CHAPTER 4

132 21 3
                                    

Chapter 4

Zele's POV

It's 6:00pm na I guess. Inabot na ako ng dilim dito sa dalampasigan. Yung babae naman na nagpakilala sakin na si Lieza ay kanina pa akong iniwan dito. Salita kase sya ng salita pero hindi ko sya kinakausap, nainis na siguro.

Hmmm. About her, kanina ko pa talagang iniisip ang babaeng yun. Talagang pamilyar sya. I'm very fcking sure that I've met her before. Pero hindi ko talaga maalala kung kelan. This girl gives me headache, damn!

Kung dito muna ako mag sstay sa Island na to, kanino naman ako makikitira? As if namang tatanggapin pa ako sa pinanggalingan kong bahay kanina, matapos ko silang sabihan ng kung ano anong salita. Tss.

Meron bang hotel sa island na to?- Nah! I forgot, wala nga pala akong pera.

Pumulot ako ng isang bato at ibinato iyon sa dagat. Ano kayang ginagawa ngayon nina mommy? For sure na masaya sila dahil wala ako. Of course that's the only thing that they would feel. What should I expect from them, as if na ipapahanap nila ako.

Pupulot na sana ako muli ng isang bato nang may maramdaman akong humawak sa balikat ko.

The girl I was thinking a while ago, Liezalin.

Tumingin ako sa kanya at pinagtaasan ko sya ng kilay.

"Tara sa bahay, kumain kana." she said nicely. So, welcome pa pala ako sa bahay nila. Ano naman kayang mga klase ng pagkain ang meron sa bahay nila. Baka sumakit lang ang tyan ko dahil sa pagkain nila.

Tumayo na ako sa buhanginan at nagpagpag. Sumunod ako kay Liezalin papunta sa bahay nila. Nauuna syang maglakad saakin kaya't napapagmasdan kong mabuti ang kabuan nya.

All of her features screaming out in luxury.  You can't even see in every part of her that she comes from a poor family- well as I can see... Except from her clothes. Panget.

"Hoy, nakikinig ka ba? Sabi ko, pasok kana!" she shouted.

Nasa harap na pala kami ng bahay nila.

"What?" kunyari ay hindi ko sya narinig kanina.

"Sabi ko, pasok na!" sigaw nya ulit. Hmmm so impatient.

I grinned on what she said. Ibang pasok ata ang nasa isip ko. Tss.

Lieza's POV

Kanina pa kami na kumakain pero si Zele ay nakatitig lamang sa pagkaing nasa harap. Hindi nya ginagalaw, kundi nakatitig lang talaga sya rito. Parang sinusuri nya ng ayos kung malinis ba ito at pwedeng kainin. Akala siguro nya ay madumi ang pagkain namin.

Mukang mapili sa pagkain ang isang to. Kitang kita naman sa itsura nyang mula sya sa mayamang pamilya kaya hindi kataka takang ganyan sya umasta. Napaka arte.

"Ano Kuya Zele, tititigan mo nalang ba yang pagkain mo?" biglang tumigil sa pagkain si Maya at tinanong si Zele.

"Don't call me kuya. We're not close." umiirap na sabi ni Zele. Napaka taray talaga nitong lalaki na to.

"Sus arte mo naman, Kuya Zele! Kumain kana!" pangungulit parin ni Maya.

"Will you please shut your big mouth, booger?" iritang sabi ni Zele. Inis na sya. Tinatawag na naman nyang kulangot ang kapatid kong mukang tanga.

Sumimangot nalang si Maya at pinagpatuloy na ang pagkain nya.

Sa tingin ko ay may gusto itong si Maya kay Zele. Kanina ko pang nahahalata sa mga tingin nya. At halata rin sa kilos nya ang pagpapapansin dito.

Ocean In Your EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon