❤️chapter 24❤️

5.2K 301 54
                                    

Confess

Fia pov,

TINAKPAN KO ang tenga ko dahil hanggang ngayon naririnig ko parin ang huling salita ni spade kanina bago ako lumabas ng kotse niya.

"It's just a friendly kiss, don't expect to much."

"It's just a friendly kiss, don't expect to much."

"It's just a friendly kiss, don't expect to much."

"It's just a friendly kiss, don't expect to much."

"It's just a friendly kiss, don't expect to much."

"Arggghhhh gago ka spade!"

Kinuha ko ang isang pillow sa kama at tinakpan ang mukha ko. Bakit ba kasi ako nagpahalik sa gagong yun? May gusto ba'ko sa kaniya? Parang kinurot ang puso ko ng sinabi niya ang linyang iyon kanina. Ganun din ba siya sa mga kaibigan niyang babae? Kingina wala pala siyang kaibigan na babae. Naalala ko rin na ako ang first kiss niya. Gago! Hinalikan niya ko hanggang leeg ta's kaibigan lang pala yun?

Alas dyes na nang gabi pero 'di parin ako makatulog sa ginawa ng gagong yun, kailangan ko na talaga siyang iwasan, masyado siyang dilikado para sa'kin. Hindi naman sana big deal sa'kin yung halik na yun eh! Kaso parang ginagawa niya lang ako na isang fling. Kung makahalik parang girlfriend niya ko. Kainis.

Gago ka Spade! Leche! Depotaa! Aaaaarrrrggghhh kainis kang hayop ka!

"Fia, matulog kana, 'wag munang isipin ang gagong yun," tinampal tampal ko pa ng mahina ang pisnge ko.

Bakit ba hindi ako makatulog?

"Kasi nga, masyado kang marupok, nagpahalik ka sa gagong yun, ayan tuloy hindi ka makatulog,"

Oo, sige na marupok na'ko.

"Marupok na nga bitter pa,"

Kaya ka iniwan ni yuwence eh,

"Bakit naman nasali ang gagong yun dito?"

Nababaliw na'ko, bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? parang tanga lang. Dala na'to sa puyat, kailangan kong uminom ng gatas baga makatulog na'ko.

Lumabas muna ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng babasagin na baso at nilagay iyon sa lamesa, binuksan ko ang ref at kinuha doon ang sterilize milk.

"Why are you still awake?" Tanong ni kuya Mar na kakababa palang sa kwarto niya. Kumuha rin siya ng baso at nilagay iyon sa tabi ng baso ko.

"Hindi ako makatulog, ba't gising ka pa kuya?" Nilagyan ko rin ng gatas ang baso niya.

"May tinatapos akong documents para sa company," Tumango lang ako sa sagot niya. "By the way, may kausap ka ba kanina sa kwarto mo?"

"Wala bakit, kuya?"

"I heard you yelling,"

Napalunok nalang ako, shit narinig niya ko, "ahh, sumigaw ako para makatulog, Malay mo, effective yun." Tumango lang siya kahit hindi kumbinsido sa sagot ko.

Nauna na siyang umalis dala-dala ang baso niya. Pumunta narin ako sa kwarto ko dala ang baso, nilock ko muna ang pinto at umupo sa silya na nasa balkonahe.

Muntik ko ng mabuga ang gatas na ini-inom ko ng makita si Alex na nakatanaw sa balkonahe ko, kahit na malayo, tanaw na tanaw ko parin siya, hindi niya siguro nakita na nakatanaw na'ko sa kaniya, dahil dim ang lights ko.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon