Chapter 16

25 2 2
                                    

Alexis

"Alexis, hija? Ready ka na ba?" excited na bungad ni Tita Celestine pagbaba ko.

"Opo, Tita. Kabado ng kaunti pero kaya naman po siguro hehe." kamot ulo kong sagot saka ibinaling ang tingin sa salamin na nakadikit sa pader dito sa sala.

Unang pasukan na namin ngayon. Isang buwan at kalahati na rin ang nakalipas mula nung naligaw ako at sinundo ni Akihiro. Mama, papasok na po ako. Uuwi ako ng Pilipinas bitbit ang diploma at medalya na pinangako ko. nangiti ako nang maisip si Mama.

"Antayin mo si Akihiro ah? Mabagal talagang kumilos ang isang 'yon. nakangusong wika ni Tita. "Bagay na bagay sayo ang damit na binili natin sa Mall!" abala si Tita sa pagtitingin ng damit na binili namin noon. Medyo maluwag na denim pants ito at tinack-in ko sa white lose shirt ko, naka white converse din ako na sapatos.

Matagal tagal din kaming hindi nagkita ni Tita Celestine dahil abala ito sa trabaho. Aalis ito ng maaga at uuwi ng late na kaya hindi na kami nagkakaabutan. Sinadya nyang maglaan ng oras ngayon para masilayan ang unang pasukan namin.

"Jaa mata ne!" maya maya lang ay sumisigaw na si Aiyumi na angat na angat ang ganda na sinamahan pa ng napakacute nitong uniporme. Kumaway naman kaming parehas ni Tita. Kumaway rin ito saglit at umalis rin agad.

"Hija, huwag kang lalayo kay Aki ah? Mag chat ka sa kanya kung nasaan ka para hindi ka maligaw ulit. Mahirap na." hinawakan ni Tita ang magkabila kung pisngi at halata sa mukha nito ang pag-aalala. Nalaman niya pala na naligaw ako nung gabing 'yon dahil nagsumbong si Aiyumi. Muntik nya pang pagalitan non yung tatlong magkakapatid pero nagsabi ako na ako rin ang may mali kaya naayos naman agad.

"Opo, Tita. Thank yo-"

"Tara na." hindi natapos ang pasasalamat ko nang sumulpot si Akihiro sa gilid namin. Sandali pa akong natulala sa itsura nito.

Bakit lahat ng isuot niya ay bagay sa kanya? Unfair!

Nakasuot ito ng medyo maluwag rin na black pants na itinupi sa dalawa ang magkabilang baba, naka plain white T-shirt din ito pero pinatukan nya ito ng black na jacket pero nakabukas ang zipper sa gitna.

"Alexis?" ilang beses akong napapikit at napaawang nalang ang bibig kay Tita. Nabigla. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito.

"A-ah, opo!" nauutal kong sagot. Dinampot ko agad ang bag ko na nasa sofa at sinabit ito dali-dali sa likuran ko. "Alis na po kami. Thank you po! Bye!" mabilis kong wika. Kumaway nalang si Tita at nauna na akong lumabas ng pinto. Naramdaman ko namang sumunod si Akihiro.

Tahimik lang kami na nagpunta hanggang sa Shinjuku Station. Nauuna akong maglakad dito kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa nito. Masyado akong abala sa mga tao na andito, halatang karamihan dito ngayon ay mga estudyante. Ang may mga uniporme dito ay mga Highschool lamang at ang ibang nakaporma ay mga kolehiyo na. Wala kasi kaming uniporme na, depende lang siguro sa school na papasukan mo.

"Itigil mo nga yang habbit mo." napahinto ako sa pagikot ng paningin sa paligid nang magsalita si Akihiro. Inantay ko itong makapantay sa akin bago ako magtanong.

"Anong habbit?"

"Yung pag-ikot ng ulo mo. Para kang ignorante." napahinto ako ng ilang segundo dahil sa sinabi nito pero agad ring nahimasmasan nang mauna itong pumasok sa loob ng tren.

"Hindi ako ignorante, namamangha lang." inis na bulong ko habang naglalakad at naghahanap ng mauupuan sa loob ng tren pero bigo kaming makahanap dahil puno na ito kaya napagdesisyunan nalang namin na tumayo.

"Kumapit ka nalang dyan." bahagya niyang inangat ang ulo niya at sinisenyas ang pole na kakapitan ko. Dumiretso naman ako dito at kumapit agad. "May dala ka bang jacket?" mahinang tanong nito nang hindi man lang tumingin sa akin.

Still YouWhere stories live. Discover now