Seven

1.3K 52 5
                                    

Ako ang namalengke nang sumunod na araw. I really pursuade Tita May to let me shop the things she needs pero wala naman daw need sa wet market because she already ordered some meat from her kumare.

But she needs some basic household stuff daw so that's what I'm going to shop today. Kaso hindi pa rin sya mapalagay dahil baka daw maligaw ako, kaya pinasama nya sa akin si Em-em.

I don't mind a little company, iti-treat ko din si Em-em na syang magsisilbing mapa ko ngayon. Sabi ni Tita May, independent din daw kasi si Em-em, maalam umuwi mag-isa at alam ang pasikot-sikot sa palengke kaya hindi kami or ako, maliligaw.

I already listed the things I wanted to do while I'm free, di ko lang alam kung paano ko masisimulan yon. It's just simple things for others, but I wanted to experience it first hand.

Anyway, hawak kamay kami ni Em-em na naglalakad ngayon sa side walk.

May mga maliliit na RTW shops, pati bilihan ng mga parts ng motor and such. Meron ding bookstore, basically it has everything, hindi pa nga lang ganoon karami ang mga fastfood chains, yung iba, soon to open pa lang.

They have a supermarket too, but not the type of branch we have in our malls. Sabi ni Em-em, mas mura daw sa local grocery store dito na madalas nilang binibilhan. Indeed, it was a lot more cheaper than the price in supermarkets bit I kind of understand why so I didn't argue anymore.

Isa pa, I don't actually mind where to shop because I already said to Tita May that I'll be the one to pay.

Saka nakakahiya na din kasi, they've been so kind to me and I also want to lessen their expenses because of me.

"Em-em, gusto mo punta tayo sa bookstore?" Sabi ko sa kanya habang nakayuko, nag-angat naman sya ng tingin sa akin at nahihiyang tumango.

I smiled and we walked side by side towards the bookstore. Pagpasok namin, we left our ecobag in the baggage counter before we proceeded to roam around the store.

"Dahil sinamahan mo ako ngayon, treat kita ng kahit ano!" Sabi ko kay Em-em na namilog ang mga mata pero kaagad din syang umiling.

"Sabi po ni Kuya, wag akong tatanggap ng kahit ano kanino." Sabi nito habang nilalaro ang mga daliri.

"Ha? Bakit naman? If it's from a genuine intention, okay lang yun Em-em." Sabi ko nang maupo ako ng bahagya sa harap nya.

"Eh kasi, lahat daw yun, baka may hihinging kapalit." Sagot nya na ikinakunot ng noo ko.

Although may point ang masungit nyang kuya, I don't think its right to tell that to a child who is still experiencing and learning new things.

Para kasing inihahawa nya sa bata yung trust issues nya eh paano kung wala din namang masamang intensyon yung mga gustong magbigay sa bata?

"Wala akong hihinging kapalit sayo kundi ang mag-aral ka ng mabuti okay?  And that is not even for me but for you too."

Sabi ko bago hinaplos ang buhok nya para ayusin, I smiled when he shyly smiled at me. Natatakpan ng mahaba nyang bangs yung mga mata nya kaya sinuklay ko iyon ng bahagya para hindi matusok ang mga mata nya.

Napaka-cute! Di tulad ng kapatid nya, napaka-sungit! Ang nega pa masyado! Hmp!

Saka kaya ko lang din naman naisip na dalhin si Em-em sa bookstore dahil hindi sinasadyang nakita ko yung bag nya pang-school nang pakisuyuan ako ni Tita May na ihatid na si Em-em pauwi sa bahay nila at samahan muna dahil tutulong pa sya sa shop. Medyo sira na ang strap at tinahi na lang para magamit nya pa rin.

Add the fact that I want to give him a gift too, might as well something he can use.

Aalis na din kasi ako sa isang araw, ihahatid lang daw ako nina Tita May sa terminal kahit anong tanong ko kung paano mag-commute papuntang Pampanga. Makita man lang daw nila akong safe na makasakay ng bus.

Something NewWhere stories live. Discover now