Special Chapter - Rina

128 3 0
                                    




"Cleo, asan si Rey?" Tanong ni Rina sa nakakabatang babaeng kapatid na si Cleo. Tinignan lang ni Cleo ang kanyang ate ng blangko na para bang wala itong narinig.

Napabuntong hininga na lang si Rina dahil alam niyang wala siyang mahihita sa kapatid niyang ito. Napalinga linga siya at wala sa sariling nagsimulang naglakad sa kaliwang direksyon dahil hindi niya alam kung saan hahagilapin ang kakabal niya.

Hinahanap na kasi ng event organizer silang mga magkakapatid, magsasalita kasi Rey dahil siya ang panganay at siya ang paboritong anak ni Serena. Pero dahil sa daming tao na narito sa party ay halos hindi mahagilap ni Rina ang kapatid. Siguradong-sigurado siya na ang kapatid niyang ito ay hindi nag-iisa at may kalampungang babae kung saan.

Ginaganap ngayong gabi ang 19th anniversary ng kanilang mga magulang sa isang kilalang hotel na pagmamay ari rin ng kanilang pamilya. Napapasara na lang ng kanyang mata si Rina habang nakatingin sa mga bisita na busy sa pakikipaghalubilo at pakikipag usap sa bawat katabi nila. Halos lahat ng tao na imbitado sa party na ito ay puro kilala, kung hindi man konektado sa business ng kanilang corporation, ay puro naman kilala sa poletika o mga malalaking pangalan sa entertainment industry.

Hindi na siya nabigla na sa simpleng anniversary celebration lang ng mga mga magulang niya ay parang naging business conference din. Halos lahat ng mga taong nadadaan niya ay puro 'business related' ang mga pinag-uusapan.

Muli ay napahinga ng malalim si Rina at napahawak sa laylayan ng kanyang long gown para makapaglakad siya ng mas mabilis. Pinilit niya pa ring hagilapin ang bawat sulok na naabot ng kanyang mata upang mahanap ang nawawala niyang kapatid.

Napaisip siya kung bakit sa tuwing hinahanap ang kambal niya ay siya ang parating nakatokang maghanap rito, na para bang konektado pa rin siya at si Reymond ng umbilical cord.

Mahanap lang talaga kita, bugbog abot mo sakin. Mahinang bulong nib Rina sa sarili.

"Cassandra, nakita mo ba si Rey?" Bungad ni Rina sa pang apat niyang babaeng kapatid na si Cassandra na may mga kasamang batang babae. Napatingin si Rina at kumunot ang noo niya ng makita ang hawak hawak ng kapatid niya, isang 'lightstick'. Para namang nabasa ni Cassandra ang naiisip ng kapatid dahil bigla nitong winagayway ang lightstick malapit sa mukha nito.

"Ganda diba? BST purple lightstick 'to. Mamaya ito pang cheer ko kina Mommy at Daddy oag nag kiss na sila." Turan ni Cassandra sabay hagikhik. Napailing na lang si Rina at tinanguan ang kapatid niya.

Hindi niya lubos maintindihan kung bakit sa kanilang lahat na magkakpatid ay siya lang ang pinaka normal. Si Reymond na siyang kakambal niya, pareho silang dise-otso ay kung umakto parang maguguho ang mundo kung walang babae sa tabi nito. Habang si Cleo, kinse anyos, na siyang sumunod sa kanila ay makikita na lang nila na parating lutang ang pag-iisip, para bang nasa kabilang dimension ang utak nito. Si Cassandra naman na dose anyos pa lang ay adik na adik sa kpop. Sa sobrang kaadikan nito ay halos napupuntahan ng kapatid niya lahat ng concerts ng gusto nitong mga kpop artists.

"Bumalik ka na sa harap at hinahanap ka na ni Daddy." Huli niyang sambit bago muling nagsimulang maglakad.

"Akala ko ba hinahanap mo si kuya?" Napalingon si Rina sa kapatid ng marinig niya ang sinabi nito.

"Nakita mo siya?"

"Nakita ko siya kanina, kasama niya si Ate Helena, nakaakbay pa si Kuya. Papunta silang garden ata." Pagkwe-kwento ni Cassandra habang napahawak ng kanyang noo si Rina.

"Sabi ko na nga ba," bulong niya sa sarili pagkatapos ay pinaalis na niya ang kapatid at pinabalik na niya ito sa harap.

Binaybay ni Rina ang direksyon papunta sa garden kung saan nasa kabilang dulo kung saan siya nakatayo ngayon. Sa oras na ito ay gigil na gigil na siya sa kapatid niyang si Reynold. Sa totoo lang ay wala siyang pakialam kung halos lahat ng babae sa school nila ay nakuha na ng kapatid niya. Ayaw na ayaw niya lang talaga sa lahat ay siya ang ginagawang hanapan ng magulang nila at ng ibang mga tao pagnawawala ito.

Wild Chase - BOOK 2 ✔Where stories live. Discover now