CHAPTER 19

83 15 1
                                    

Chapter 19

Nasa loob na kaming lahat ngayon ng bahay. Magkakaharap kami ngayon na tila ba ay may napaka seryosong bagay na pag uusapan. Sabagay, seryoso naman talaga ang pag uusapan nila ngayon.

May dalawang kasama sina tatay sa pag uwi nila dito saamin. Si Elian-ang pinsan namin, at ang kaibigan nyang bakla na si MM. Magbabakasyon daw muna ang baklang ito dito at dadamayan ang kaibigan dahil sa pagkawala ng ina, pero si Elian ay dito na titira sa amin dahil wala na syang ibang kamag anak at mapupuntahan maliban nalang saamin.

Napatingin ako kay Maya na seryoso ang mga matang nakatutok saakin. Nakita nya pala kami kanina, at alam kong sobrang sama ng loob nya saakin. Di nya man sabihin ay nararamdaman ko.

Pakiramdam ko tuloy ay isa akong taksil na kapatid.

Napatungo ako dahil hindi ko kayang tagalan ang mga tingin ni Maya. Pero maya maya lang rin ay napaangat ang tingin ko sa aking katabi- si Zele. Hinawakan nya ang isa kong kamay saka ngumiti ng malawak saakin. Enebe!

Agad ko rin namang tinanggal ang kamay nya saakin dahil naiilang ako sa mga tingin na ibinibigay sakin ni Maya. Baka sampalin nya ako bigla!

Maya-maya lang ay nagsimula nang mag salita si Tatay tungkol sa pagtira ni Elian dito saamin. Hindi na ako nakinig sa naging pag uusap nila dahil lutang ako ngayon. Hindi ko na alam kung saan na napadpad ang isip ko, kanina pa lumilipad.

Iniisip ko kung anong sasabihin ko kay Maya. Alangan namang sabihin ko na "Welcome back kapatid, boyfriend ko na ang crush mo" baka masampal ako! Eh kung "Pasensya na, marupok lang" o kaya naman "Wala eh, ako daw yung mahal"-

"Liezalin!" bulyaw ni tatay.

"Po?!" gulat na sagot ko naman. Bakit ba kase sigaw nang sigaw? Di naman ako bingi.

"Kanina pa kita tinatanong dyan, hindi mo ba ako naririnig?" hindi po.

"Pasensya na po, may iniisip lang." paghingi ko ng tawad dahil sa kalutangan ko.

"Iyang anak mo nasobrahan sa harot, kulang sa tulog." pang aasar pa ni nanay. Agad na tumingin ng matalim si Tatay kay Zele na ikinasamid nya naman. Si Elian naman na kanina pang malungkot ay napangiti ng kaunti. Natawa siguro.

Bakit ba puro ako?!

"Sa kusina po muna ako, ipagtitimpla ko kayo ng kape." pagpapaalam ko sa kanila at saka dumiretso sa kusina. Narinig ko pang biglang kinausap ni tatay si Zele.

Kumuha ako ng mga tasa at saka ko tinimplahan ng kape. At nang akmang ilalabas ko na ang mga iyon ay sya namang pag pasok ni Maya sa kusina. Nakatingin lamang sya saakin habang nakatayo sa harap ko. Napatungo ako at ibinaba ang mga kapeng dala.

"Ate..." pagtawag ni Maya saakin.

"Maya, s-sorry." pigil ang hikbing sabi ko. Nagulat nalang ako nang bigla nyang hawakan ang dalawa kong kamay saka matamlay na ngumiti saakin.

"Ate, pasensya na sa mga tingin ko sayo kanina. Masyado lang akong nadala ng galit. Pero hayaan mo, ayos lang naman saakin ang relasyon nyo ni Zele. W-Wala naman akong karapatan na magalit. Isa pa, bagay kayo. Masaya ako para sayo. Syempre may konting tampo, pero ayos lang talaga." mahabang sabi niya habang pinipisil pisil ang kamay ko. Doon na nagsituluan ang mga luha ko. Hindi ko alam pero parang sinasakal ang puso ko.

"M-Maya..." hindi parin maawat ang luha ko. Sa tingin ko ay kabaligtaran ng mga sinasabi ni Maya ang nararamdaman nya ngayon.

"Ate ano ba! Wag ka umiyak! Nakakahiya, wag kana umiyak. Ayos lang talaga saakin." natatawang sabi nya habang pinupunasan ang mga luha ko. At saka yumakap ng mahigpit saakin.

Ocean In Your EyesWhere stories live. Discover now