❤️chapter 3❤️

8.1K 382 43
                                    


Show

Fia pov,

"Bye kuya," paalam ko kay kuya sungit.

(A/N: kuya sungit is Mar Yuhan Karizou, Yuhan for short)

Hinalikan ko muna ang pisnge niya.

"Don't try to crash your car or else I'll get it from you, kailan kaba mag u-uniform? Parati kang naka pants, pag hindi naka pants naka pajama, pag hindi naka pajama naka leggings ka naman, ano ba tinatago mo? Siguro maitim tuhod mo noh?" uminom muna siya ng gatas sa baso at ibinalik ang dalawang kamay sa keyboard ng computer.

Hindi si kuya mahilig mag kape, gatas lang talaga ang iniinom niya. Taray diba?

"Trip ko to. Mag u-uniform rin naman ako pero hindi pa ngayon."

Kung hindi ko lang talaga siya kuya aakalain ko talaga na mas mahalaga sa kaniya ang kotse kesa sa buhay ko.

Mamayang hapon na ang uwi ng dalawa kong kuya sa mansion... sana hindi magkagera na naman.

Habang nag da-drive ako naalala ko ang sinabi ni Lawrence kahapon.

Akala ko talaga babae yung classroom V-president namin, lalaki rin pala...

Khanzler Crew Jacob... Yan ang pangalan niya... andun pa daw yun sa state, baka second week na daw yun papasok.

Ipinark ko ang kotse at nilock ko pagkatapos lumabas.

Masyadong tahimik ang parking lot, wala pa kasi tao dito dahil masyadong maaga pa.

Napatigil ako sa sumigaw.

"Ayaw ko!" Sigaw ng lalake. Parang kilala ko yung boses na yun... ewan basta narinig ko na yun.

"Akin na nga!" Sigaw naman ng isa pang lalake.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang sigaw nayun...

Sa likod ng kotseng itim nakita ko yung lalaking nerd naka eye glass, makapal ang kilay at sa gitna ang hati ng buhok, medyo maputi rin siya. Pinapaligiran siya ng tatlong lalaki na mukhang ewan. Yung nasa gitna may hawak na baseball bat tapos yung dalawa naman sa gilid niya nakahalukipkip at maangas ang mga dating.

Mukhang may inaagaw sila sa nerd na lalaki na ewan...

"Ayaw mo talagang ibigay." sigaw nung nasa gilid at sinuntok yung nerd sa mukha.

Aba't mga gago kayo! Hindi ko na kayang magtago. Kaya nake-eksena na ako.

"Hoy!" Sigaw ko sa tatlo agad naman silang lumingon sa'kin.

"Miss umails ka nalang kong ayaw mong madamay dito." Sabi nung nasa gitna.

"Pano kong ayaw ko?" Nakapameywang na sabi ko.

"Para namang kaya mo kami hahahaha--"

Sinuntok ko na kapikon eh! Akala niyo ha?

"Masiyado kang pakealamera." sigaw ng nasa gilid na isa. Sumugod siya sakin. Mabilis ko siyang tinadyikan sa tiyan kaya ayon tumba! kawawa ka naman naka heels pa naman ako.

"Babae ka ba talaga?" Tanong nung may hawak na baseball bat habang hinahampas hampas sa ere ang bat at palapit ng palapit sa gawi ko.. masyado kang mahangin!

"Ano sa tingin mo?" Pabalang na sagot ko.

"Hindi ka marunong sumagot ng tama." muntik na niya ako mahampas ng bat buti nlang nakailag ako. Depotaa! Iwas lang ako ng iwas sa mga hampas ng bat niya, tingnan lang natin kung hindi ka pagod.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon