Thirty One

1.2K 47 5
                                    

I was so busy for the following week, aside from working in the production department, halatang pinagiinitan din ako ni Charice because of our last encounter. Sa akin nya halos lahat ibinibigay ang reports na gagawin, she had the right to boss me around because Lianne was assigned to another branch for the mean time at two weeks na syang wala. 

Charice being the second in-charge of the team, sa akin nya halos lahat itinatambak ang reports at inventories to check. But then, I also know that it's part of the process, and as long as I do my job, hindi nya ako maiinis.

Kapag nasa work ginagawa ko ang trabaho ko, ang iba ay inuuwi ko pa sa bahay dahil napostpone yung balak ko sanang lumipat ulit sa unit ko.

Isinasabay ko sa gabi yung research para sa presentation namin ni Aaron, sometimes we'd do videocalls at night just to talk about our project together but this is one of my awaited days.

This will be my second time going to George and Em-em, food na lang ang dinala ko for our dinner since doon ko balak kumain with them. Kasama ko ulit si Zeke na may sariling pagkain kaming binili, I always tell him to join us but he would decline. This time medyo maaga kaming nakaalis sa Manila because I was assigned on the field today, so maybe a little after six ay nandoon na kami. 

Dahil nasasanay na din naman ako sa work, I learned from Michelle that if we're assigned on field at alanganin ang oras ng tapos namin sa inspection, we can actually go home, so in my case, hinila ko na agad si Zeke papunta kina George.

Para hindi sya mapagod, nagpresinta na akong ako ang magdadrive papunta at sya sa pauwi, he agreed after a lot of persuasion but when we stopped by to buy dinner take-outs, sya na ang nagdrive.

When we reached George's house, nakita kong kausap nya si Tita May na kaagad kong ikinangiti, last time kasi ay hindi ko na sila nakausap dahil gabi na kaya pinabigay ko na lang kay George sa kanila yung mga dala ko.

"Tita May!" I shouted in glee na ikinalaki din ng mga mata nya habang malaki ang ngiting sinalubong ako.

"Aurora! Jusko kang bata ka! Namiss kita!" sabi nya bago ako niyakap ng mahigpit pero dahil may dala ako sa magkabilang-kamay, napataas na lang sa ere ang mga braso ko.

"I miss you too, Tita. Nagustuhan mo ba yung regalo ko sa inyo nina Buboy?" I asked chuckling.

"Aba'y oo naman, pero hindi ka na sana nag-abala pa, ikaw talaga, pero salamat." sabi ni Tita na ikinatango ko habang nakangiti.

"Wala pa nga po yun Tita eh. Kumain na po ba kayo? May dala akong dinner." sabi ko sabay pakita ng dala ko.

"Ay heto nga't inaaya ko itong si George at Em-em! Nagpaluto si Tay Eman para kay Popoy, eh para sabay-sabay na kami dahil nakahanda na ang pagkain. Dahil nandito ka, sumunod na kayo sa shop ni Tay Eman ah?" sabi ni Tita May at tumango ako't napatingin kay George nang makaalis si Tita.

"Hi!" I said while smiling at him, nakita ko naman syang nakatitig lang sa akin bago ngumiti, dahil bitbit ko pa rin ang dalawang paper bag ng mga pagkain sa magkabilang kamay, hindi ako nakapalag ng hawakan nya ang likod ng ulo ko at halikan nya ako sa noo.

Actually, hindi naman talaga ako papalag kahit sa lips pa nya ako i-kiss. I'm just kidding!

"Mukhang pagod ka na naman." sabi nya habang tinutulungan ako sa bitbitin ko.

"It's okay, I'm happy." I said, smiling at him. Binigyan nya ako ng maliit na ngiti bago inayos ang takas kong buhok bago iginiya papalayo sa bakuran nila, pero naalala ko si Zeke sa kotse.

"Ay wait, since may salu-salo naman, tawagin ko na din si Zeke. Okay lang ba? Nasa kotse lang kasi yun." sabi ko at tumango naman sya.

"Ano nga pa lang meron kay Kuya Popoy?" tanong ko habang naglalakad kami, sya na ang may bitbit ng mga dala ko kanina dahil napansin nya sigurong may kabigatan yun.

Something NewOnde histórias criam vida. Descubra agora