Chapter 17

19 1 0
                                    

Natapos na kaming kumain na nanatili akong tahimik. Kung ano ay bigla akong nakaramdam ng hiya. Naisip ko bigla kung bakit kailangan kong magalit ng sobra dahil lang sa hindi nya ako kinausap, gayon namang nung unang salta palang nito ay ganon na ang tungo nito sa akin at dapat ay sanay na ako sa ganon.

"A-ako n-na." halos mapiyok pa ako sa pagsasalita para maagaw ang plato at baso niya. Hindi naman ito nanlaban at nginitian lang ako nito. Mabilis ko namang iniwas ang mukha ko para hindi nito makita ang biglang pagpula ng mukha ko.

Akma na akong aakyat papuntang kwarto ng bigla akong mapatili nang maramdamang may humila sa pulso ko.

"Ang ingay mo naman." natatawang saad nito habang hawak pa rin ang pulso ko.

Sinamaan ko ito ng tingin at hinila ang pulsohan ko na hawak niya. Napaubo naman ito at ibinalik ang pagseryoso.

"Anong kailangan mo?" mataray kong tugon dito. Masama pa rin ang mukha.

"Sumunod ka sa akin." sagot nito saka naunang tumalikod para lumabas ng bahay.

Dinala niya ako sa bakuran nila, malapit sa may puno. Umupo ito sa may upuan at nag cross arms ito, animo'y gwapong gwapo sa sarili. Psh!

Lumapit ako dito at umupo sa katabing upuan nito. Nakatingin lang ito sa malayo at ninanamnam ang sariwang hangin. Dinama ko rin ang hangin at sininghot ito. Ang lamig sa ilong ah.

"Kilala ako sa school namin." diretso pa rin itong nakatingin sa malayo at prenteng naka-dekwatro.

"Anong kilala? Sa Waseda? Agad agad?"

"Mula pa Elementary." may halong yabang na sagot nito. "Nag transfer kami dito ni Seiko kasi sa Pilipinas kami nag-aral muna. Hanggang grade 1 lang ako at si Seiko naman ay hanggang grade 3."

"Oh tapos?"

"Pag-transfer namin dito ni Kuya ay nakilala agad kami." tumingin ito sa akin kaya napatingin din ako dito. "Well, pogi e." siniringan ko ito at inirapan. Yabang! "Mula elementary ay kilala na kami, kaya 'wag ka ng magtaka kung bakit hanggang ngayon ay kilala kami."

"Anong konek non sa hindi mo pagpansin sa akin kanina?" putol ko sa pagyayabang nito. Naglapat naman ang dalawang bibig nito at tila nabitin sa pagyayabang niya.

"M-may pinagtalunan lang kami ni Seiko."

"Ano?"

"Basta. Usapang lalaki lang." nakangiti nitong saad. Hindi ko naman ito sinagot at hinayaan nalang ito. "Naliwanagan ka na ba?" tanong nito.  Nang-aasar.

Sumama ang mukha ko at tumayo para pumasok na. Hindi niya ako pinansin dahil may pinagatlunan sila ni Kuya Seiko? Damay na rin ba ako non? Psh

Masyado rin akong naaapektuhan sa mga ngisi niya. Hindi nakakainis ang dating non sa akin, naaangasan ako don. At iyon ang ikinababaliw ko.

"Alexis!" tatawa tawa nitong habol sa akin pero hindi ko ito nilingon at dire-diretsong umakyat sa kuwarto.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at natulala sa kisame. Masyado akong naaapektuhan sayo, Akihiro. Kahit anong pagkumbinsi sa isip ko na dapat ayos lang na hindi niya ako kausapin ay hindi pumapayag ang puso ko.

Nanlaki ang mata ko at mabilis na bumangon. Hindi kaya nagkakagusto na ako kay Akihiro? mabilis na nangunot ang noo ko sa naisip. Hindi. Hindi pwede. Lagot ka kay Tita at Tito. muli kong ibinagsak ang katawan ko at ipinikit ang mata.

Naimulat ko ang mga mata nang marinig ang pagtunog ng alarm ko. Marahan kong dinampot ito na nasa tabi ko at napapikit muli nang masilaw dito.

"Waaaaaah!! 7:47 na!" dali-dali akong kumuha ng tuwalya at damit para maligo. Jusko!

Still YouWhere stories live. Discover now