Chapter 4

45 14 14
                                    

Lumipas na ang ilang linggo pero parang pakiramdam ko ay ilang taon na akong andito. Huling araw na nang Abril, wala akong ginawa kundi ang maglinis ng bahay. Wala dito si Tita Celestine dahil may pasok siya, teacher siya sa isang School dito sa Shinjuku at Grade 5 students ang hawak niya kaya ganoon nalang ang pagkahilig ni Tita sa mga bata. Mayo na kaya medyo abala na si Tita dahil start na nga ng enrollment dito sa Japan. Minsan naman ay naaabutan ko ang asawa ni Tita Celestine galing trabaho, si Tito Yuri Ryo. Matangkad ito at sobrang puti, kahit na medyo may edad na ay halata mo pa rin ang gandang lalaki nito, hindi na nakakapagtaka kung bakit ang gagandang lalaki at babae ng anak nila Tita, ang gaganda ng lahi e, pipe nga lang ang isa nilang anak.

Alas dos na nang hapon at andito ako ngayon sa kusina nagkakape. Parang kaunting kape nalang ay magpa-palpitate na ako dahil sa sobrang kape. Minsan nga ay ginugulat ako ni Aiyumi at halos himatayin ako dahil sa panggugulat niya. Nakikisabay naman minsan si Kuya Seiko at inaasar din ako, si Akihiro lang naman ang walang pakealam sa mundo.

Abala ako sa paghigop ng kape nang dumating si Akihiro, magkakape rin ata. Napatingin ito sa akin kaya napatayo ako.

"Gusto mo ba ng kape?" huli na nang mapagtanto ko kung ano yung tinanong ko.

Sinundan ko ito ng tingin ng umupo ito sa upuan at tumingin sa akin, "Oo." mga ilang segundo ako natulala bago ako kumilos. Halos manginig pa ako habang nagtitimpla ng kape, mamaya kasi ay hindi niya magustuhan ang timpla ko at bigla niyang ibuhos sa akin ang kape diba? Parang maarte pa naman ito sa mga pagkain at inumin, psh.

Inabot ko ito sa kanya at umupo sa tapat niya. Hindi pa rin kasi ako tapos magkape, sayang naman kung iiwan ko 'to dito.

"Mamayang alas singko ay tuturuan kita mag-aral ng Japanese." halos mabilaukan pa ako dahil sa sinabi niya. Iyon na ata ang pinakamahabang salita ang narinig ko mula sa kanya.

"S-saan?" bagamat hirap ay pinilit ko pa ring magtanong, umuurong ang dila ko pag nakikita ko 'tong pangalawang anak e.

Inilapag muna nito ang tasa bago ito sumagot, "Sa kuwarto mo." hindi ko alam kung bakit parang iba ang dating sa akin ng sagot niya, parang may diin sa bawat salita niya na para bang pinapamukha niya sa akin na dati niya iyong kuwarto na gamit gamit ko na ngayon.

Sa huli ay wala akong nagawa kundi ang tumango. Tumayo naman ito at iniwan ang tasa sa lababo, tumayo na rin ako para hugasan ang pinagkapehan namin.

Nakalimutan kong naghabilin pala si Tita Celestine sa kanya na tuturuan niya ako mag-aral ng Japanese pagpasok ng Mayo, ang ulyanin ko talaga kahit kailan.

Nagising ako dahil may kumakatok sa kuwarto ko. Bumangon ako para pagbuksan kung sino yung kumakatok sa akin, baka si Tita Celestine ito. Mabagal bago ko nabuksan ang pinto, antok na antok ako dahil medyo malamig din, mabilis kasi ako makatulog pag malamig.

Pagbukas ko ng pinto ay halos mapalundag ako dahil sa taong nasa harapan ko, si Akihiro. May mga dala itong libro at ballpen. Nang makita ko iyon ay saka ko lang naalala na tuturuan niya pala ako.

"P-pasok ka!" mabilis kong sambit habang isinisenyas ang kamay na nagpapasok. Nilagpasan naman ako nito at diretsong umupo sa study table. Lumabas muna ako ng kuwarto para pumunta sa CR, pagpasok ko ay nagmadali akong mag toothbrush at magsuklay.  Sobrang nakakahiya, tayu tayo pa man din ang buhok ko at parang dry na dry, siguro kung may mahulog na butiki dito ay siguradong patay.

Dahan dahan akong pumasok sa kuwarto at andon pa rin si Akihiro sa study table, naka cross arms. Tumabi ako dito at inayos ayos pa ang buhok ko, baka tayu-tayo pa kasi e hehe.

"Ano nang pag-aaralan natin?" pagbukas ko ng usapan. Binuksan naman nito ang libro at halos mahilo ako dahil puro Japanese ang sulat nito. Kumuha sya ng bond paper at may sinulat doon.

Still YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant