❤️chapter 39❤️

5.5K 267 16
                                    

Birthday

Fia pov,

"Baby, tell me... anong ginawa ng mga morons na iyon sayo? Did they hurt you?" Tanong ni Spade habang nagmamaneho.

Wala sa sariling umiling ako. Galing kami sa hospital kung nasaan si Micco, okay na ang braso niya pero mag-asawang sampal ang binigay sa'kin ni Chloe na girlfriend niya kaya hinahatid ako ni Spade sa mansion namin.

Tinulugan sila ni Hulk kaya sila naka-alis sa bahay na iyon. Kanina pa ako wala sa sarili simula nang pinakawalan ako ng boss nila Ethanol. Naalala ko ang sinabi ni boss nila.

"I want to see you hurting your friends. Gusto kong pag-away-awayin mo sila if you want them alive. I have eyes and ears everywhere, madali kong ma-i-papatay ang buong section 1-A kung gustuhin ko pero dahil mabait ako, gusto kong saktan mo si Spade not physically but emotionally. I want to see you hurt sa gagawin mo katulad ng sakit na naramdaman ko ng na- comma ang anak ko."

Buong gabi akong mahirap na makatulog dahil sa sinabi ng papa ni Troy. Nagtaka ang mga ugok sa pagiging matamlay ko ng pumasok ako sa classroom. Napatingin ako sa kanila na nag-babangayan. Kay Spade...

Sasaktan ko kayo para sa kaligtasan niyo.

"Fia. I like to invite you. 8 pm in our mansion for the party." Aniya ni Ace.

May naalala ako. Ako nalang pala ang hindi nakabati sa kaniya. "Happy birthday Ace!" Nagulat silang lahat sa sigla ng boses ko kahit pilit lang iyon.

"Akala ko nakalimutan mo na." Ngumuso pa siya.

Ngumisi lang ako. Mamayang gabi ko na gagawin ang plano ko...

♥♥♥

Pumulupot ang kamay ni Spade sa baywang ko ng makapasok kami sa mansion nila Ace. Akala ko simpleng party lang pero wild party pala ang nagaganap. Malakas ang music na pinapatugtog ng DJ. Dim ang lights at maraming naghahalikan kahit saan. Puta! Mapapatay ko talaga si Ace dahil sa ginawa niyang party!

"Stay with me..." Bulong ni Spade sa tenga ko. Tumango ako. Lumapit kami kay Ace at binigay sa kaniya ang regalo naming dalawa. Binati ko ulot siya ng happy birthday at nagpasalamat siya. Hinanap ko sa kaniya ang ibang ugok at ang sabi niya ay nasa pool area daw ang mga ito.

Iginaya ako ni Spade sa isang sofa at umupo kami doon. Kumuha siya sa dumadaan na waiter ng alak at ininom ito. Kumuha din ako at iinumin na sana ng pigilan niya ako.

"You can't."

Ngumuso ako. "Bakit ikaw puwede? Tapos ako hindi?!"

Mas lalo siyang lumapit sa'kin at diniin ang katawan sa katawan ko. Ghad! Ang bango niya.

"Don't pout." Aniya sa mababang boses.

Mas lalo akong ngumuso. "Pati ba naman itong ginagawa ko, pagbabawalan mo-"

"Damn. I can't control myself." Aniya at sinunggaban ako ng halik. Namilog ang mata ko ng makitang naka-upo na ako sa kandungan niya. Bahagya akong nahiya dahil nasa public kami pero ang gago hindi man lang nahiya at diniin ako sa kaniya habang naglalakbay ang halik niya sa leeg ko at dinig na dinig ko ang tunog ng halik niya doon. Tumingala ako at kinagat nalang ang labi.

This is the last kiss that I'll give to you...

Gumapang ang kamay niya sa hita ko pero bago pa niya mahaplos ito ay may sumipol kaya nasapak ko si Spade at tumayo sa kahihiyan.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon