Chapter 1

134 20 17
                                    

Alexis POV

"Congratulations anak! Proud na proud si Mama sayo!" bati ni Mama sa akin sabay yakap. Kaka-graduate ko lang ng senior high at take note, with Honors pa. Nagkaroon kami ng maliit ma salu-salo, nagluto si Mama ng pancit at spaghetti na paborito ko. Kasama ko rin ang pinsan ko na si Madisson na kasabay ko ring grumaduate.

"Kain na tayo!" sigaw ni Madison sabay kuha ng plato at tinidor na ginaya naman namin at nagkanya-kanyang sandok. Sa kalagitnaan ng pagkain ay napayuko ako, at ngumiti ng mapait.

Sa totoo lang, hindi ako sobrang masaya dahil naka-graduate na ako. Hindi kasi ako tulad ng iba na may papasukan ng school sa kolehiyo dahil may kakayahan silang makapasok kahit saan nila gusto dahil nga may pera sila. Katulad nitong pinsan ko, sa isang sikat na University sa Manila mag-aaral. Samantalang ako? Nahihiya ako na mag demand sa nanay ko kung saan ko gusto mag-aral dahil alam ko naman na wala siyang kakayanan na paaralin pa ako ng kolehiyo. Eighteen years old naman na ako at pwede na magtrabaho, maghahanap nalang siguro ako para mabuhay kaming dalawa. Kami lang naman ang magkasama dahil nung walong taon palang ako ay iniwan na kami ng tatay ko, hindi na rin nakapag-asawa si Mama, inalagaan nalang ako.

Gabi na at papasok na ako sa kuwarto ko para magpahinga, inantok na rin ako dahil sa kabusugan. Pero bago pa man ako makapasok ay tinawag ako ni mama, "Matutulog ka na ba anak?" lumapit naman ako dito at umiling.

"Hindi pa naman po, bakit po?" naglakad si mama papunta sa sala, umupo siya dito at sinenyasan ako na sumunod, naupo naman ako sa harap nya at inantay siyang magsalita.

"Anak, alam kong gustong-gusto mo magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo, at alam mo rin na wala tayong kakayahan diba?" napayuko ako, totoo naman e kaya nga hindi na ako nagde-demand sa kanya dahil alam ko na wala kaming pera. "Gusto ko lang sana sabihin sayo anak na, may kaibigan ako na nagsabi na papaaralin ka nya" nanlaki ang mata ko at napatingin kay mama, sino naman kayang kaibigan 'yon at napakabuting kaibigan naman.

"K-kaibigan?" iyon lang nasabi ko, napatango naman si mama at inabot ang kamay ko.

"Kaklase ko sya nung 2nd year hanggang 4th year highschool, nakapagkolehiyo sya at nagtrabaho sa Japan, doon na rin siya nakapag pamilya." nangunot ang noo ko, ibig sabihin nasa Japan ngayon ang tinutukoy nyang kaibigan?

"Papadalhan po ba nya ako ng pera para sa mga bayarin sa school?" ngumiti si mama at tumayo sa inuupuan nya at lumipat sa tabi ko habang tinititigan ako ng mabuti.

"Hindi anak, napagdesisyunan namin na dalhin ka doon sa kanila at doon mag-aral. In-add nya ako sa fb at nakapag-chat kami, humindi man ako pero paano naman ang future mo?" napaiwas ako ng tingin, gusto ko mag-aral pero di ko naman inaasahan na sa ibang bansa pa. "Anak, pasensya na sa mga naging desisyon ko, pero iniisip ko ang kinabukasan mo. Papaaralin ka nya ng apat na taon at makakahanap ka na rin ng trabaho mo, sagot rin nya ang mga papeles na kakailanganin mo papunta sa Japan." walang anu-ano'y namuo ang luha ko. Gumawa ng desiyon si mama para sa akin ng hindi ko alam, inaalala lang nya ang kinabukasan ko.

"Paano ka dito, Ma?" tanging sambit ko habang patuloy naguunahan ang luha ko, pinunasan naman ako ni mama na namumuo na rin ang mga luha sa mga mata nya.

