Chapter 33

22 3 2
                                    

"Hajimimashite." naestatwa ako sa pwesto ko at halos nabingi ako sa boses ni Hana. (Translation: Nice to meet you..)

"Ah, hajimimashite. Suwaxtu te kudasai." tumayo si Tito Ryo at inilagay si Hana sa tapat ni Akihiro, katabi naman ni Akihiro ang tatay ata ni Hana, na medyo may edad na at halata mong maganda ang katayuan sa buhay. "Ano, kore ha watashi no musuko, Akihiro desu." sambit ni Tito nang maupo, nilingon naman ng kasama ni Hana si Aki at nakipag-shake hands ito. (Translation: Ah, hajimimashite. Have a seat. / Ahm, this is my son, Aki.)

"Hajimimashite." sambit ng kasama ni Hana. Nag bow naman si Aki at ginaya ang sinabi nito.

"What's happening on here?" natatawang tanong ni Tita Celestine, hindi makapaniwala sa nangyayari. "Are they a visitors?"

"Iie, karera ha watashi tati no kazoku no itiin ni iku desyou," napaawang si Tita Celestine sa narinig, hindi lang siya, maging kaming lahat. (Translation: No, they will be going part of our family.)

"Watashi ha kore wo siri masen, Ryo. You should tell that kind of stuff to me first!" pagtataas ng tono ni Tita Celestine, hindi naitago ang emosyon. (Translation: Why did you not told that to me?)

Hinawakan ni Tito si Tita sa likod, pilit na pinapakalma, "Sore ha watashi tati no bizinesu, Celestine no tame no mono desu." mahinahing banggit nito sa asawa. (Translation: It is for our business.)

Hindi na muli pang umimik si Tita Celestine at uminom nalang ng tubig. Dumako ang tingin ko kay Hana at bahagya pa akong nagulat nang makitang nakatingin na pala ito sa akin. Nginisihan ako nito at tinarayan. Psh, dukutin ko 'yang mata mo e.

"Napagkasunduan namin ni Mr. Hirake na mag-collab sa aming plinanong business na mga skin care products. Dahil medyo may edad na kami, dapat lamang na meron kaming tagapag-mana, at sinabi ni Mr. Hirake na mas maganda kung ipagkakasundo namin si Akihiro at ang kanyang anak na si Hana." halos madurog ang puso ko sa bawat salitang binibitawan ni Tito Ryo, kahit gamit niya ang lengwahe nila ay naiintindihan ko ito, sobrang naiintindihan lalo na kung ganitong sitwasyon.

"Mas maganda na pinapatakbo ng mag-asawa ang plano namin kumpanya. Sa tingin ko naman ay bagay na bagay si Hana sa inyong anak ni Celestine." pagsabi'y sabay silang natawa ni Tito Ryo. Naging pabebe naman si Hana sa gilid.

Yumuko ako at palihim na tinignan si Akihiro, nanatili lang itong tahimik na kumakain, parang hindi siya ang pinag-uusapan. Sila Kuya Seiko, Ate Ruka at Aiyumi naman ay tahimik ring kumakain at hindi man lang lumingon sa gawi nila Tito.

"Balita ko ay sikat daw sa Waseda ang anak mo? Aba'y bagay nga talaga sila ng anak ko!" mapait akong ngumiti. Ibig sabihin, hindi boto si Tito Ryo sa akin. Sabagay, pinapaaral lang naman nila ako at palamunin.

Natawa si Mr. Hirake bago sumagot, "Ang suwerte ng anak ko sa anak mo, Mr. Kasuga. Maraming Salamat at pumayag ka sa alok kong arrange marriage. Dapat lamang na ipakalat na ito sa Waseda University na engaged na ang dalawa para hindi na ito magkahiwalay pa." kung wala lang akong respeto, kanina pa ako nag-walk out at nagkulong sa kuwarto. Hindi ko na kaya pa ang nangyayari.

"Hija, ayos lang ba sa'yo ang aking anak na si Akihiro?" nag-angat ako ng tingin at inabangan ang magiging sagot ni Hana.

Tumingin si Hana kay Akihiro bago sumagot, "Sa akin ay ayos na ayos lang po, ewan ko lang po sa anak n'yo." gusto ko mang magwala ay wala rin akong karapatan, palamunin lang ako dito at wala akong business na kayang ipagmalaki.

"Oh, Akihiro ayos lang ba sa'yo si Hana?" tanong ni Tito Ryo pero wala siyang nakuhang anumang sagot kay Akihiro, nanatili itong kumakain, hindi iniisip ang kabusugan. "Akihiro?" nagbabantang tawag ni Tito Ryo pero wala pa rin itong nakuhang sagot.

Still YouWhere stories live. Discover now