"Para lang matapos na po agad, tay." Sabi ko na lang bago nagpatuloy sa ginagawa ko.

Hindi ko alam kung bakit sa nakalipas na mga linggo, si Aurora ang iniisip ko.

Dahil ba sa nakokonsensya ako?

Dahil ba sa hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin?

Pero bakit ko pa iyon iisipin?
Iyon na ang huli naming pagkikita, hindi ko na sya makikita.

Napahinto ako ulit nang maisip na hindi ko na nga sya makikita. Basta ko na lang naibagsak ang hawak kong martilyo na ikinagulat ni Tay Eman.

"Aba George, ano? Pagod ka na?" Naaaliw na tanong nya sa akin bago tumawa pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak nya ang sketchbook na gamit ko dati.

"Tay--" tangkang kong pagpapaliwanag nang makitang binubuklat nya iyon at puro mga disenyo ko ng mga salla set at mga bed frame ang nandoon.

"Magaling ka talagang gumuhit George. Hindi mo ba gustong---" nahinto sya at nagulat nang ibang drawing na ang makita nya sa susunod na pahina.

Napasapo na lang ako sa noo ko dahil huli na para mapigilan ko sya.

"Aba'y bakit nandito si Aurora?" Naaliw nyang tanong sa akin saka ako binigyan ng mapanuksong ngiti na ikinailing ko na lang bago nanghihinang napaupo sa tabi ni Tay Eman.

"Ewan ko Tay, naguguluhan din ako. Baka dahil nakokonsensya ako gawa ng huli naming paguusap." Pagsasabi ko ng totoo dahil wala na din naman akong mapagsasabihang iba kundi si Tay Eman.

Sina Kaloy at Poy, paniguradong aasarin lang ako kapag nagtanong ako sa kanila tungkol dito sa kinalilito ko.

Naramdaman kong ginulo nya ang buhok ko bago tumawa at patuloy na tinignan ang mga sumunod na pahina sa sketchbook na iyon.

"Alam ko na kung sinong inspirasyon mo sa pag-guhit ulit. Bawat matapos ang drawing mo ng mga upuan, mukha naman ni Aurora ang sumunod." Naiiling habang nakangiting sabi nya na ikinahilamos ko na lang sa mukha ko.

"Gusto ko yata sya, Tay." Sabi ko kahit pa sa totoo lang ay hindi pa din ako sigurado.

Bakit ko sya magugustuhan? Hindi ko naman sya ganoon kakilala. Halata ding mula sya sa may kayang pamilya sa uri pa lang ng pagtindig nya at mabilis na pakikitungo sa mga nakakasalamuha nya na parang sanay na sanay sya sa maraming tao.

Kung totoo man tong nararamdaman ko, hindi kami pwede.

Ayokong matulad kay nanay na nagmahal ng isang taong magkalayo sa estado ng buhay.

Hindi ko pa man ganoon kakilala si Aurora, pero sa pinapakita pa lang nyang kumpyansa sa sarili, pakiramdam ko napakahirap na nyang abutin.

"Mukhang sa dami nitong ginuhit mo, hindi na yata ang pagkagustong iyan, George Archival." Tukso nya sa akin na ikinailing ko na lang.

"Hindi tay, mawawala din to." Sabi ko bago tumayo at binalikan ang ginagawa ko pero nagsalita sya ulit.

"Ang pusong pinipigilan ay lalong nagmamahal, George. Walang masama kung magustuhan mo si Aurora, tao ka, may pakiramdam. Bakit hindi mo yakapin ang nararamdaman mo?" Komento nya na ikinabuntong-hininga ko na lang.

Mukhang tama nga si Tay Eman, kahit anong pigil ko, dumadami lang ng dumadami ang mga protrait ni Aurora na ginuhit ko, pati ang bilang ng araw na magkalayo kami, alam ko.

Nababaliw na ba ako?

Pero siguro sa kagustuhang makita ulit sya, maaga kong natapos ang mga orders at kaagad ko na ding dinala sa kabilang probinsya.

Something NewWhere stories live. Discover now