❤️ chapter 33❤️

5.2K 270 52
                                    

Black man ghost

Fia pov,

TAHIMIK LANG kaming kumakain dito sa bahay nila Spade dahil sa nangyari kanina. Hindi na rin kami makakapunta sa party mamayang alas nuwebe. Si Yuwence naman ewan ko kung nasaan.

"Pupunta tayo sa party?" Biglang tanong ni Kev.

Walang umimik samin kahit Isa, matamlay lang kaming kumakain. Hanggang sa matapos na kami, ako na ang nagpresinta na manghugas.

"Ako nalang ang manghuhugas," paalam ni Ace.

"Ako na, kaya ko na'to," sabi ko at nagsimulang ligpitin ang pinag kainan namin at nilagay sa sink.

"Tulungan nalang kitang manghugas ng pinggan."

Tumango ako kay Ace. Ang kulit kasi!

Siya ang nagsasabon habang ako naman ang nagbabanlaw nito.

"Ang daming nagkaka-gusto sayo, fia."

Marami nga. Maraming gudtong pumatay sa'kin.

"Pano mo nasabi?" Kumunot ang noo ko.

"Manhid ka ba talaga?"

"Kingina mo!"

"Seriously, nag away si Spade at Yuwence dahil nagselos si Yuwence, muntik pa nga makisali sa bugbugan si Alex kanina."

Alam ko naman na may gusto sa'kin si Alex pero joke lang yun, hindi ako naniniwala. Si Kim parin ang gusto niya.

"Walang'ya si Spade, pag ako talaga hindi makapag timpi, babarilin ko talaga siya."

"Easy fia. Hindi ko alam kung anong nangyari kay Spade. Hindi naman niya gawain ang manghalik ng kung sino. Ikaw nga siguro ang first kiss ng gago. Mukha lang yang gago pero wala pa yan karanasan sa kama-"

"Potaaa! Ace! Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Basta, baka mabuntis ka ni Spade, hindi yan marunong gumamit ng protection. Virgin pa yan-"

"Leche! Ace bibigwasan na talaga kita pag 'di ka pa tumigil!"

"Hahaha-"

"Tss,"

Narinig kong singhal galing sa likod, tumigio rin sa pagtawa si Ace at tinutukan ang pag sasabon ng pinggan. Hindi ko na nilingon kung sino iyon dahil ang hari ng mga ugok iyon panigurado.

Natapos na kami ni Ace manhugas ng pinggan kaya nagpaalam siyang mauna na sa sofa, tumango naman ako.

Sinabon ko ang kamay ko at pinunasan. Namilog ang mata ko ng makita sa lamesa si Spade na nagkakape.

"Can we talk?" Mahina niyang tanong.

Hindi ko pinansin, malay mo may kausap sa phone ang ugok at hindi ako.

"I know your mad about me by kissing you in front of your ex-"

Hinarap ko siya, "Hindi ako galit dahil hinalikan mo ako sa harap ng ex ko. Galit ako sayo dahil hinalikan mo ako sa harap ng maraming tao. Leche!"

"I also kiss you in the mall, hindi ka nagalit sa'kin noon-"

"Kasi nga coincidence lang iyon."

"S-sorry," mahina niyang sabi at yumuko.

Kumuha ako ng gatas sa ref at umupo sa tapat niya.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon