Chapter 7

37 11 6
                                    

Nakalipas na ang ilang araw pero sariwa pa rin lahat ng sinabi ni Akihiro sa akin. Sobra akong nailang sa kanya, marahil siguro na sobrang obvious na ang mga kinikilos ko nung araw na 'yon.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa isang Akihiro Kento Kasuga 'diba? Sobrang lakas ng dating nito at mukhang matalino pa. Sadyang mapang-asar lang talaga ito kung minsan.

Ilang araw din ako nag self study para matutunan ang mga basic Japanese words. Nahiya akong magpaturo kay Akihiro dahil baka makaistorbo pa ako sa personal life nya. Mabuti nalang at kasangga ko si mareng google at mga libro ni Aki na naiwan dito.

Sinadya kong hindi mag almusal dahil aalis ako ngayong tanghali. Pupunta ako ng Takashimaya Shinjuku Department Store, Mall ito dito sa Shinjuku. May kailangan lang akong bilhin dahil nagbigay si Tita Celestine ng pera sa akin kahapon.

Dahan dahan akong bumaba ng hagdan. Hindi nila pwedeng malaman ni Akihiro na aalis ako. Nang sa tingin ko ay wala naman siya dito sa first floor ay dire-diretso na akong lumabas.

Sa moment na 'to ay magiging malaya ako kahit papaano. Dapat matuto akong lumabas mag-isa at hindi pwedeng umasa lagi kay Akihiro. Kasama ko naman si mareng Google Map, marunong na rin ako sumakay ng tren dahil nababasa mo naman ang signage.

Manghang-mangha ako na iniikot ang Mall. Hindi ko ito masyadong naikot noong nagpunta kami ni Tita dito dahil nahihiya akong mag-demand. Pero ngayon, ako lang ang mag-isa, kahit anong oras ako umuwi at kahit anong gawin ko ay ayos lang dahil wala akong nabubulabog na iba.

Dumiretso ako ng Bookstore dito at namili ng mga libro. Bibili ako ng mga Novel dito para mahasa ako sa pagbabasa ng Nihonggo. The Tale of Genki ang pinili kong libro na babasahin, medyo matagal na itong story na ito pero tiyak na maganda ito. Bumili rin ako ng mga iba't ibang kulay na ballpen at mga libro, hilig ko kasi ang magsulat at magbasa.

Dumiretso na ako ng counter para magbayad. Bigla akong kinabahan, hindi pala ako gamay sa pagsasalita ng Japanese! Napapikit nalang ako sa katangahang ginawa ko.

Bakit ba ako nag mall mag-isa? inis kong sambit sa sarili, sobrang saya ko pa kanina tapos ngayon, hays.

Nilakasan ko nalang ang loob ko at lumapit nalang sa counter. Kabado ngunit nagpatuloy pa rin ako sa counter, nakangiti akong tinignan ng cashier.

"Kon'nichiwa Okusama!" mabuti nalang at iyon ang sinabi sa akin ng cashier, alam ko naman ang mga basic word dito hehe.

Nakangiti ko rin itong sinagot, "Kon'nichiwa!" sabay bow ng bahagya.

"Anata wa kara mashi ta ka ki doko?" biglang tanong nito, hindi inaasahan na magtatanong ito. Mabuti na rin lang at alam ko iyon, isa iyon sa mga basic words na nabasa ko.
(Translation: Where did you come from?)

"A-ah, Philippines."

Ngumiti naman ang cashier sa akin at saka tumango saka pinagpatuloy ulit ang pagbabalot sa librong binili ko.

"Oh, Firipin? You're so beautifur!" bahagya naman akong natawa sa sinabi niya, kahit na hirap ito magbigkas ng Ingles ay sinikap nya pa rin itong sinabi sa akin. Atleast maganda ako sa paningin nila 'diba?

"Really? You too! Thank you!" masigpa kong sagot, saka nagbayad at kinuha ang pinamili ko.

"Yesu! Yesu! Bye bye!" masigla ring tugon nito, medyo bata pa ito at parang part timer dito, pero bagay sa kanya ang pagiging cashier dahil sa pagiging masatahin nito.

Tumango nalang ako dito at kumaway saka umalis. Nakangiti kong nilisan ang Department Store. Nakakatuwa dahil literal na masayahin ang ilang Hapon dito, matulungin rin sila katulad ng mga Pinoy.

Still YouWhere stories live. Discover now