Chapter 38

21 2 2
                                    

Alas sais palang ng umaga ay abala na ang lahat para sa pinaghahandaang Love Event dito sa Waseda. Mamayang alas sais magsisimula ang event at matatapos mamayang alas dose ng gabi. Sabado naman bukas at walang pasok kaya makakapagpahinga pa rin ang lahat, pinasadya ko rin na mag day off ngayon dahil magpe-perform kami mamaya.

Puro first year students lang ang andito dahil abala ang mga 2nd year hanggang 4th year sa kanilang mga project at thesis. Kaya nga kapag first year college ka palang, enjoy-in mo na, first year ka lang hindi medyo busy, pagdating mo ng 2nd year hanggang 4th year, mababaliw ka na sa dami ng gawain.

"Ally!" yumakap mula sa likuran ko si Yuko. Abala kami dito sa field sa pagse-set up ng stage.

Tinigil ko ang pagkakabit ko ng mga letterings at humarap dito, "Bakit?"

Ngumuso ito at tumingala, "Wala akong ka-partner!" sigaw nito, animo'y bata.

"Para lang ba sa mag partner 'tong event na 'to?" asar ko, "Hindi ako na-inform ah," biro ko pa na mas lalong nagpalukot sa mukha nito.

"Alam mo naman dito 'di ba, babae ang nag e effort para sa taong gusto nila. Ang dami kong nakitang babae na may dalang chocolate na mukhang sila pa ang gumawa," napatango naman ako bilang pabor.

Dito sa Japan, kadalasan babae ang nanliligaw sa taong gusto nila. Nagbi-bake sila ng cake or gumagawa ng chocolate at ibibigay nila ito. Minsan naman ay ang nakasanayan nating mga Pilipino, na lalaki ang magfi-first move.

"Siya nga pala," sambit muli ni Yuko, "Meron palang ginaganap tuwing love event dito, 'couple of the night' ang tawag. Nagno-nominate ang mga students kung sino ang sa tingin nila ang pinaka-maganda at pinaka-gwapo na pwedeng maging couple, tapos," hindi ko na natapos ang gagawin ko at tuluyan nalang nakinig sa kwento ni Yuko.

"Tapos?" atat kong tanong.

Umupo ito sa hagdan sa gilid ng ginawa naming stage bago ituloy ang sasabihin, "Boboto ang lahat doon at kung sino ang babae at lalaki na may pinaka-maraming boto ang siyang tatanghaling couple of the night!" pagsabi'y pumalakpak pa ito.

"Akala ko naman kung ano, couple of the night lang naman, hindi couple forever," naglakad ako at kinuha ang mga letters na ididikit sa pader at nagsimula ulit na magtrabaho.

Kinakabahan ako para kay Akihiro ah.

"Kahit na couple of the night lang 'yon, grabe naman ang gagawin nila," saad nito saka muling lumapit sa akin.

Napatigil ako sa ginagawa ko at mabilis na humarap, "Ano?"

Pumikit ito at ngumuso, umaarteng may kahalikan, pinatunog pa n'ya ito bago magsalita, "Kisu!" (Translation: Kiss!)

Iya!!! (Translation: No!!!)

"Alam mo ba Ally, halos lahat ng tinatanghal na couple of the night every February ay nagkakatuluyan! Omg! Sino kaya ang tatanghaling couple of the night ngayong gabi!"

"Boboto na tayo!" masiglang saad ni Yuko sa akin habang naglalakad sa hallway ng Building 27, kung saan nakapaskil lahat ng nominees.

Marami ng estudyante ang nagsisimulang bumoto. Pumunta ako sa papel ng mga babae at nanguguna si Hana sa may pinaka may maraming boto.

"'Wag mo iboto 'yan," bulong ni Yuko sa'kin na galing sa papel ng mga lalaki. Hindi ko naman ito sinagot at tinignan nalang ang iboboto n'ya, "Amako Sara," ginuhitan ni Yuko ang katabi sa litrato nung Sara. Pagtapos ni Yuko ay si Sara rin ang binoto ko.

Nagtungo naman ako sa papel ng lalaki. Hindi nga ako nagkamali, nangunguna si Akihiro sa botohan.

Kahit na couples of the night lang 'yon, grabe naman ang gagawin nila...

Still YouWhere stories live. Discover now