Chapter 21

19 1 0
                                    

Akihiro

Hindi ko akalain na sobrang lakas ng trip ni Alexis pag may hang over. Pilit kong nilalabanan ang kaba ko habang andito sya ngayong sa harapan ko, nakatingala sa akin at nakangisi.

Kaiiyak lang niya kanina at halos humagulhol pa ito kakahingi ng sorry tapos eto siya ngayon, ngingisi-ngisi at sobrang lakas ng trip.

Bat kinakabahan ka kanina?" nang-huhuli nitong tanong.

Bumuntong hininga ako bago sumagot dito. "No. I'm not. Umalis ka na diyan sa harap ko." sobra sobra na ang kaba ko at pag lumapit pa ito ay baka marinig niya na ang puso kong sasabog na sa sobrang kaba.

"At bakit? Kinakabahan ka ba?" pag-uulit nito. Asar lang Alexis, pag ikaw inasar ko, iyak ka talaga.

"Hindi. Umalis ka na dyan, Alexis Reign." maawtoridad kong tugon dito. Mabuti nalang at hindi niya napapansin ang kaba ko. Nakakaramdam na ako ng inis hindi dahil sa ginagawa niya. Naiinis ako dahil parang nababakla ako at nato-torpe. Parang baliktad yung naganap sa amin kesa sa kadalasang nangyayari sa mga palabas.

Nabigla naman ito sa pagtawag ko ng buo sa pangalan nito. "Ngayon mo lang akong tinawag sa buong pangalan ko ah? Akihiro Kento." may diin nitong wika.

Ayaw na ayaw ko na tinatawag ako sa buong pangalan. Di ko masyado gusto ang name na Kento, at kahit tanungin mo ako kung bakit ay hindi ko rin alam ang isasagot.

Nilabanan ko ang titig ni Alexis at bahagyang nagulat nang tumawa ito. "Oh siya, kumain na tayo hahaha! Kabado ka masyado e." tinalikuran na ako nito at akmang papasok sa kusina pero hindi pa man ito tuluyang nakakapasok ay nahipa ko na ang pulso nito at mabilis na naisandal ang katawan nito sa pader.

Ngayon ka ngumisi sa akin, Alexis. Gustong gusto ko ang ngisi mo. Yung ngising ayoko ng makita sa iba.

"A-anong g-ginagawa m-mo?" utal nitong tanong sa akin, kinakabahan.

Nginisihan ko naman ito at marahang lumapit.  "Kinakabahan ka ba, Alexis Reign?" pang-gagaya ko sa mga aksyon nya kanina.

Mas lalo ko itong nilapitan at nakita ko naman ang sunod sunod na paglunok nito. "H-hindi a-ah. U-malis ka nga d-dyan." mabilis kong nilapat ang kaliwang kamay ko sa pader at ipinanlaki ng mata nito.

Gusto ko na ring matawa sa mga reaksyon niya pero hindi ko siya katulad na mabilis matawa. Kung pagiging seryoso lang ang labanan, mananalo na ako.

Muli kong inilapat ang kanang kamay sa isang gilid nito para makulong ito ng mga braso ko. Bahagya ko naman nilapit ang mukha ko dito kaya rinig na rinig ko ang mabilis niyang paghinga.

"Di ka aalis?" lakas loob na tanong nito. Pero mas lalo ko lang itong inasar at mas lalong nilapit ang mukha ko sa mukha nito.

"Dalawa lang naman tayo ngayon dito e." seryosong saad ko dito. Sa susunod na mang-asar ka pa, Alexis, dodoblehin ko ang pang-aasar sa'yo.

Mariin itong napapikit habang lumalapit ako. Napangisi naman ako sa itsura nito. Parang hinanda na ang sarili sa anumang mangyayari.

Nilapit ko ang mukha ko sa tenga nito at saka bumulong. "Mataas ang respeto ko sayo, Alexis. Magtapos muna tayo." seryosong wika dito bago umalis at tuluyang pumasok sa kusina.

Masyado niyang mahal ang Mama niya. Mahal niya ang nga nasa paligid niya at nirerespeto niya ang mga tao dito.

Kung may mangyaring masama sa kanya dito sa Japan at ako ang dahilan non, ano nalang ang gagawin sa akin ng magulang ko.

Bahagya akong napaisip sa pinag-usapan namin ni Mama sa kwarto namin ni Seiko noong unang salta palang ni Alexis dito.

'Oni-chan.' (Brother)

Still YouWhere stories live. Discover now