Chapter 29

13 2 2
                                    

Akihiro

Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Kahit lasing ako ay alam ko ang sinabi ko. At ang hindi ko lang alam sa ngayon ay kung ayos lang ba kay Alexis iyon. Napakatorpe mo naman kasi e!

"Oh Akihiro, hindi ka pa ba matutulog? May pasok pa kayo bukas?" tinignan ko si Mama na nagpupunas ng kamay dahil katatapos lang maghugas. Parang ngayon ko nalang nakita si Mama dito sa bahay, minsan lang ko sila makita dito kahit linggo dahil abala sa paper work bilang teacher.

"A-ah, hindi pa po. Magkakape po muna ako." lusot ko. Saka tumayo para kumuha ng tasa at magtimpla.

"Baka hindi ka makatulog n'yan ah?" nakangiti nitong tugon sa akin. Nilingon ko ito at takang tinignan, "Alam kong malihim kang tao pero hindi ka pwede maglihim sa akin?" nanunukso nitong sabi.

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. "Ano pong sinasabi n'yo?" nagtungo na ako sa mesa at humigop ng kape.

"Tinutupad mo na ba ang sinabi ni Mama sa'yo dati?" bahagya kong inilapag ang tasa sa mesa nang sabihin ito ng Mama.

"Ang alin?" patay malisya kong sagot. Hinila ni Mama ang upuan na nasa harap ko at hinarap ako.

"May gusto ka na ba kay Alexis?" bigla akong napaubo kaya kinuha ko ang kape at hinigop pero napaso ako.

"Atsui!" singhal ko. Aware naman na ako na iyon ang tinutukoy ni Mama pero parang sobrang bilis naman, hindi man lang nag segway! (Translation: So hot!)

"Hot seat ba? Hahaha!" natatawang tanong ni Mama. Hindi ko naman ito sinagot at nanatiling seryoso. "Okay. Kahit hindi mo sagutin yung tanong ko ay ayos lang, alam ko naman na ang sagot."

"What? Dinidiktahan n'yo ba ako, Ma?" naiirita kong sambit. Nahihiya ako na umamin, at sa mismong nanay ko pa. Baká! (Translation: Stupid!)

"Hindi kita dinidiktahan, anak. Puso at isip mo ang nagdikta." napatikom akong bigla sa sinabi ni Mama. "Pero gusto ko lang sabihin na 'wag mong antayin na may ibang tao na mauna kay Alexis ah? Huwag na huwag kang magsisisi. Alalahanin mo, never nauna ang pagsisisi, lagi itong nasa huli." pagsabi'y tumayo na si Mama at tinalikuran ako. "Oyasumi, Oni-chan." (Translation: Good night, Akihiro.)

Naiwan akong tulala at nag-iisip. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula at aamin. Masyado akong nato-torpe at natatakot. Mother knows best nga talaga.

Pero gusto ko lang sabihin na 'wag mong antayin na may ibang tao na mauna kay Alexis ah? Huwag na huwag kang magsisisi. Alalahanin mo, never nauna ang pagsisisi, lagi itong nasa huli.

Pero gusto ko lang sabihin na 'wag mong antayin na may ibang tao na mauna kay Alexis ah? Huwag na huwag kang magsisisi. Alalahanin mo, never nauna ang pagsisisi, lagi itong nasa huli.

Pero gusto ko lang sabihin na 'wag mong antayin na may ibang tao na mauna kay Alexis ah? Huwag na huwag kang magsisisi. Alalahanin mo, never nauna ang pagsisisi, lagi itong nasa huli.

Tumayo ako at kumuha ng hotdog. May ulam pa naman kami pero baka ito ang gusto ni Alexis. Kumuha ako ng lima at niluto ito. Alas dyes na pasado at maya-maya lang ay uuwi na ito. Tama, dito ko dapat simulan. Paghandaan ang babaeng gusto mo.

Alas onse kinse na pero wala pa ring Alexis na nadating. Naubos na ang kape ko at wala na akong balak mag refill dahil hindi na ako makakatulog. Lumamig na ang hotdog na niluto ko at baka mawalan na ito ng gana dahil malamig na. Baka may lalaki na s'ya? dali-dali akong tumayo at binuksan ang pinto. Wala pa si Alexis. Baka nga may lalaki na s'ya. Marahan kong sinara ang pinto at tulalang tumayo sa harap ng pinto.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon