Special Chapter 2

1.8K 72 12
                                    

"Hindi ka magrereklamo?" Nagtatakang tanong ko at tingin ko kahit sya nagtaka sa naging tanong ko.

"May kailangan ba akong ireklamo?" Tanong nya na hindi ko na lang sinagot.

"Ibang klase."

Napapailing na lang ako.

Nagulat ako na hindi sya nagreklamo nang sya ang maghuhugas ng pinggan, madalas sa mga alam ko't nakasalamuha kong anak mayaman, maaarte, mapili, ni hindi mo mautusan.

Pero sya, ngayon lang ako nakakita ng babaeng tuwang-tuwa sa bulang lumalabas sa panlinis ng pinggan at ingat na ingat pa sya sa hawak nyang pinggan.

Na parang bago sa kanya ang lahat pero pursigido syang matuto, purisigido syang matutunan lahat.

"Bakit ka nakangiti George?" Nagtatakang tanong sa akin ni Tita May na ikinatikhim ko bago nag-iwas ng tingin.

Kaagad ko na lang kinuha ang basyo ng tubig na dadalhin ko sa shop ni tatay.

"Wala po 'ta." Sagot ko na lang pero ang totoo, natatawa pa rin ako sa babaeng nasa kusina ngayon nina Tita.

Halatang anak mayaman nga, ni hindi maalam magbasa ng ticket ng bus, ni hindi din nya alam na nakakaiyak ang sibuyas kapag matagal mong nalanghap ang amoy non.

Nagulat ako nang makita ko syang kahawak-kamay si Mikko nang magpunta sila sa shop para magdala nf tanghalian.

Kilala ko si Mikko, mahiyaing bata at limitado lang ang kalaro nito pero sa lahat nang taong makapagpapaamo dito, si Aurora pa.

Kita ko kung paano nya intindihin ang kapatid ko at sa unang pagkakataon, hindi ko maintindihan sa sarili ko ba't ako naiinggit kay Mikko.

Napapailing na lang ako noon dahil sa naiisip ko.

Hindi maganda sa sistema ko ang babaeng ito.

Pero hindi ko din ikakaila na mabuti syang tao at hindi lang sya nagpapakitang tao.

Sa paraan pa lang ng pagtrato nya kay Mikko, halata kong mahilig sya sa mga bata. Pero aaminin kong hindi ko nagustuhan nang makita ko syang binilhan ng mga gamit ang kapatid ko.

Hindi iyon kailangan ni Mikko mula sa ibang taong kakikilala pa lang namin. Kaya kong ibigay ang ano mang hilingin ng kapatid ko, hindi man agad, pero ginagawan ko ng paraan sa abo't ng makakaya ko.

Alam kong napagsalitaan ko sya ng hindi maganda dahil doon, pero sa ginawa nya kasi, hindi ko mapigilang maalala ang ginawa ng tatay namin.

Na tila pambayad lang kay Nanay ang lupa't bahay na ito dahil sa naanakan nya si Nanay at ako ang naging bunga noon.

Na parang napakadali lang ng buhay sa kanila, na bigyan lang ng kung anong materyal na bagay ayos na.

Pero alam kong malaking pagkakamali iyon sa parte ko, hindi katulad ni Aurora ang tatay ko.

Malayo sila, napakalayo nila sa isa't-isa.

Gusto ko sanang humingi ng tawad sa kanya noon dahil alam kong mali na pagbintangan ko sya sa isang bagay at itulad sya sa tatay namin gayong hindi ko pa naman sya lubusang kilala.

Pero sya na ang kusang nag-iwas ng tingin, at ewan ko ba kung bakit pag-dating kay Aurora, nanghihina ako.

"May humahabol ba sayo?" Natatawang tanong sa akin ni Tay Eman nang makita nya akong gabing-gabi na pero nasa shop pa rin ako at nagpupukpok ng mga pako at kahoy.

"Bakit tay?" Tanong ko nang tumigil ako saglit para mas marinig ko sya ng mabuti.

"Nagmamadali ka sa pagtapos ng mga orders sa atin eh sa susunod na buwan pa naman ang deliver nyan." Natatawa nyang sabi sa akin na parang may alam sya na hindi ko naman maipaliwanag kung ano.

Something NewWhere stories live. Discover now