Twenty Six

1.1K 51 4
                                    

"Huwag kang papalipas ng gutom, mamaya din bibili na lang ako ng ulam para satin ni Mikko." George said the moment we stopped in front of Aling Martha's karinderya.

"Okay, you take care too!" I said and he just smiled, namula pa yata ang magkabilang pisngi ko nang ayusin nya yung takas kong buhok bago nya i-abot yung towel ko na hawak nya at saka umalis.

Natawa pa ako nang tumalikod sya ulit at kumaway kaya napapangiting kumaway din ako sa kanya. Akala mo namang ang layo namin sa isa't-isa at hindi na magkikita mamaya pero who cares?? 

Naiiling habang nakangiti na lang na pumasok ako sa karinderya na wala pang laman pero mapanuksong tingin ang ibinungad sa akin nina Mildred at Jose.

"Kayo na ba non?" tanong ni Jose na ikinangiwi ko pero natawa din maya-maya.

"Uhm...hindi pa?" di ko sure na sagot, kasi hindi pa naman nagtatanong si George kung ano ba kami, and I'm not actually in a rush.

"Ayoooon, landian pero walang label." naiiling na sabi ni Mildred na ikinatawa ko lang.

"Eh hindi din naman kasi ako nagmamadali, basta ang alam namin, the feeling is mutual." sabi ko bago ako naka-earn ng kurot sa tagiliran kay Mildred na tinawanan ko lang habang umiiwas.

"Oh edi kayo na! Ansabe ni ponkan, talo ang fake blonde nya!" sabi nya ulit na ikinailing ko lang habang nakangiti.

"Magtrabaho na nga tayo! Mamaya na lang chikka okay?" I said, smiling. Because I'm obviously in a good mood.

Actually, lumipas ang weekdays na parang normal lang naman, ganon pa rin naman kami sa loob ng bahay. I was right when I noticed that his love language is act of service, like cooking for you and feeding you with food, pansin ko na yon before na ginagawa nya kay Em-em, but mas naging aware lang ako sa mga ginagawa nya ngayon para sa akin simula nung nagkaaminan na kami. 

Hindi lang pala talaga sya mabait or gentleman, he do those simple things because it's his way of showing care and I wanted to say love but I know he's not ready for that yet. We have a long time to get to know each other more so I am not in a rush.

Hindi sya masyadong vocal when it comes to his feelings, he's a quiet man in general at pansin ko na sa amin lang ni Em-em sya dumadaldal kasi madaldal kaming dalawa ni Em-em, or sa mga taong komportable lang talaga sya, katulad nina Kuya Kaloy at Kuya Popoy. 

Although he still annoys me sometimes and he'll laugh! He have the audacity to laugh at me now even though he would see me starting to get annoyed.  

Pero pansin ko na kapag hindi nakatingin si Em-em at magkatabi kaming nakaupo, he would held my hand, play with my fingers, nagulat pa ako nung isang beses, he quickly left a kiss on the back of my hand before acting like nothing happened.

I'm just glad to see him loosening up to me. 

"Pero girl, ikaw ah..." biglang sabi ni Mildred sabay tulak sa akin gamit yung balikat nya kaya napatingin ako sa kanya.

"Why?" I asked.

"Wala, ang kalat mo lang nung birthday ni George." sabi nya sabay tawa na ikinatawa ko na din.

I remember what I did before  George's birthday party so kinwento ko yon kay Mildred and she was laughing at me nonstop sa sobrang pagka-aliw nya.

"Grabe! Nakakatakot kang inisin!" tawa nya pa na ikinailing ko na lang habang natatawa na din sa pagiging aggressive ko that day.

"I don't know, nainis talaga ako non eh, muntik pang hindi matuloy yung party na hinanda natin kung sumama sa kanya si George." sabi ko at tumango naman sya.

Something NewWhere stories live. Discover now