Chapter 26

23 2 0
                                    

Alexis

Hindi nga nagkamali ng sinabi ang Nurse kahapon na sasakit ang katawan ko sa nangyaring aksidente kahapon. Dahil nang akma akong babangon kanina ay hindi na ako nakatayo ng maayos at iniinda na ang sakit ng katawan at ulo.

Hindi ako nakapasok at habang nag-aalmusal ay nagalit pa si Tita Celestine kay Akihiro, sinisisi ito sa nangyari sa akin. Balak pa nga ni Tita na pumunta sa campus at ipa-imbistiga ang nangyari sa akin. Pinigilan ko naman ito at sinabing ayos lang ako at hindi dapat si Akihiro ang sisihin dahil wala naman itong alam sa nangyari.

Ayokong magkagulo ang mga tao dito dahil lang sa akin. Pinatira lang nila ako dito at pinaaral. Hindi na dapat ako maging pabigat sa kanila, lalo na kay Akihiro.

Kaya ganoon nalang ang kadiretso magdesisyon na umuwi nalang ng Pilipinas. Hindi ko akalain na may mga desperadang babae pala ditto at parang si Hana lang naman ang nakitaan ko ng pagiging desperada dito sa Japan. Gagawin ang lahat makuha lang ang lalaking gusto.

“Tadaima.” napahinto ako sa pagwawalis nang mahimigan ang boses ni Kuya Seiko. Nagtungo ako malapit sa pinto at napangiti nalang nang matanawan ito na nagpapalit ng sapatos. (Translation: I’m home.)

“Hi Kuya Seiko! Hisashiburi!” bati ko rito. (Transalation: Long time no see!)

“Ah. Hisashiburi.” tugon nito saka dumiretso sa kusina.

Matapos itong sundan ng tingin ay muli kong ipinagpatuloy ang pagwawalis. Ngayon ko nalang ito muling nakita, lagi kaming nagkakasalisihan dahil abala ito sa school na pinapasukan nito sa Keio University at sa banda nito. Umaga na ito umuuwi at maaga ring naalis.

Hindi naman na ito bago sa mga Hapon. Halos lahat naman ditto ay kulang sa tulog dahil abala ang mga ito sa trabaho. Kaya kahit puyat ang mga ito ay on time pa rin papasok. Ito ang maganda sa bansa nila, nirerespeto nila ang oras ng bawat isa.

“Nga pala, anong nangyari sa ulo at katawan mo?” napatigil ako sa pagpupunas ng bookshelf at nilingon si Kuya Seiko. “Huli ko na nang mapagtanto na naka-bendahe ka. Pagpasok ko na sa kusina.” pagkasabi nito ay prente nitong nilagay ang dalawang kamay sa mga bulsa nito at diretsong tumingin sa akin, nag-aantay ng sagot.

Itinigil ko ang pagpupunas at nilagay ang basahan sa gilid at iika-ikang naglakad malapit sa sofa at umupo. “A-ah. Naaksidente po ako kahapon sa event namin sa campus.”

“Anong klaseng aksidente?” nanunuri nitong tanong. “Gusto ko lang sabihin sa’yo na kumukuha ako ngayon ng BS Psychology. Mind reader ako hahaha.” naiilang naman akong natawa rito habang nagkakamot sa ulo.

“A-ah, nasagi po ako ng estudyante don sa campus n-namin.” biglang sagot ko rito. “Pero di naman po s-sinasadya ‘yon hehe.” hindi ko alam kung bakit pinagtatakpan ko pa ang ginawa ni Hana. Siguro nga’y dahil may awa pa akong natitira sa taong walang konsensya.

“Honto? Hmm. I don’t think so huh?” nagpaikot-ikot ito sa kinatatayuan nito habang hawak ang baba, batid mong hindi naniniwala sa sinasabi ko. (Translation: Really?)

“A-aksidente l-lang po t-talaga.” pagkumbinsi ko rito.

“Sabihin mo sa’kin kung sino ang may gawa sa’yo n’yan at magpapa-imbistiga ako.” tumigil ito sa pagikot at seryosong tumingin sa akin. Hindi naman ako nakapagsalita agad, nabigla sa sinabi ni Kuya Seiko. Mukhang hindi nga ito naniniwala sa sinasabi ko at nagdududa ito.

Sasagot na sana ako nang biglang sumulpot si Akihiro at diretsahang umupo sa tabi ko. “No need, Seiko. Kaya ko naman i-handle yung problemang ‘to.” kampanteng sagot nito.

Ngumisi si Kuya Seiko bago ito magsalita. “Ikaw ba kausap ko?” iritang tanong nito.

“Schoolmate ka namin?” bara ni Akihiro sa kanya.

Still YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora