CHAPTER 10

93 19 1
                                    

Chapter 10

Liezalin's POV

"Jusko Zele! Anong nangyari saiyo bata ka!" gulat at awang awa na sabi ni Inay nang makapasok kami ni Zele sa loob ng bahay.

Nang mapatingin saamin si Tatay ay naibuga nya ang kapeng iniinom at agad na lumapit saamin para tumulong buhatin si Zele.

Halo halo ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako na parang kinakabahan, galit at meron ring tuwa dahil sa nakaligtas ako sa mga lasing na iyon. Lungkot at nakokonsensya rin ako dahil sa nang yari. Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.

"Ano bang nang yari sa inyo? At bakit may saksak sa tagiliran itong si Zele? Buti nalang at hindi ganoon kalalim!" parang galit na sabi ni tatay.

Bigla ring nataranta si nanay at tatay dahil sa nakita nilang saksak sa tagiliran ni Zele. Sino nga bang hindi mabibigla kapag ganokn ang nakita mo, hindi ba?

"Eh tay, susunduin ko ho sana si Maya kaso hinarang ho ako ng mga dayo'ng lasing doon sa tindahan nina Aling Katkat. Tapos tinulungan ako ni Zele kaya sya nasaksak nung kalbo." nakatungong sabi ko. Nahihiya ako sa kanila. Dahil saakin ay napahamak si Zele.

Pero kasalanan nya rin naman ah! Kung hindi nya iniwanan si Maya doon ay hindi naman ako aalis at hindi ko sana makakaharapan iyong mga lasing na yun!

"Iyon bang kalbong sinasabi mo ay iyong matangkad?"

"Opo, tay"

"Kadadaan lang nila dito kanina. Naka alis na sila. Kaya pala nagmamadaling makahanap ng masasakyang bangka paalis." naiiling na sabi ni Tatay.

"Sige, kumuha ka na muna ng panglinis sa sugat nitong si Zele at nang hindi na gaanong madumihan pa at baka mapaano pa ang batang ito." nag aalalang utos ni nanay sa akin. Tumango nalang ako bilang tugon.

Tumayo ako para kumuha ng panlinis sa sugat ni Zele nang makita ko sa pinto si Maya.

"Ate!" naka ngiti nyang tawag saakin.

"Saan ka galing?"

"Doon lang kina Mina, ate. Bakit?" nagtatakang sabi nya.

"Akala ako ay nasa palengke ka?" naguguluhang tanong ko. Hindi ba at ang sabi ni Zele ay iniwan nya si Maya sa palengke?

"Kanina pa akong tanghali naka uwi ate. Iniwanan ko na nga si Zele doon sa palengke dahil nainis ako sa kanya e." napapa irap na sabi ni Maya.

So ibig sabihin ay binibiro lamang ako ni Zele kanina? At ako naman nag pauto agad? Kakabwiset!

Tuluyan nang nag lakad papasok si Maya sa loob nang bahay at ilang saglit lang ay narinig ko na ang tili nya. Siguradong nakita na nya ang kalagayan ni Zele.

"ZELE? ANONG NANG YARI SAYO?!" parang naiiyak nang tili nya.

"Tumahimik ka nga riyan, Maya. Masyado kang maingay. Nag papahinga na si Zele atsaka mabuti nalang at hindi ganoon kalalim ang saksak. Nag papahinga na sya, kaya maaari bang tumahimik kana riyan. Para kang nag eeskandalo kung maka irit ka." narinig kong sabi ni nanay.

"Sinong gumawa nyan sakanya, Nay? At bakit ang kakapal naman ng muka nilang gawin to kay Zele?"

"Papunta sana ang ate mo sa palengke dahil akala nya ay naroroon kapa, hinarang sya ng mga dayo'ng lasing. Mabuti nalang at dumating si Zele. Ang kaso, ayan. Napuruhan ata." kwento ni inay.

Parang natahimik si Maya dahil sa sinabi ni Nanay.

"Lieza! Halika na rito at dalahin mo iyang panglinis ng sugat ni Zele." tawag ni tatay.

"Opo, nariyan na!" tugon ko.

Lalapit na sana ako kay Zele pero humarang na sa harap ko si Maya.

"Ate, ako na lang ang maglilinis sa sugat ni Zele." mahinang sabi ni Maya saka kinuha ang maliit na planggana saakin.

"Sige" 

Umupo sya sa may gilid ni Zele at saka nagsimula nang linisan ang mga sugat nito. Sinimulan nya ang paglilinis sa mga sugat sa mukha ni Zele. Puro pasa rin sya sa muka, talagang yun ang pinuruhan ng mga gagong lasing na bumugbog sa kanya.

Nagpaalam sina nanay at tatay na lalabas muna dahil may pag uusapan raw muna sila at kami raw muna ni Maya ang magbantay dito kay Zele.

"Bakit mo pa ba ako susunduin ate? Hindi sinabi sayo ni Zele na nakauwi na ako?" mahinahong tanong ni Maya habang ang buong atensyon ay nasa paglilinis ng mga sugat ni Zele, na mahimbing na natutulog.

"Ang sinabi nya saakin ay iniwan ka raw nya. Kaya nagalit ako at nag dirediretso ako paalis para sunduin ka. Kahit na alam kong delikado dahil gabi na." dirediretso kong sabi. "Pero hindi ko naman alam na nagbibiro lang naman pala sya. Kaya medyo kasalanan ko rin ang nangyari, hindi ko muna nilinaw ang lahat bago ako nag sagawa ng desisyon" mahina at naka tungo kong pag papatuloy.

"Pasensya ka na rin ate, kung dumaan lang sana muna ako dito kanina sa bahay edi sana di na mangyayari to." pag hingi nya rin ng paumanhin.

Ngumiti lamang ako sa kanya na parang sinasabi na ayos lang. Pero hindi ko parin maiwasang hindi makonsensya sa nangyari kay Zele. Kawawa ang inabot nyang pambubugbog sa mga lasing na iyon. Walo sila at nag iisa lang si Zele, pag tulong tulungan ba naman.

"Maya, halika at may pag uusapan tayo." tawag ni tatay kay Maya. Di ko napansin na nakapasok na pala sila dito sa kwarto.

"Ano yun 'tay?" sagot ni Maya nang makalapit na kay tatay.

"Pupunta tayo sa Maynila bukas na bukas rin. Pupuntahan natin iyong pinsan nyo. Namatay-" naputol ang sinasabi ni Tatay dahil sa biglaang pag singit ni Maya.

"Ano 'tay? Bakit ako pa ang isasama nyo? Si Ate nalang!" reklamo nya. Pati ako ay napamaang sa sinabi ni Maya.

"Nakapag desisyon na kami ng inay nyo. Ikaw Maya ang sasama saakin. Namatay ang inyong Tiya Pina na aking kapatid, kaya nararapat lang na samahan mo ako dahil hindi naman sya iba saatin. Kamag anak natin sya. Kailangan rin ng pinsan nyong si Elian ng masasandalan sa pagkakataon na ito." mahabang paliwanag ni tatay.

Naalala ko si Elian at si Tiya Pina, noong kabilang buwan ay dumalaw rin sila dito noong may sakit si Tatay at napaka dami nilang dalang pagkain. Tunay na napakabait ni Tiya at ni Elian.

"Eh ilang araw ho ba tayo roon kung sakali?" tanong ni Maya na tila ay nag aalinlangan pang sumama.

"Dalawang linggo"

Sa sagot ni tatay ay parang nabulunan si Maya kahit na wala naman syang kinakain.

"Ano 'tay? Bakit naman dalawang linggo? Ang tagal nun ah!" reklamo ni Maya. Napailing nalang ako dahil sa iniaasal nya.

"Halika doon tayo sa labas mag usap. Napaka ingay mo, nagpapahinga si Zele." sabi ni Tatay at isinama si Maya palabas para doon sila mag usap.

"Ikaw na muna ang bahala kay Zele, anak. Susundan ko muna iyong tatay at kapatid mo" nakangiting sabi ni nanay saakin saka sumunod kina tatay palabas.

Nilapitan ko si Zele at pinunasan ng basang tuwalya ang mga sugat sa muka nya nang bigla syang gumalaw at mag salita.

"K-Kuya p-please don't leave" parang batang sabi nya habang naka pikit.

Nananaginip sya, at ang kuya nya ang napapanaginipan nya. Kawawa naman si Zele.

"Shhhhh nandito lang ako" mahinang bulong ko sa kanya at sinuklay ko ang buhok nya gamit ang mga daliri ko.

"W-Wag kanang umalis. Wag mo akong iiwan" ungot nya pa.

"Dito lang ako. Hinding hindi kita iiwan, Zele."




Itutuloy...

Ocean In Your EyesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum