CHAPTER 6

119 21 4
                                    

Chapter 6

Liezalin's POV

"Saan ka pupunta?"

Palabas na sana ako ng bahay nang makasalubong ko si Zele. Bagong ligo sya at nagpupunas pa ng buhok gamit ang tuwalya. Kitang kita ang mga hugis pandesal sa tiyan nya. Pasalamat sya wala akong peanut butter dito, kundi lalagyan ko yan ng palaman-  chAr!

"Mag hahanap ako ng pogi, bakit sasama ka?" pabalang kong tugon. Bigla namang nagusot ang muka nya dahil sa sagot ko.

"Where nga?" inis na tugon nya.

Bigla naman akong natawa sa klase ng pananalita nya. Halatang hindi sya sana'y na managalog.

"There, in the market. Why? Sasama ba you?" natatawang pang gagaya ko sa pananalita nya.

"Yeah. Wait me here, I'll just go and get my wallet." sabi nya at sabay talikod na para pumunta sa kwarto at kunin iyong wallet nya.

Mabilis lamang din syang nakabalik sa harap ko at niyaya na nya akong umalis.

Malapit na kaming makalayo nang biglang sumulpot sa harap namin si Maya.

"San kayo pupunta ate? Sama ako!" ganadong ganado nyang sabi. Dati rati naman ay ayaw na ayaw nya akong samahan sa pamamalengke, pero ngayon na kasama si Zele ay parang gustong gusto na nya.

"No, booger. Just...stay here." parang nauubos na ang pasensya ni Zele habang sinasabi iyon.

Ilang araw narin kase si Zele dito at ilang araw narin syang kinukulit ni Maya.

"Wag kanang sumama, Maya. Mabilis lang naman kami doon." nakangiting aniya ko kay Maya. Napabuntong hininga na lang sya at tumalikod na nang nakasimangot saamin.

"Let's go" nanguna na sa paglalakad si Zele at napaka bilis nya pang lumakad. Hindi naman sobrang bilis pero ang hahaba kase ng mga binti nya kaya malayo agad ang nararating ng lakad nya.

"Hoy gago ka intayin mo naman ako!" hiyaw ko sa kanya habang nagmamadali s paglalakad para makahabol sa kanya.

"Saan tayo sasakay papuntang market?" takang tanong nya nang magkasabay na ulit kaming naglalakad.

"Wala"

"What do you mean by 'wala'? "

"Wala. Wala tayong sasakyan kase lalakadin natin ang papuntang palengke." pagpapaintindi ko.

"What?!" gulantang na sabi ni Zele.

"Anong wat wat! Bilisan mo na at mahaba habang lakaran pa ito!"

Sinimulan na namin ang paglalakad hanggang sa makarating kami sa palengke na puro pagrereklamo ni Zele ang naririnig ko mula kanina pa.

"Im tired!" hinihingal na sabi nya. Sobrang layo naman kase ng nilakad namin tapos hindi pa sya siguro sana'y na maglakad ng ganun kalayo.

"Sige dito kana muna at bumili ka ng maiinom mo dyan. Pupunta lang ako sa loob ng palengke para bumili ng ulam." akmang aalis na ako ng hawakan ni Zele ang braso ko.

"Just wait a second. Sasama ako." hinihingal nya paring sabi na waring kukuha muna ng sapat na pahinga bago magpatuloy.

Makalipas ang ilang segundo ay ayos na sya kaya isinama ko na papasok sa loob ng maingay at medyo masikip na palengke.

"What the- ang baho!" napatakip agad sa ilong si Zele nang makapasok na kami sa loob. Napakapit din sya sa laylayan ng suot kong damit. Para naman syang bata! Napaka arte. Hindi pa ba sya nakakapasok sa ganitong lugar at ganito sya umasta?

Ocean In Your EyesWhere stories live. Discover now