambay muna dito sa library para makapag-isip ng tama at tumingin sa ilang mga librong nandito.

"Anong binabasa mo?" tanong niya sa akin pagka-upo sa tabi ko.

"Cinderella," sagot ko naman sa kanya sabay ngiti at binalik ko din ang tingin ko sa kwento.

"You still like to read that kind of story," sabi niya habang nakatitig pa din sa akin.

"This may be a cliché story where it always have a happy ending and the paired up prince and princess end up together but to me, this kind of story is amazing and very romantic.," sagot ko naman sa kanya ng nakangiti habang binabasa ang katagang happy ending sa kwento.

"When we were young, you used to read a lot of fairytale stories. Dati nga inuulit-ulit mong binabasa ang ibang fairytales lalo na ang kwento ni Cinderella. You never change," napatingin ako sa kanya.

"Is it a bad thing for being me? For believing in happily ever after, for believing that there is still a prince charming who is willing to save a princess who's a damsel in distress ?" tanong ko naman sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan ngunit iba ang dating sa akin ng sinasabi niya.

"No no, it is a good thing you stayed the same. I am glad your still the same Serena that I knew. Hindi ko kailaman gugustuhin na bigla kang magbago. Don't take it in the wrong way, okay? " masuyo niyang hinawakan ang mukha ko habang titig na titig din sa akin. Ngumiti na rin ako sa kanya bilang ganti.

Tumayo ako at naglakad papunta sa shelf, nilagay ko ng maayos ang mga pinagkukuha kong fairytale books ng bigla niyang kinuha ang mga ito. Bigla akong nataranta at mabilis na kinuha rin agad ito sa kanya.

"Hindi mo na ako kailangang tulungan. Kaya ko naman ito, ilan lang naman ito." Ngumiti ako rito at mabilis na inayos ang mga ito sa shelf. You need to gather yourself Serena! act natural! Be innocent like a lamb!

"Just like in the past, hindi mo pinapahawak sa akin ang mga books mo," sabi niya. Nabigla ako ng mapansin kong nasa likuran ko na pala siya. Pakiramdam ko tuloy ay iniimbestigahan niya ako gamit ang kanyang mga mata.

"Ang sinasabi ko lang po hindi mo na kailangan pa akong tulungan kasi kaya ko naman. Ang liit liit na bagay e kakailanganin ko pa ng tulong mo, sobra na akong dumidepende sayo diba." Paliwanag ko sa kanya sabay ngiti upang matabunan ang pag-iisip niya ng kung ano-ano. Compose yourself Serena! Halatang-halata ka na talaga! Pagalit ko sa sarili ko.

"You can always depend on me Serena. Kahit gaano pa iyan kaliit na bagay gagawin ko para sayo kaya hindi mo kailangan mag-isip ng ganyan. I am always here for you no matter what," nakasandal na ako sa shelf habang malapit na malapit na ang aming mga mukha sa isa't-isa.

Bigla akong napatingin sa bulsa nito kung saan nagmumula ang tunog ng cellphone nito. Narinig ko pa ang mahina nitong pagmura kaya hindi ko mapigilang mapangiti dahil ba sa tumunog ang cellphone nito?

"Hindi mo ba sasagutin ang tawag?" hindi siya sumagot at tumitig lang sa akin. "Baka importante iyan?" sabay tingin sa bulsa niya. Bumuntong hininga siya at walang nagawa kundi dukutin ang cellphone niyang hindi tumitigil sa kakatunog.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now