Chapter 18

23 2 0
                                    

Lumipas na ang ilang buwan. Walang pagbabago, walang nagbago. Parati pa rin kaming nagatatalo ni Akihiro at kung minsan naman ay nagpapakita ng motibo na nagdudulot ng pagkabaliw ko.

Hindi ko alam kung ako lang ba ang nagkakagusto dito, baka ito rin. Desperada mang pakinggan pero bilang babae ay iyon ang nararamdaman ko. Masyado siyang sweet kung minsan lalo na dito sa bahay, minsan naman ay sa school pero ako ang kusang umiiwas. Natatakot na mapag-usapan ng lahat.

"Alexis, may meeting daw mamaya sa office." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Yuko. Sabay kaming umupo dito at nilapag ang tray sa mesa. Andito kami sa canteen dahil break namin.

"Para saan daw?" tugon ko sabay subo ng fried chicken.

"Hindi ko rin alam e. Ang sabi niya ay may ia-announce daw si Sir." napatango nalang ako dito at ipinagpatuloy ang pag-nguya.

Isang buwan na rin ang nakalipas mula nang pumasok kami ni Yuko sa McDonald's. Parehas kaming nakapasa at na-assign ako sa front counter at si Yuko naman ay sa may drive thru.

Alas singko ng hapon ang pasok namin at uuwi ng alas dyes ng gabi. Halos hindi na ako makakain tuwing gabi dahil sa pagod. Pagod ang utak mo sa school, pagod rin ang utak mo sa pag-compute, pakikipag-usap sa costumers na yung iba ay mainitin pa ang ulo, at pagod ka rin sa kakaisip kung paano mo mari-reach ang quota.

Pinayagan naman ako ni Tita Celestine pero sapilitan pa iyon. Ayaw niyang magtrabaho ako dahil nga daw nakakapagod iyon, kaya naman daw nilang i-provide ni Tito Ryo ang lahat. Pero sinabi ko nalang dito na kailangan ko ito para magkaroon ng ipon at makapagpadala kay Mama kahit papaano. Experience rin ang isang 'to kaya napilitan nalang silang pumayag.

Pero kada uuwi ako ng bahay at aalis agad para pumasok at uuwi na ang bigat bigat ng katawan ay parang gusto ko nalang mag-resign at maglinis nalang dito sa bahay. Masasabi ko talagang nasa huli ang pagsisisi. Pero wala e, ginusto ko 'to, aatras pa ba ako?

"Tapusin mo na 'yan para makapagpahinga ka na muna." malamya kong tinignan si Akihiro. Nawalan ako ng ganang makipag-asaran dito mula nang magtrabaho ako.

Tumayo na ako matapos kumain. Pumunta ako sa lababo at akmang maghuhugas pero hinawakan ni Akihiro ang plato ko at inagaw ito sa akin.

"Ako na." saad nito saka sinimulang maghugas. Hindi naman na ako sumagot dito at umupo nalang sa mesa at tumulala.

Mabuti nalang at wala kaming masyadong homework ngayon. Puro kami activities ngayong buwan ng Nobyembre, registration ng club kumbaga. Dapat kada isang freshman ay magre-register sa isang club doon.

Sa susunod na linggo ang start ng registration. Puro lang kami ngayon seminar about sa mga club. Like, sa sport, bubuo dapat ng isang team sa isang classroom at maglalaban laban ang bawat course. Syempre, ichi-cheer ninyong mga kaklase. Regular student naman kami halos lahat dahil puro matatalino nga naman ang tao dito. Iilan lang ang block section o irregular, sila na ang bahala kung saan sila kakampi o makikigrupo.

"Aki." mahinang tawag ko dito. Sumakto namang tapos na ito maghugas kaya naupo ito sa harap ko.

"Nani?" (Translation: What?)

"Baka late akong umuwi mamaya." mabilis na nangunot ang noo nito pero hindi ko ito inintindi.

"Bakit?"

"May meeting kami mamaya. Siguro mga 12am na ako makakauwi." sabi ko saka binuksan ang cellphone at tinignan ang oras. "Magbibihis na ako. 3:54 na pala." tumayo na ako at lumabas ng kusina.

"S-sunduin nalang kita mamaya." napatigil ako sa paghakbang at nilingon ito. "A-ah, kung ayos lang naman sayo." napakamot ito sa batok niya.

Bumuntong hininga naman ako dito bago sumagot. "Bahala ka." matipid kong wika dito at umakyat na papuntang kwarto.

Still YouWhere stories live. Discover now