CHAPTER 12

86 15 1
                                    

Chapter 12

Liezalin's POV

"Hoy ano, natulala kana dyan? Kinilig ka ano?" tumatawang sabi ni Zele sabay kiliti saakin.

Nakatulala na pala ako. Alam ko namang biro lang yun pero ewan, iba ang naramdaman ko. Parang biglang tumahip ng mabilis ang puso, abnormal na ata.

Kung ako siguro si Maya ay baka kanina pa akong nangisay dito sa kilig. Sayang at hindi si Maya ang kaharap nya.

"Hoy" talagang ayaw paawat sa pangingiliti nitong si Zele.

"Ano ba! Ang kulit mo!" sabi ko sabay hampas. At sa kamalas malasan naman nitong si Zele ay ang tagiliran nya pala ang nahampas ko.

"OUCH!" palahaw nya. Naka baluktot sya ngayon habang iniinda ang sakit. Kasalan nya, napaka kulit kase.

"Ano buhay ka pa ba?" tanong ko sabay sundot sa leeg nya. Hindi sya gumagalaw at naka baluktot lang habang mahinang nag mumura.

Masakit ba talaga?

"Hoy Zele! Ano ba, sobrang sakit ba?" di ko na maiwasang mag alala. Syempre baka mamaya ay bigla syang mamatay dito samin at pagbintangan pa akong pumatay sa kanya. Pero syempre malabo namang mamatay tong si Zele sa hampas ko.

Hindi parin sya nagsasalita at nanatiling naka baluktot at nakahawak sa tagiliran nyang nasaksak na nahampas ko pa.

"Oy sorry na!" sundot ko ulit sa leeg nya. Pero wala parin. Di parin namamansin.

"Sobrang sakit ba? Patingin gagamutin ko" pinilit kong babaan ang boses ko para halatang nakokonsensya.

"Wag na" sagot nya. Aba tampo tampuhan.

"Amina! Gagamutin ko na nga eh!"

"Wag na nga. Meron akong ibang alam na paraan para gumaling agad to" sabi nya na nakatalikod parin saakin.

"Ano?" tanong ko.

"Bakit, gagawin mo ba?" bigla syang humarap.

"Oo, ano nga?"

"Wag na, baka hindi mo naman gawin eh" sabi nya at tumalikod na naman. Napaka isip bata talaga neto.

"Ano nga!"

"Gagawin mo ba talaga?" nanunuyang tanong nya. Naiinis na ako, baka mamaya hindi pang hampas ang gawin ko at maibato ko pa sa kanya tong planggana na nasa tabi ko.

"Bilisan mo na. Ano nga?!"

"Kiss mo ko!" naka ngusong sabi nya na parang pigil na pigil ang tawa.

Napaka gago talaga nito.

"Sapak gusto mo?" nanghahamong sabi ko.

"Hey I'm just joking. Masyado ka namang seryoso dyan. Sobrang dami ko pa ngang sugat at pasa sa muka tapos dadagdagan mo pa." natatawang sabi nya saka nag iwas ng tingin.

Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako o ano. Pero para kasing nakita kong biglang lumungkot ang ekspresyon nya at kung hindi ako nagkakamali ay may nakita akong butil ng luhang tumulo mula sa kaliwang mata nya. Bakit sya umiiyak?

"Hoy ayos ka lang ba?" tanong ko. Mukang seryosong usapin ito.

"Wala. Naalala ko lang si Kuya. Sya kase palagi ang gumagamot sa mga sugat ko simula bata hanggang sa huling nakita ko sya." nakangiting sabi nya pero hindi maitatago ang lungkot sa mga mata. Nagulat pa nga ako dahil akala ko hindi sya sasagot. Kase sino ba naman ako para pagsabihan nya ng problema at mga hinaing diba.

Nanatili akong tahimik at hinihintay kung mag kukwento pa sya.

"The last time I saw him alive was the day that I bumped my car. Dinala ako sa hospital that day and then pag uwi ko isang malakas na sapak pa ang inabot ko kay Daddy. Pinagtanggol pa ako ni Kuya kay daddy non pero wala syang nagawa. Si daddy yun eh"

"Ang tanda mo na tapos nasasapak ka pa ng daddy mo!" sabi ko na ikinatawa nya.

"Yeah, always. And then pagkatapos nun, dinala na ako ni Kuya sa kwarto ko at saka ginamot ang panibagong sugat ko sa muka dahil sa sapak ni Daddy. And guess what? Yun na pala ang huling beses na makikita ko syang buhay at nakangiti sa akin" tuluyan nang lumambot at lumungkot ang itsura nya.

"Kaya ako napadpad dito. I'm with my best friends before the night that you found me lying on the sand here in your island. I'm drunk that time. Sa sobrang lasing at lungkot ko nun dahil sa pagkawala ni Kuya ay nagbalak akong magpaka matay. Namalayan ko nalang na nakalubog na ako sa malamig na tubig at unti unting nawawalan ng hininga at malay." pagpapatuloy nya.

Kaya pala galit na galit sya nun dahil akala nya ay niligtas namin sya, pero ang totoo ay ligtas naman talaga sya pinatuloy lang naman sya dito sa bahay.

Grabe naman pala tong buhay nitong isang to. Nasapak na nga ng daddy nya tapos nawala pa kuya nya. Eh bakit hindi sya hinahanap sa kanila?

"Bakit hindi ka hinahanap sa inyo? Di ba mayaman kayo? Bakit hindi ka man lang nila pinapahanap?" tanong ko na ikinatawa nya.

"They won't do that. Hindi nila ako gusto sa bahay. At kahit anong gawin ko ay hindi nila ako magugustuhan. They're always thinking that I'm a problem to the family, so why to waste time for finding me diba? Siguro nga ay natutuwa sila ngayong wala ako" mapait syang napangiti.

Kaya siguro ayaw nyang umuwi sa kanila. Grabe ang buhay nitong isang to. Nakakaawa sya, kahit nga talaga mayaman ka ay hindi mo magagawang enjoyin ang buhay kung wala namang pagmamahal na galing sa pamilya.

Hindi ko alam pero namalayan ko nalang ang sarili ko na tumayo at naglakad papalapit kay Zele para yakapin sya. Bigla syang natigilan at parang nanigas sa kinahihigaan nang yakapin ko sya.

Ewan ko pero feel ko lang talaga syang yakapin dahil sa mga kwenento nya. Pati ako ay nahawa sa kalungkutan ng dahil sa kwento nya.

"Lieza?"

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni nanay at pagharap ko ay nasa likod namin sya at nagtatakang nakatingin saamin.

Sa gulat ko ay naitulak ko si Zele mula sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Aray!" daing nya.

"A-Ah hehe 'nay. Nandyan kana pala!" dali dali akong lumapit sa kanya at kinuha ang mga dala nya.

"Oo nga 'nay nandyan kana pala, muntik na akong gawan ng masama nyang anak nyo buti nalang at dumating ka!" madramang sabi ni Zele kay Nanay. Nakiki 'nay na rin sya di ko naman sya kapatid!

"Hoy anong gawan ng masama! Siraulong to!" sigaw ko sa kanya.

"Akala ko ay kakainin na nya ako nang buo. Kung maka yakap sya ay parang inaakit ako! Dapat talaga ay binabantayan iyang anak nyo nay!" dire diretsong sabi ni Zele at palihim na tumatawa.

"Bwiset ka talaga!" lumapit ako papunta sa kanya at tinuktukan ang ulo nya. Sya naman ay tawa lang nang tawa.

"Tignan nyo oh! Matapos makuha ang kailangan at samantalahin ang kahinaan ko ay sasaktan pa ako!" tumatawang aniya habang sinasalag ang mga hampas ko.

"Tama na yang pag aasaran na yan. Lieza, wag mo nang saktan si Zele, hindi pa nga gumagaling yan oh!" sita ni nanay.

Tumingin ako kay Zele ay nang aasar syang naka tingin saakin.

Lumabas na si Nanay sa kwarto at dumiretso sa kusina. Susunod na sana ako kay nanay nang tawagin ako ni Zele.

"Ano?!" inis kong tanong sa kanya.

"Come here. I have something to tell you." sabi nya at kahit naka hawak sa tagiliran ay pinilit parin ang sarili na makatayo.

Lumapit ako sa kanya na naka simangot. Ano na naman kayang trip nito sa buhay.

Nakalapit na ako sa kanya at hindi ko inaasahan ang ginawa nya.

Kinabig nya ako papalapit na papalapit sa kanya saka nya ako niyakap ng mahigpit. Kung kanina ay sya ang naestatwa sa yakap ko ay baligtad naman ang nangyayari ngayon. Halos hindi na ako makahinga. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko'y pati si Zele ay naririnig na ito.

"Thank you" mahinang bulong nya sa tapat ng tenga ko.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Ano bang ginagawa mo saakin Zele. Bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Itutuloy...

Ocean In Your EyesWhere stories live. Discover now