CHAPTER 8

97 21 5
                                    

Chapter 8

Liezalin's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw at heto ngayon si Zele, ilang linggo na rito saamin. Parang kelan lang nung napulot ko sya sa may buhanginan at hinila papunta sa bahay namin.

Natatawa parin ako hanggang ngayon kapag naaalala ko iyong ginawa ko. Hindi ko naman kase gustong hilahin talaga sya nung oras na yon, kaso wala talaga akong pagpipilian. Kesa naman matuyo sya dun sa may arawan kung hindi ko sya kinuha diba. Hindi ko rin naman sya kayang buhatin dahil napaka bigat nya, kung ako siguro si Hulk baka kaya ko syang mabuhat. Atsaka paghila pa nga lang sa kanya ay hirap na ako.

Atsaka okay narin naman, nabuhay din naman eh.

Nandito kaming dalawa ngayon ni Zele sa harapan ng bahay kase nagsisibak sya ng kahoy, tinulungan ko na. Sya ang taga sibak at ako naman ang taga ayos ng mga nasibak nya. 

Pansin kong mukang pagod na pagod na sya dahil halos maligo na sya sa sariling pawis, bumabakat na rin ang katawan nya sa suot nyang tshirt na parang hapit na hapit pa sa kanya.

Tirik na tirik ang araw at talaga ngang napaka init. Kumuha ako ng tubig sa baso at iaabot ko na sana kay Zele ng biglang dumating si Maya na may dalang tuwalya. Para kay Zele iyon panigurado.

"Zele pawis na pawis ka ah, dinalhan kita ng towel. Punas kana" nakangiting alok ni Maya kay Zele. Tipid na ngiti na lamang ang iginawad nya kay Maya at saka nag punas ng pawis nya. Hinubad na rin nya ang suot nyang tshirt dahil basang basa na ng pawis.

Si Maya ay hindi na magkaugaga sa gagawin dahil nakita na naman nya ang katawan ng lalaking gusto nya. Kung makatingin sa katawan ni Zele ay parang hindi pa nakakakita ng ganoong klaseng katawan ah? E halos araw araw nga nyang nakikita ang mga abs ng mg kapitbahay naming tambay.

"Maya! Halika, kuhanin mo ito at labhan mo muna itong mga damit!" sigaw ni nanay mula sa loob ng bahay.

Napatingin saakin si Maya. Mukang alam ko na ang ibig sabihin nito.

"Ate, pwede bang ikaw nalang muna ang maglaba? Ako nalang ang tutulong dito kay Zele." nagpapacute na pakiusap ni Maya.

Sinasabi ko na nga ba, ang mga ganung tinginan ni Maya ay malalaman mo na agad na may gustong sabihin.

"Sige" tatalikod na sana ako nang bigla akong tawagin ni Zele.

"Akala ko ba, tutulungan mo ako dito?"

"Kayang kaya nyo na ni Maya yan, maglalaba pa ako eh." nakangiting tugon ko saka dumiretso papunta sa bahay para kunin iyong mga labahin.

"Nay! Nasan po yung mga lalabhan ko?" pagtawag ko kay Nanay.

Dahil hindi sumasagot si Nanay ay pupuntahan ko na sana sya sa kwarto nang marinig kong parang nag tatalo sila ni Tatay. Bakit naman nag aaway ata sila? Anong meron?

"Wag muna"

"Pero kailan-"

"Pakiusap. Wag muna ngayon. Nakikiusap ako."

Ano bang pinag uusapan nila.

"Nay" tawag ko. Natigil sila sa pag uusap.

"Oh Leiza, anak. Akala ko ba ay tinutulungan mo si Zele doon?" takang tanong nya saakin.

"Si Maya na po ang tumutulong kay Zele. Ako na po ang maglalaba, nasaan na po ang lalabhan, Nay?"

"Si Maya talaga oh! Makaharot lang ay gagawin ang lahat." umiiling iling na sabi ni Nanay. Napatawa nalang ako.

"Hayaan na natin sya nay. Mukang gustong gusto talaga ni Maya si Zele eh."

"Nandun na nga tayo, gusto nga ni Maya si Zele. Eh papaano kung ayaw naman ni Zele kay Maya? Edi kawawa lamang ang kapatid mo." seryosong sabi naman ni Tatay.

Ocean In Your EyesKde žijí příběhy. Začni objevovat