❤️chapter 27❤️

5K 313 14
                                    

Monster

Fia pov,

"What is in infinitive?"

Tanong ng lect. namin sa English kay Jack, may recitation kami ngayon. Ang mga ugok kampanteng-kampante samantalang kinakabahan naman ako pag ako na ang sumunod sa kaniya.

Tumikhim muna si Jack. "Infinitive is a grammatical term referring to certain verb forms existing in many languages, most often used as non-finite verbs- as with many linguistics concepts, there is not a single definition applicable to all languages," mahabang paliwanag niya at dere-deretsong sinabi iyon habang nakatingin sa lect. Pinalakpakan naman namin siya.

Putik! Lupit! Sanaol biniyayaan ng ganiyang talino.

Naalala ko si jasmine na kapatid niya. Kumusta na kaya ang kahibangan niya kay Lawrence?

"Next is Spade Falcon," tawag ng lect. at tumayo naman ang hari ng mga ugok. "Who is Abraham Lincoln?"

Poker face na tumayo ang gago at nagsalita,  "Abraham Lincoln was the 16th president of the U.S. and is regarded as one of America's greatest heroes due to his rule as the savior of the union,"  pumalakpak kaming lahat.

"As what I'm expected to the section 1-A," puri ng lect.

Shit sana time na!

"Next. Ms, Karizou."

Kabadong tumayo ako, habang lumulunok ng sariling away. Kingina!

"Who is Mahastma Gandhi?"

Nang wala siyang makuhang sagot galing sa'kin tumalikod siya. Natigil siya sa pagtalikod ng magsalita ako.

"Mahastma Gandhi, by name of Mohandas Karamchand Gandhi born on Oct. 2 1869, porbandar India. Died in Jan. 30 1948, Delli Indian lawyer, politician, and writer who become the leader of a nationalist movement,"  Hindi siguradong sagot ko.

Humarap sa'kin ang lect. ng nakangiti. Napawi ang kaba ko sa ngiti niya. "Very good Ms, Karizou. Akala ko hindi mo alam ang sagot sa tanong---"

*Kkkkkrrrrrriiiiinnnnngggg

Yesssss!!! Tapos na ang English class namin.

Pagkatapos mag paalam ng lect. lumabas na siya at nag ingay na naman ang mga ugok. Napatingin ako kay Spade na kunot noong nagtitipa ng phone niya.

Simula nung nangyari sa stack room, hindi na kami nagpansinan. Hindi na rin ako sa kaniya nakiki-bangayan.

"Fia, gusto mo sumama? Bibili lang ako sa canteen ng meryinda," nag-angat ako ng tingin kay Alex na nakangiti. Hindi na pala siya naka glasses naka contact lenses na. Dagdag sa chiks niya na naman ang kagwapuhan niya.

Tumingin muna ako kay Spade na masama ang tingin at nakaigting ang panga na tinitingnan si Alex, ganun din si Khanz Lawrence, Ace, at Xharles.

Anong meron?

Tumango ako kay Alex at tumayo sa upuan. Inakbayan niya naman ako at naglakad papuntang canteen. Nakayuko lang ako habang naglalakad, ayokong makita ang masasamang tingin ng mga babae sa'kin.

"Hey, chin up fia. Don't be shy," Alex chuckle. Hinawakan niya ang baba ko at pinagtagpo ang mata namin. Nag iwas ako ng tingin.

"What do you like? My treat," Tanong ni Alex ng nasa tapat na kami ng counter.

Malamang treat mo, ikaw ang nag yaya sa'kin dito sa canteen eh!

"Kahit ano,"

Baka hindi mo mabili lahat ng pagkain na gusto ko pag sinabi ko kaya kahit ano nalang.

Class 1-ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon