CHAPTER 16

81 15 1
                                    

Chapter 16

Liezalin's POV

Magarbong lugar, maraming tao, at halos lahat ng makikita ay puro karangyaan. May mga nag tatawanan, nagkukwentuhan at nagsasayawan. May ilang kabataang tulad ko na nagsasaya rin.

Napatingin ako sa suot ko- magarbong saya na parang sa isang prinsesa. Paano ako nakapag suot ng ganito karangyang damit? Humarap ako sa malapit na salamin at nagulat sa ayos ko- may mga kolorete ang muka at tila pinaghandaan talaga ang isusuot na ito. Hindi ko masyado nakilala ang sarili ko, dahil masyado akong bata sa repleksyon. Bumata ako rito ng anim na taon.

Teka- nasaan ba ako?

"Princess Eliiiii, here I come!" sigaw nang kung sino at nang akmang lilingunin ko na ito ay biglang umikot ang paligid. Ano bang nangyayari?

Nasa isang yate naman ako. May ilang tao, at sa tingin ko ay kaedad ko lamang ang mga ito. At tulad kanina, bestida naman ang suot ko ngayon. Isang dilaw at mukang pangmayaman na bestida.

Umikot ikot ako sa paligid- naglakad lakad at pinagmamasdan bawat nakikita pero mukang hindi nila ako napapansin. May nakita akong babaeng kapareho ko ng suot at hindi lang suot kundi pati narin ng muka! Bakit kamuka ko ang isang ito?! 

May kausap itong isang magandang babae at mukang nagtatalo silang dalawa. Hindi sila napapansin ng karamihan dahil nasa bandang dulo sila. At dahil hindi naman ako nakikita ay nilapitan ko ang babaeng kamuka ko.

"What's your problem?" mahinahong tanong nung kamuka ko. Pati boses ko kuhang kuha!

"Don't ask me, you higad! Napaka landi mo!" sigaw naman nung babaeng kausap nung kamuka ko.

Tawagin daw ba na higad at malandi yung kamuka ko? Eh kung itulak ko kaya sya dyan sa tubig?!

"Malandi? Sino bang nilandi ko?" Oo nga, sino bang nilandi nitong babaeng kamuka ko.

"Nagmamaang maangan ka pa, eh kitang kita ko kung paano mo harutin si Denn!"

"Hindi ko sya hinaharot. Atsaka boyfriend mo ba sya?" dirediretso nyang sabi.

"N-No! I mean hindi pa!" nanggigigil na sigaw nung babae at tinawanan lang sya nung kamuka ko. Yasss ghurl tama yan! Hindi naman pala sila!

"Don't laugh at me you witch!" sigaw nung babae saka hinila ang buhok nung kamuka ko. Gusto kong tulungan sya pero parang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Oh my god! No! Drinna, ano ba! Get off me!"

"Don't call my name, were not friends!"

"Drinna, please. Masakit!"

"Hindi mo ako madadaan sa pagpapaawa mo, Eli!" sigaw ni Drinna at sabay inihulog nya si Eli sa dagat. Napatakip ako sa bibig ko dahil alam ko na maaaring mamatay ang babaeng si Eli once na mahulog sya dito mula sa yate. Gaano ba kalala ang pinag aawayan nila para humantong sa ganito ang lahat? 

Bigla kong naramdaman ang pagkabasa ng mga mata ko at dahil sa naging panaginip. Hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaroon ako ng ganitong klaseng panaginip.

Panaginip lang yun, panaginip lang. Wala akong dapat na alalahanin. 

At nang makabawi mula sa pag iisip ay ang maagiw na bubong ng aming bahay ang una kong nasilayan nang mag mulat ang mga mata ko. Ang huli kong natatandaan sa nangyari saakin ay nalulunod na ako noon dahil sa malaking alon na humapas sa aming bangka. Sobrang bigat ng katawan ko. Ilang oras ba akong nakatulog?

Ocean In Your EyesWhere stories live. Discover now