Chapter 14

31 2 2
                                    

Tahimik kaming kumakaing tatlo dito sa kusina. Magkatabi kami ni Kuya Seiko at katapat ko si Akihiro. Halos hirap akong lunukin ang kinakain ko dahil sa kakaibang kinikilos ng dalawa.

Sinadya kong kontian ang pagsandok sa pagkain para mabilis akong matapos. Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng juice nang buksan ni Kuya Seiko ang usapan.

"Anata to nani ga machiga~tsu te i masu ka?" nakangiting sambit nito pero halata mo sa mga ngiting ito ang pagtitimpi. (Translation: What's wrong with you?)

Nginisihan lang ito ni Akihiro bago ito magbalik ng tanong dito. "Anata to nani ga machiga~tsu te i masu ka?" sarkastikong ulit nito saka tumungo para ipagpatuloy ma ulit ang pagkain.

Dali-dali kong niligpit ang pinagkainan ko at hinugasan na ito. Kahit na gumagamit sila ng lengwahe nila ay naiintindihan ko na ito kahit papaano. Si Kuya Seiko lang ata ang nakakaalam na nakakaintindi na ako ng Nihonggo.

"Watashi wa anata ni keikoku shi te i masu." napatigil ako sa sinabi ni Akihiro. Naramdaman kong tumayo ang isa sa kanila pero hindi ko alam kung sino dahil hindi ako makalingon. (Translation: I am warning you.)

Lumapit sa akin si Akihiro para ilapag ang pinagkainan niya at nilagay ito sa aking gilid. Naramdaman kong dinaanan ako nito ng tingin, napayuko naman ako lalo at minadali ang paghuhugas. Umalis naman ito agad na ikinahinga ko ng maluwag. Ano bang nangyayari sa kanila?!

"Dōshite?" muling tanong ni Kuya Seiko dito. Hindi naman ako makaalis agad dahil hinugasan ko naman ang pinagkainan ni Akihiro. Pahuli-huli kasi e! reklamo ko sa isip ko habang pinagpatuloy ang paghuhugas. "Watashi to kyōsō shi tai desu ka?" sarkastikong tanong ulit nito. (Translation: Do you want to compete with me?)

Agad kong sinalansan ang mga hinugasan ko at nagmadaling lumabas. Bagama't nag-uusap sila ng lengwahe nila ay medyo naiintindihan ko pa rin ang ibig sabihin nito, ang hindi ko maintindihan kung ano o sino ang pinagtatalunan nito.

"Watashi wa anata to kyōsō shi taku nai." mahinahong saad ni Akihiro, nananatiling kalmado. Kahit sino sigurong makaaway nito ay susuko agad dahil wala man lang itong pinapakitang takot, kaba at emosyon. (Translation: I don't want to compete with you.)

"Naze anata wa watashi ni keikoku shi te iru no desu ka?" halata sa tono ni Kuya Seiko na napipikon na ito pero nananatili pa ring nakangiti ito ng peke. (Translation: Why are you warning me, then?)

Hindi ko na kayang makinig sa usapan nila dahil halatang nagkakainitan na ito at hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanila. Agad akong lumabas ng kusina at dire-diretsong pumunta sa kuwarto at nagkulong.

Agad kong ni-lock ang kuwarto at isinandal ang katawan sa pinto. Wala akong alam pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Naiintindihan ko ang usapan nila pero hindi ko alam kung sino o ano ang pinag-uusapan nila.

Lumipas na ang ilang linggo at patuloy ko lang na tinuturuan si Kuya Seiko. Mabuti na lamang at hindi ito mahirap turuan at agad na nakabisado ang mga chords at kaya na nitong sabayan ang ritmo ng isang kanta.

Kapag may libreng oras ay naiisingit ko pa rin ang pag-aaral ng Nihonggo at masasabi kong nag-improved na ako. Mga malalalim na salita nalang ang dapat na aralin ko at ang tamang pagbigkas ng isang salita. Nangangailangan pa rin ako ng gabay sa pag-susulat dahil napakahirap nito lalo na ang Kanji. Hiragana at Katakana lang ang kabisado ko pero hindi ang Kanji.

"Ate Alexis, gusto mo nitong Sakura Daikon?" alok sa akin ni Aiyumi habang nasa loob kami ng Music Studio at inaantay lang si Kuya Seiko.

Napatingin naman ako sa inalok niyang pagkain at dumukot ng isa para tikman ito. Napatango naman ako agad nang magustuhan ang lasa nito.

Still YouWhere stories live. Discover now