CHAPTER 25

69 14 0
                                    

Chapter 25

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa ingay na nanggagaling sa ibaba. Boses ng mga lalaki. Ang aga aga ang iingay nila. Naririnig ko pa ang pagtili ni Enzo. Ang harot ng boses nya.

Mabilis akong naligo, at inayos ang sarili ko. May mga damit dito sa kwarto at kasya ang mga iyon saakin. Isa pa, ay ito talaga ang kwarto ko dito dati pa. May pangalan ko pa nga iyong pinto e.

Isang white dress lang na hanggang tuhod ang sinuot ko, nakalugay na rin ang aking buhok na binlower ko pagkatapos maligo, naglagay rin ako ng isang cute na white clip sa buhok ko. Presentable na ang itsura ko ngayon. Malayo sa itsura ko kahapon na sobrang dugyot at puro luha ang muka.

Sa paglabas ko ay may naka dungaw na babae sa hagdan at sinisigawan ang mga maiingay sa baba.

"It's so early pa, you're all noisy na agad! Pakihinaan naman your voice! At ikaw Enzo, super ingay mo ha, ang lakas mo tumili dyan!" sigaw nya sa mga tao sa baba.

Lumapit ako sa kanya.

"Maya- "

"Yes, Eli? Who's Maya? I'm Yla no!"

Natigilan ako. Yla. Yla at hindi Maya. Namimiss ko ba sya? Sila? No, hindi.

"Yeah, I mean Yla. How are you? Ang aga mo natulog kagabi ah?" pag iiba ko sa usapan.

She's Yla. Kaedad lang namin sya ni Silvanna, mabait sya ang kaso ay masyadong sosyalin, malambing sya pero medyo maarte. Medyo lang naman.

"I'm great! Lalo na at you're here na! Alam mo ba na sobra akong na sad nung nawala ka?! Sa sobrang sad ko ay napilitan akong sumama kay Silvanna para sabunutan iyong witch na si Drinna! Nag join forces kami nang sinasabunutan namin sya, and then Silvanna slapped her hundred times!"

Napanganga ako sa kwento ni Yla. Inaasahan ko na to pero nagulat parin ako dahil with action pa ang pagkukwento ni Yla. At hindi pa sya tapos!

"Pero I'm mabait kase, so nung sinasampal na ni Silvanna si Drinna- guess what I did?"

"Pinigilan mo na si Silvanna?" nakangiwing tanong ko dahil alam ko namang hindi iyon ang tamang sagot.

"Nag cheer ako! I called my friends then sila ang sumampal para sa akin! Hindi ko na kase kaya syang sampalin, napagod na ako kakasabunot. Kaya iba nalang ang gumawa for me, atleast hindi ako ang gumawa right?! Ang bait ko kase."

"Pinigilan mo manlang ba si Silvanna?"

"Uh, yes. Sobrang red na kasi ng face ni Drinna. But don't worry, dumating si Lolo at sinabi nyang sya na ang bahala. I don't know lang kung nasaan na si Drinna and kung ano na ang nangyari sa kanya."

Ngumiti sya ng matamis saakin saka kumapit sa braso ko at sabay kaming bumaba sa hagdan.

"Sobrang kitang na miss, Eli!" humilig sya sa balikat ko. Ang sweet nya talaga.

"Na miss din kita, Yla. So, ano nang balita sa crush mo? Na crush back kana ba?" inaasar asar ko na sya. Hindi rin ako naiilang na asarin sya kahit na matagal kaming hindi nagkausap.

"Eli! Matagal na yun, no! Hindi ko na sya crush!" namumulang saad nya. Muka syang kamatis sa sobrang pula ng muka nya. Tinawanan ko nalang sya at hindi na muling inasar hanggang sa makababa na kami sa hagdan.

Pero nang makababa ako ay bumungad saakin ang tao na hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.

Anong ginagawa nya dito? At bakit puro pasa ang sugat ang muka nya? Putok ang labi at puro gasgas ang dating makinis na muka, literal! Para syang nabugbog! Hindi pala parang, dahil talagang nabugbog siya! Sino naman ang gagawa sa kanya nito.

Ocean In Your EyesWhere stories live. Discover now