PROLOGUE

316 29 12
                                    

Prologue

Tinatangay ng malakas na hangin ang aking tuwid at mahabang buhok habang naglalakad ako sa dalampasigan. Dinadama ang simoy ng hangin, ang tunog ng bawat hampas ng mga alon. At ang kulay asul na karagatan na nagpapa gaan sa pakiramdam ko tuwing aking pinagmamasdan.

Hindi ko alam kung bakit pero parang may humihila saakin para lumapit ako sa karagatan. Ang kulay asul na tubig, talagang kaakit akit at parang sinasabing lapitan ko sya para maramdaman ko kung gaano kalamig ang tubig dito. Ang malalakas na hampas ng alon at ang simoy ng hangin, napapagaan ang pakiramdam ko.

Para bang may nagsasabi na ang karagatan ang sagot para sa lahat ng mga tanong ko, na ang karagatan ang magsasabi saakin ng tunay kong katauhan. Hindi ko maipaliwanag. Parang tuwing mapapalapit ako sa karagatan ay may sumisigaw sa pagkatao ko na may kulang, mayroon pa akong hindi nalalaman. Marami pa akong bagay na dapat tuklasin at alamin. Marami pang bagay na hindi nasasabi at naipapaliwanag sa akin.


Alam kong marami pa akong hindi alam sa mundong ginagalawan ko, ngunit bakit tila pati sarili ko'y hindi ko kilala. Parang may kulang. Naguguluhan na ako. Marami akong tanong ngunit hindi masagot sagot lahat ng yon. Ano ba talaga ang hindi ko pa alam tungkol sa sarili ko. Ano bang kulang pa sa pagkatao ko. Parang may mali.


Pero parang ngayon alam ko na kung ano ang kulang saakin kaya ako nagkakaganito. Kulang lang ako sa jowa! Kelan ba kase ako bibigyan ni Lord ng jowa!



Dahil lipad ang aking isip ay bigla akong natalisod.


Ang shunga lang ha!



Pero teka- bakit may malaki ata akong batong naapakan?


Bakit maputi?

Bakit hugis likod ng lalaki?


Teka?- LALAKI?! Akala ko ulam! Minsan talaga ay napaka harot ang utak ko!



Bakit may maputing lalaking nakadapa dito sa dalampasigan? San ba to nang galing? Lasing ba sya?



Itinihaya ko iyong lalaki at nakita ko ang kabuuan nya- ang kanyang buong muka!



Kahit na may mga galos ito ay hindi parin maitatago ang kanyang kagandahang lalaki. Muka syang prinsepe na walang malay. At isa pa, bakit may maliligaw na prinsepe dito? Pinatapon ba sya?




Mukang ito na yung kulang sa buhay ko na binigay ni Lord sakin ah. Ang bilis naman? Alam na alam talaga ni Lord ang mga tipo ko, yung mga lalaking nakadapa sa dalampasigan na may galos ang muka pero pogi parin tapos mukang prinsepe na walang malay.



Sabi ko bigyan ako ng jowa, pero sobra sobra pa itong ibinigay!




Ocean In Your Eyes

Itutuloy...

Ocean In Your EyesWhere stories live. Discover now