CHAPTER 7

106 21 6
                                    

Chapter 7

Liezalin's POV

"Wow, Ate! Ang ganda ganda naman nyang dress na yan!"

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may nagsalita sa may likod ko. Si Maya. Magkakasakit naman ako sa puso dahil sa pang gugulat nya.

Agad agad kong itinago sa aking likudan ang dress na sinusukat ko. Isa ito sa dress na binigay ni Zele saakin. Ayaw ko sanang malaman pa ni Maya na kay Zele ito nanggaling dahil baka mag selos pa sya at kung ano ang isipin nya.

"San galing yan, Ate? Bigay yan ng manliligaw mo no?" pang aasar ni Maya at pilit nya pang sinisilip ang dress na hawak ko sa aking likudan.

"Hoy hindi to bigay ng manliligaw no! Ni hindi nga ako tumatanggap ng manliligaw e!" depensa ko naman kaya lalong lumawak ang pag ngisi ni Maya.

"Weh? Wag kanang mahiya ate! Alam ko namang sa manliligaw iyan galing eh" tumatawa tawa pa sya.

"Ano ba, Maya. Hindi nga sabi e, pag talaga narinig nila nanay yang sinasabi mo lagot ka saakin." naiinis kong saad.

Pasalamat sya at inaalala ko ang mararamdaman nya kapag sinabi kong kay Zele galing itong dress na ito. Alam ko namang magtatampo sya saakin kapag nalaman nya.

"Hindi ko naman sasabihin kina Nanay at Tatay, kaya umamin kana na sa manliligaw iyan galing!"

Talagang nang iinis itong si Maya!

Magsasalita na sana ako pag tapusin ang asarang nagaganap nang may naunang magsalita saakin- Si Zele!

"Saakin galing yan" simpleng sabi ni Zele. Patay! Yari! Nakita kong parang nagulat si Maya at bahagyang nangunot ang noo. Hindi rin nakaligtas sa panginin ko ang ginawa nyang pag irap.

Baka isipin nitong may gusto rin ako kay Zele.

Si Ian lang naman ang gusto ko!

Tumango tango nalang si Maya habang papalabas sa kwarto. Kakausapin ko nalang siguro sya mamaya.

"Anong kailangan mo?" baling ko kay Zele na naririto parin sa loob ng kwarto at nakatingin lamang saakin. Gandang ganda na naman siguro to sakin.

"I'm just going to ask you if nakita mo rin yung phone ko?"

"Phone?"

"Yeah, phone. Cellphone? Duh? Hindi mo ba alam yun?" nang mamaliit nyang tanong. Umandar na naman ang kayabangan nya sa katawan, bwiset sya.

"Excuse me, alam ko yun. Wag kang mayabang dyan." maarte kong tugon sa kanya.

"Alam mo naman pala, bakit kailangan mo pang itanong ulit? Tss" sabi nya sabay irap. Aba't talaga napaka arte nitong gagong to ah.

"Bakit masama? Feel kong ulitin eh paki mo." inirapan ko rin sya. Hindi ako magpapatalo. Kung gusto nya hanggang gabi kaming mag irapan dito.

"So, may nakita ka nga?"

"Parang meron akong naitago dyan. Nakalimutan ko lang na ibigay sayo" agad akong nagtungo para hanapin iyong phone nya sa cabinet. Paramg naitago ko nga iyon dito eh. Nakalimutan ko lang na ibalik sa kanya.

Hinalwat ko iyong cabinet at nakita ko rin sa wakas iyong phone na sinasabi nya. Kinuha ko iyon at iniabot sa kanya.

"Oh phone mo"

"Thanks"

Inumpisahan na nyang kalikutin iyong cellphone nya. May kung ano ano syang pinipindot doon.

At dahil dakilang chismosa ako ay nakisilip rin ako sa ginagawa nya.

Nakita kong may tinitignan syang mga litrato. Isang gwapong gwapong lalaki at kasama sya, silang dalawa sa larawan.

Ocean In Your EyesWhere stories live. Discover now