"Magta-trabaho ako anak, huwag mo akong aalahanin. May selpon naman ako at pwede tayong mag text text o chat chat diba?" napatango ako at pinunasan na rin ang mga luhang tumutulo sa mata ni mama.

"Huwag kang magkapagod Ma ah? Matulog ka sa tamang oras, mag-iingat ka dito." hirap kong sambit dahil sa sobrang pag-iyak. Papayag na ako na mag-aral sa ibang bansa para sa kinabukasan naming parehas ni Mama. Nangangako ako na magtatapos ako ng pag-aaral para masuklian lahat ng paghihirap ni Mama at mabayaran ang pagtustos sa akin ng kaibigan ni Mama.

"Matulog ka na anak at kakausapin ko lang ang kaibigan ko ah? Para mapag-usapan na namin ang pagtira at pag-aaral mo doon." ngumiti naman ako at pumunta na ulit sa kuwarto.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at napatulala sa bubong, wala naman kaming kisame e hehe. Pinangarap kong makapag kolehiyo pero hindi ko naman akalain na sa Japan pa ako makakapag aral. Sa totoo lang, medyo may ideya naman na ako tungkol sa bansang Japan dahil isa iyon sa gusto kong bansa, dahil napaka disiplinado ng bansa nila. Hindi ko naman akalain na may kaibigan pala si Mama doon at naisipan pa akong paaralin doon sa kanila, napakabuti naman ng kaibigang iyon ni mama, solid siguro sila noong kabataan nila, sana lahat ng kaibigan ganon. Isa lang siguro ang anak noon at sobra sobra pa ang pera nila kaya napag desisyunan nilang magpaaral pa ng isa hahaha.

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pagtawag sa akin ni mama mula sa labas. Dahan dahan naman akong bumangon, kinusot kusot ko pa ang mata ko dahil nanlalabo pa ito, di kalaunan ay nasilayan ko na ang ngiti ni Mama.

"Bakit po ma? Ang aga aga ang ganda ng ngiti mo." pumunta naman si mama sa kusina at inilagay ang pandesal at kape sa lamesa, sumunod naman ako umupo.

"Nag-usap na kami ng kaibigan ko, magpapadala sya ng pera ngayon at bukas na bukas ay kukuha na tayo ng passport mo, in-enroll ka na ni Celestine para makakuha ka na agad doon ng Student Visa. Ii-scan lang natin ang mga card at form 137 mo para si Celestine na ang magbigay doon, si Celestine ay yung kaibigan ko na tutuluyan mo doon, nakalimutan ko palang sabihin sa iyo." napaka swerte naman ni Mama at nagkaroon sya ng kaibigang ganoon, hindi ako makapaniwala na may tao pa ring ganoon, mapapa-sana all ka nalang talaga. "Ano bang kurso ang kukunin mo anak?" napakamot naman ako bigla, gusto ko kunin ang AB Communication, kaso baka walang kurso yon doon.

"A-ah, AB Communication sana ma e, pero kahit ano nalang mapili ng kaibigan mo, ayos lang, kung ano nalang available doon sa school na papasukan ko." tumango naman si saka tumayo, aalis na ata siya. "Nga pala ma, saan ba sila banda sa Japan?" biglang tanong ko habang nginunguya ang pandesal.

"Sa Tokyo" agad na sumilay ang magandang ngiti mula sa akin, sa gustong lugar ko pa ako makakapunta. "Doon sila banda sa Shinjuku, mag-aral kang mabuti anak ah? Magpakabait ka kay Celestine, mabait 'yon sobra." tumango naman ako dito, umalis na si Mama para kunin ang perang ipapadala ng kaibigan nya.

"Pangako Mama, mag-aaral ako at dadalhin kita doon, uuwi muna ako dito para ipakita ang diploma at medalya na nagsisilbing katibayan na nakapagtapos na ako."

..................................................................................

Don't forget to Like, Vote and Comment! Arigatou!  ❤

Still YouWhere stories live. Discover now