❤️chapter 26❤️

5.3K 277 7
                                    

Utang

Fia pov,

HINANDA KO na ang tenga ko pagbaba ng hagdan, paniguradong sisigawan na naman ako ni kuya mar neto. Kay kuya mar ako sumabay pag-uwi kanina galing principal office. Muntik na nga kaming ma-suspend ng isang linggo buti nalang tinamad yung principal. Yung taga ibang campus naman na kampon ni jheo pinarusahan rin pero hindi ko alam kung anong parusa ang ipinataw ng principal.

Ngayon alam ko na, na ayaw rin ni Mrs, Torton kay Rhea dahil anak ito sa labas ng asawa niya. Nung tipa-uwi na kasi kami naabutan ni Rhea si Mrs, Torton sa labas ng P.O. nagtanong lang naman si Rhea kung bakit nasa Principal office si jheo pero inkutan lang ito ng mata ni Mrs, Torton at binulyawan pa.

Naaawa ako sa kalagayan ni Rhea, dahil hindi siya tanggap ng step mother at step sister niya. Minsan napapansin ko rin na parating may pasa o kinalmutan sa braso si Rhea pero hindi naman ito nagsasabi kung ano talaga ang nangyari sa kaniya. Hindi kaya minamaltrato siya?

Hindi naman kasalanan ni Rhea kung bakit anak siya sa kabit ng tatay niya pero bakit ganun nalang ang galit ni Mrs, Torton sa kaniya? Hindi naman niya kasalanan na nabuo siya sa maling panahon.

Pagbaba ko ng hagdan, agad akong napalunok ng sariling laway. Nakita ko si kuya mar sa sala habang nakahalukipkip at pabalik balik na naglalakad, parang tanga lang.

"Uhm, k-kuya pi-pinatawag mo raw a-ako?" Hindi ko maiwasang magkada-utal.

Pumikit siya at nagpakawala ng buntong hininga, "the grounded of your credit card is extended," tumingin siya sa'kin ng masama. "Go. back. to. your. room. now!" Mariin niyang sabi.

Yun lang?

Ang buong akala ko kasi sisigaw-sigawan niya ako hanggang sa masira ang eardrums ko, hindi naman sa kinukulangan ako, pero expected ko talaga na sasaksakin niya ako sa tanong kung bakit nasangkot na naman ako sa away at papatayin niya ko sa sermon.

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya pinagbukasan ko Ito. Si Lolo.

"Apo, napaaway ka na naman daw sabi ng kuya mo, totoo ba Ito?" Tanong niya ng makaupo sa sofa sa loob ng kwarto ko. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Hindi naman talaga ako kasali sa away Lolo, natypuhan lang," nakanguso kong sabi.

Hinaplos ni Lolo ang buhok ko, "kaya hindi ka nagtatagal sa isang paaralan dahil parati kang natytympuhan ng away," napatawa naman ako.

Sa fun academy lang siguro ako nagtagal.

"Lolo, naman eh!"

Bumuntong hininga siya, at iniba ang usapan, "kelan mo ba ako bibigyan ng apo sa tuhod? Matanda na'ko---"

Napasapo nalang ako ng noo at pinutol ang kahibangan ni Lolo, "Lolo, hindi ka pa matanda, kaya mo pa nga kumarate, at Isa pa bata pa'ko, kay kuya mar kalang muna humingi ng apo sa tuhod, baka bigyan ka agad nun ng sampung apo sa tuhod."

Napatawa si Lolo, "Ayaw pa magpakasal ng kuya mo,"

Mahal niya naman si ate icy bakit hindi sila magpakasal?

"Kay kuya mark at kuya markier nalang muna kayo humingi ng apo sa tuhod, lolo."

"Tsk, tsk, tsk, hindi naniniwala sa pagmamahal ang kambal mong kuya kaya hanggang ngayon single parin."

"Mas lalo naman ako, walang jowa."

"May apo na sana ako sa tuhod ngayon kung kayo parin ni yuwence, nasa kaniya na ang lahat. Iniwan mo pa."

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon