Nine

1.2K 45 1
                                    

Sumakay ulit ako ng jeep papalabas at papunta naman sa bayan ng San Pedro. It's the first jeepney that I saw and que sera sera it is.

It was a good thing na sa bayan tumigil yung jeep at doon ko lang din naalala na wala pa akong tanghalian.

It was a long ride but I enjoyed sight seeing. I just ended up eating in a fast food restaurant.

When I'm already full, I roamed around the place. Ang daming tao, some of them are talking in Kapampangan, some of them are talking in Tagalog. Naupo na lang ako don sa plaza habang kumakain ng ice cream at pinanuod yung mga bata na naglalaro.

Kaso habang enjoy na enjoy ako sa kinakain ko, ramdam kong may nakatingin sa akin mula sa gilid.

Pagtingin ko, isang batang maliit na nakatingin sa akin at sa ice cream na hawak ko.

"Gusto mo?" Tanong ko at lumunok sya bago tumango.

I smiled and stood up, sakto may sorbetero sa di kalayuan sa amin.

"Tara bili tayo." Sabi ko at sumunod naman sya.

Habang bumibili kami, mukhang mas naka-attract pa sya ng ilang bata na kakilala nya. From one kid to ten kids now enjoying their ice cream.

Magkakatabi kaming nakaupo at kumakain sa concrete benches dito sa gitna ng plaza.

"Ate, ang ganda mo po. Pwinsesa ka po ba?" Tanong ng nakilala ko sa pangalang Mingming na ikinatawa ko.

"Sabi ng iba, pero mas tamang sabihin na adventurer." Natatawang sagot ko.

"Adventuwew?" Inosenteng tanong nya sa akin na ikinangiti ko. Mukhang nahihirapan pa sya sa pagbigkas ng 'r'.

"Yung naglalakbay sa kung saan-saan, parang si Dora." Sagot ko at natawa pa ng bahagya.

"Ay katulad ka po ni Dowa??!" Namimilog at tuwang-tuwa ang mga mata nya ng itanong nya yon na ikinatawa ko ng mahina.

"Oo, kaso wala akong kasamang Boots at Map." Sabi ko na natatawa ng bahagya.

Nauna ko ng maubos ang ice cream na kinakain ko habang sila naman ay kumakain pa rin.

"Edi nawawala po kayo??" Namamangha ang mga matang tanong nya muli na ikinatawa ko na talaga.

Oh god, this kid is so adorable.

"Well, you can say that." Kibit-balikat na sabi ko habang may sinusupil na ngiti.

She's partly right though, now that I have my freedom, hindi ko naman alam kung anong gagawin sa dami ng gusto kong gawin.

"Edi nawawala po kayo??" Nagtataka nyang tanong ulit na ikinatawa ko pero nawala din maya-maya.

Napabuntong hininga na lang ako bago ko nagawa ding tumango. I'm lost, but not the kind of lost where I do not know where I am, just...lost.

I'm lost in this big wide world and I do not know where to start. Ganito na pala kapag mag-isa ka na lang, yes you have all the freedom but what is the purpose of that freedom?

"Sabi po ni apo ko kapag nawawala ka daw po, pakinggan mo lang daw po ang puso mo. Tutulungan ka daw po non magdesisyon, di ko nga po nagets si apo eh." Sabi ng bata na ikinatingin ko sa kanya ulit.

I smiled when I heard what she said, maybe she's right. I should listen to my heart too, I haven't used it for a long time when it comes to deciding things. I'm always the type to use my brain if I don't want to be deceive or played at in the world where I'm in.

But I'm not in my world, I am in the world where there are a lot of possibilities other than the glitz and glamour.

Nagpaalam na ang mga batang katabi ko nung hinanap na sila ng mga kasama talaga nila originally. I waved my hand at them and stood up from my seat when they are all gone.

Something NewOn viuen les histories. Descobreix ara